Chapter 4
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang bumili nang mainit na pandesal.Sabay kaming kumain nina papa.Bihira na kasing makasabay si papa dahil busy siya sa trabaho.Sa finance department naka assign si papa sa kompanya nina Steven kaya siya busy.
"Kamusta ka na anak?"tanong ni papa habang kumakain.
Ngumiti ako."Okay lang naman pa."sagot ko."Namimiss ko na pong kumain na kasama kayo papa."dugtong ko.
Lumamlam ang mata ni papa."Sorry anak,busy sa trabaho..Di bale,next week sweldo na ipapasyal ko kayo.."nakangiting suhestyon ni papa kaya lumawak ang ngiti ko.
"Kent..Mamaya na yan..Kumain ka muna.."saway ni mama..Kaya napatingin ako kay Kent na busy sa paglalaro sa de remote niyang laruan na bigay ni Ethos.
"Sinong nagbigay niyan?"kuno't noong tanong ni papa kaya napalunok ako.
"Binili yan kahapon ni Sy,"sagot ni mama habang pinapakain si Kent.
"Huh?E,diba mahal yan?"takang tanong ni Papa.
"P..pinag-iponan ko po yan pa..S.Sa baon ko.."utal na sambit ko.
Bumuntong hininga si papa at sa'ka tumango."Pasensya na kayo,at hindi ko na kayo nabibilhan nang mga gusto niyo."malungkot na sambit ni papa na agad namang hinagod ni mama ang likod niya.
"Wag na po kayong malungkot pa..Wag niyo lang pababayaan ang kalusugan yun lang ang importante.."nakangiting agad ko para hindi na siya malungkot.
Bumuntong hininga si papa bago bumaling kay Kent na naglalaro.Biglang tumunog ang telepono ni papa kaya agad niya iyong dinampot at nagpaalam na sasagotin muna ang tawag.
Walang nagawa si mama kundi umiling-iling na lang at muling pinakain si Kent.Nagmamadaling bumalik si papa.
"Kailangan ko nang pumunta sa kompanya.."nagmamadaling sambit ni papa.
"Tapusin mo muna tong pagkain mo."sambit ni mama.Agad na umiling si papa.
"Wag na."sambit ni papa habang sumisim nang kape.Agad na tumayo si mama at kinuha ang suit case ni papa.
Lumapit si papa kay Kent at hinalikan ang tuktok nang ulo nito."Babalik din si papa ha."masuyong sambit ni papa at inosenting tinignan naman siya ni Kent.
"Papa..Uwi.."nakangusong sambit ni Kent.Bumuntong hininga si papa.
"Maagang uuwi si papa mamaya okay?Maglalaro tayo nang Robot,gusto mo yun?"nakangiting suhestyon ni papa.Ngumiti si Kent at paulit-ulit na tumango.
Bumaling sa'kin si papa at ganon din hinalikan ang buhok ko.
"Gumala kayo nang kai---"pinigilan ko si papa nang akmang bibigyan niya ako nang pera.Agad akong umiling.
"Wag na pa..May pera pa naman ako."tanggi ko.
Walang nagawa si papa dahil paulit-ulit akong tumanggi.
"O,siya..Aalis na ako.."anusyo ni papa at hinalikan sa labi si mama na ikinangiti ko.Isa yun sa nagustuhan ko sa pamilya ko yung sweetness nang mga magulang ko sa isa't isa dahil bihira na lang yan ang ganyan kasi kadalasan sa mga magkapamilya ay nagkakahiwalayan kaya saludo ako sa mama at papa ko dahil kahit subsob sa trabaho si papa ay hindi pa rin sila nawawalan nang time sa isa't isa.
Ang love story talaga nila ang pinapangarap ko pero mukhang hindi ko na maisasakatuparan 'yun.
Hindi nagtagal si papa dahil panay ang tunog nang telepono niya at kinailangan na niyang pumunta sa kompanya.
Pinakain uli ni mama si Kent kaya nagpaalam na rin ako na papasok na ako sa school.
Nasa may gate na ako nang makita ang sasakyan niyang nakaparada.Bumuntong hininga ako nang lumabas siya at pinagbuksan ako nang pinto kaya wala akong nagawa kundi pumasok na lang.Naka Jersey na blue siya ngayon at sa harap nito ay may imahe nang eagle at may nakatatak na Armani Eagle.May practice kasi sila ngayon.
YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...