KABANATA 9

3 1 0
                                    

Sunrise


"Allyrain Viernez gising na anak practice na oyats." pang-gigising ni Manang sa akin, tinatamad pa akong bumangon kaso kailangan kaya nag-simula na 'kong mag-inat ng mga kamay ko at kinusot-kusot ang mata bago ito iminulat.

"Ally arat na baka di mo na naman maabutan ang pag-litaw ng araw sige ka." dagdag niya pa at bahagyang niyugyog ako. Tinanggal pa ni Manang ang kumot ko upang gisingin talaga akong maigi. Tumayo na ako bago pa ako mairita kay Manang.

Bago pa ako umalis sa higaan napaisip pa ako kung isa sa mga fans ni Zeinab Harake si Manang, napaka millennial kasi bwhahaha. May pa-arat-arat na pa si Manang jusko. Natatawa na lang ako sa naisip ko. Zebby yarn HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Tumungo na ako sa cr ng kwarto ko para makapag-hugas ng mukha tumagal pa ako roon ng kinse minutos pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. Nandoon na din sila Mommy at Daddy kasalukuyan silang nagkakape.

"Good Morning My good morning Dy." pagbati ko sa kanina sabay halik sa pisngi. Inabot na din sa akin ni Manang ang tasa na may natimplang gatas kaya sinimulan ko nang ininom 'yon. Pagkalipas ng limang minuto ay dumating na din ang pagkain kaya tumigil na kami sa kung anong ginagawa. Merong fried rice, scrambled egg, tocino, and ham ang nakahanda, kumuha ako ng konting kanin at tocino pinagsalinan pa ako ni Manang ng tubig bago sumabay sa amin sa pagkain. Bago 'yon ay nagdasal muna kami ako na din ang naglead ng prayer. Si Mommy na ang naglead ng prayer yumuko ako at hinintay ang hudyat upang mag-antanda pagkatapos nang 'yon ay nagdasal na si Mommy. Nakapikit ako't taimtim na nagpasalamat sa biyayang ibinigay sa amin ni lord.

"Manang ako na po riyan paki-ayos na lang po yung mga dadalhin natin." usal ko kay Manang na magsisimula na sanang mag-hugas ng plato. Pinagpatuloy ko na ang pag-uurong ng mga pinag-kainan namin, madali lang namang mag-urong kaya madalas ako na din ang gumagawa sapagkat wala naman akong ginagawa sa bahay, puro lang naman ako pagbabasa ng wattpad  kaya mas mabuting tumulong ako sa mga gawaing bahay. Hindi ko makayanan ang walang ginagawang gawaing bahay dahil sinanay ako ng parents ko na maging responsable.

Binabalak ko ding tumulong sa pagtatanim sa bukid sa meyerkules dahil simula na naman ng panahon ng pagtatanim ng kamote, yayayain ko na lang sina Krisea at Andrew upang may makasama ako. Hindi ko na din kasi sila masyadong nakakasama o kaya naman nakakausap sa telepono. Hay ewan ko ba naman sa mga 'yon kung ano ano ang ginagawa nila sa mga buhay nila. Siguro'y abala din sa mga kinahihiligan o tumutulong din sa negosyo ng mga 'to.

"Ally oks na lahat tapos ka na ba dyan? " tanong ni Manang na pababa na galing sa kwarto ko. Sobrang mapag-kakatiwalaan si Manang kaya pinapayagan ko itong pumasok sa kwarto ko. Natatawa pa din ako kapag nagsasabi si Manang ng mga pang-millennial na salita hindi ako pala-facebook ngunit batid kong ito ang mga sikat words na umiiral sa mga kabataan tulad ko.

"Opo Manang tapos na po. Paalam po muna ako kila Mommy bago tayo umalis." pag-papaalam ko muna kay Manang bago nagtungo sa kwarto ni Mommy pinatuyo ko pa muna ang mga basa kong kamay sa hand drayer namin bago tumungo. Diretso diretso lamang ako sa kwarto nila mommy at sabay kumatok.

"My?" katok ko muna sa pinto ni Mommy, pare-pareho lamang ang mga itsura ng pinto namin kulay brown na may korteng sunflower at may kalakihan. Naka-apat na katok pa muna ako bago nagbigay ng hudyat si mommy upang tuluyan along makapasok.

"Pasok." rinig kong sabi ni Mommy kaya pumasok na ako. Naka-upo si Mommy sa upuan nito habang nakatingin sa salamin habang naglilipstick. Nakasuot pa siya ng kulay brown na suit may panloob pa itong damit kulay brown din ngunit ang tela nito'y kakaiba kumikinang-kinang. Ayos na ayos itong tignan nakaipit pa ang hanggang bewang niyang buhok. Napakakintab at napakalambot ng buhok ni Mommy parehas kami ng buhok straight.

"My magpapaalam po sana ako tutuloy na po kami ni Manang para mag-practice." paalam ko rito tumayo pa ako sa likuran niya habang tinitignan ang pag-lagay niya ng lipstick. Maganda si Mommy, matangkad, magaling din itong manamit, matangos ang ilong, bilogang mata at kissable lips no wonder why Daddy fall in love with her. A wise woman and the best mother of the world.

"Okay just take care sweetie I love you. Goodluck!" pagpayag niya sa akin nang may pag-papaalala. Nagpasalamag muna ako kay Mommy at bumaba na at dumiretso sa garahe pansin kong wala na si Manang baka nasa labas na't naghihintay. Kinuha ko na ang bike at inayos ang pagkakaupo't tuluyan nang lumabas ng bahay. At di nga ako nagkamali naroon na si Manang.


"Aba sakto lang ang oras Ally oh, kuhanan mo na napakaganda ng sikat ng araw." ani Manang nang huminto siya sa palayan. Doon kasi nakikita ang buong itsura kung paano ito sumisikat inilabas ko na ang camera ko at inayos ang mga lens.

Dahan-dahang sumisikat ang araw, pataas na ito ng pataas kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran. Manghang-mangha pa ako sa pagtingkad ng kulay berdeng mga palay sa bukid. Inayos ko ang pagkakaanggulo at kinuhanan ito. Ramdam ko ding paliit nang paliit ang mata ko dahil sa sinag ng araw. At masasabi kong ito talaga ang kahinaan ko ang masinagan ng araw sapagkat sumasakit ang aking mata. Kaya binilisan ko ang pagkuha ng litrato rito isinama ko din ang palayan upang mas gumanda, sumabay pa ang mala-kaliskis na ulap kaya talaga namang nagmimistulang isang napakagandang tanawin nito. May ngiti sa aking labi ng maayos kong makuhanan ito. Nakakakalma ang ganitong tanawin gigising ka sa umaga at ito ang bubungad sa iyo. Napakasariwang hangin, pagaspas ng mga halaman, pag-hampas ng alon na siyang umaabot ang tunog sa kabahayan. Oh kay sarap manirahan sa ganitong lugar.




Me And My AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon