Chapter Twenty: The Raskell's Lone Survivor

4.4K 392 29
                                    

-chapter twenty-

Different matches play out in the field. Students lay out their lives and honor to win the event. Iba't ibang abilities ang nagpakita. Iba't ibang techniques ang nagwagi. May mga pangalang naging usap-usapan sa hallways at private rooms.

Nagkalat ang mga estudyante sa field at pinapanood ang bawat laban. Lalong lalo na kapag ang laban ay tungkol sa organisasyon na Conte Concilio at Student Council. Mas lalo silang nagiging interesado kapag ang nakatayo sa platform ay ang babaeng nagngangalang Serena Raskell.

"Narinig mo ba? Sasali daw si Serena sa student council dahil sa bet niya doon sa laban nila ni Yohanne."

"Eh? Natalo ba siya?"

"Hindi. 'Yon nga ang nakakapagtaka, kasi ang bet nila ay papasok siya sa student council regardless of winning or losing. Hindi ko alam kung bakit siya sumali."

Shaina narrowed her eyes at the mirror. She gave a final swipe on her lips. Isinarado niya ang tint at sinulyapan ang dalawang babae na nagchi-chismisan sa tabi niya.

"Serena won but she's part of the council now?" tanong niya.

The girl nodded without sparing her a glance. "Yep. Mapapa-disadvantage na ang grupo ni Meredith ngayon. Ang alam ko, pilit pa naman nila iyong nire-recruit."

Mabilis na lumabas si Shaina sa bathroom at hinanap si Meredith. Hindi ito puwedeng mangyari. If they want Meredith's plan to succeed, they either need to get Serena out of the way or get her. Dahil kapag sumama ito sa council, mas bababa ang chances of winning nila.

Shaina grew up in a small city. Siya lang ang nagiisang may ability doon, kaya nang accidentally niya itong napalabas, the city went against her. Dahil isa siyang halimaw, a freak of nature, a monster. She lost the trust of the city as well as her family who wants to survive. Shaina was banished from their town, because she doesn't want to be captured by the government.

Dahil sa kaniyang nakaraan, she greatly resonates with Meredith's goal. Sobrang saya niya nang dumating ang letra, dahil sa wakas ay masasagip na siya sa kalupitan ng mga tao. Ngunit malalaman niya lang na hindi din pala safe dito. In here, you're not protected. It's just another war of life in disguise of games.

Ang mga laro na in-establish nila ay nagpapakita lang na para sa mga taong nasa taas, life is nothing more but a game. For people who are in the mud, life is the most expensive possession they own.

Binuksan ni Shaina ang pinto sa storage room. Nakaupo si Meredith sa head ng mesa at kausap niya si Jeremy at Jonathan, ang kaniyang partner.

"Meredith," tawag ni Shain sa babae. "Serena is now part of the council."

Natahimik ang buong kwarto at iba't ibang klaseng reaksiyon ang namutawi sa mga mukha nila. Meredith stayed calm, but Jeremy was seething in rage.

"Akala ko ba wala siyang paki-alam sa ganito?!" singhal ni Jeremy.

"She lost in her match with Yohanne. Apparently, if Serena loses she has to join the council, and if she wins she can take a seat in the council." paliwanag ni Shaina.

Kumunot ang noo ni Maria. "Ano ang pinagkaiba? Hindi ba't iisa lang naman ang kahihinatnan?"

"She agreed to that?" hinampas ni Jeremy ang mesa. "Both choices means joining the council! Kung gano'n nagsinungaling siyang wala siyang planong pumasok sa gulo."

Anathema (The Academy of the Cursed)Where stories live. Discover now