Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Pat since siya lang nakakaalam kung saan yung dinner namin kaya sumunod lang ako sa kanya. And mukhang wala pa sila Tito sa mall kaya nag-aya na muna si Pat na umikot muna.
"Hello po Ms. Agnes."sabi sa 'min nung nakasalubong naming mga babae. "Pwede pong magpapicture?"
"Uy, sige tara."sabi ko naman sa kanila kaya nagmamadali din silang lumapit.
"Thank you po. Sayang nakita po namin kayo dati kasama si Ms. Raisa kaso di kami nakapagpapicture sa inyong dalawa." Napakamot ako sa ulo.
"Ah ganon ba? Next time lapit lang kayo."sabi ko sa kanila.
"Okay lang po bang isa pa?"sabi nung isang babae. I just nodded pero nahiya naman ako na pinapanuod lang kami ni Pat.
"Sama ka dito."sabi ko kay Pat. Umiling siya.
"Hindi na."
"Ate sama ka na po."sabi nung mga katabi ko kaya walang choice si Pat kundi sumama na lang din. We both smiled at the camera.
"Alam niyo, bagay po kayo."sabi nung nagpicture sa 'min.
"Talaga? Tingin ko rin eh. Ayaw lang maniwala nitong ka-date ko."sabi ko sa kanya tapos bigla akong siniko ni Pat. Nagpaalam na kami dun sa dalawa tapos naglakad na kami ulit.
"Hoy."sabi ni Pat.
"Ano nanaman?"
"Unang-una, we are not dating. Pangalawa, hindi tayo bagay."sabi niya. I chuckled.
"Usok naman agad ilong nito. Lighten up! You're always too serious."sabi ko sa kanya.
Nag-aya si Pat na pumunta muna sa bookstore. Habang naglalakad napansin ko na tahimik si Pat. Ano kayang iniisip niya? Pagpasok ng bookstore, nagtingin lang din ako ng mga libro. Matagal na rin since yung last time na nakapagbasa ako. Sa sobrang busy ko sa mga gigs dati, nawalan na ako ng oras to slow down. Habang nagtitingin ako, napansin kong nakatingin sa 'kin si Pat.
"Stop staring wifey. Alam ko namang maganda ako, pero baka matunaw ako nyan."
"Ang kapal ng mukha mo. Hindi kita tinitingnan."sabi niya sa 'kin at napansin ko na namumula nanaman siya.
"Ayaw mo pa kasing umamin na --"sabi ko sa kanya.
"Pat?"
"Uy Charlie! Anong ginagawa mo dito?"
Charlie pala yung name niya. Tama nga ako, I've seen her before sa campus.
"Wala naman. May hinahanap lang ako."
"Ano naman yun?"
"Ah... meron kasi akong hinahanap na libro. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Ah wala. Nag-iikot lang kasama si ano... siya."sabi ni Pat tapos tinuro niya ako.
"Agnes."sabi ko tapos nakipagkamay ako sa kanya.
"Hi. Charlie. I didn't realize na magkasama pala kayo."
"Ikaw? Sinong kasama mo?"tanong ko.
"Ah wala. Ako lang. Wala naman akong pwedeng isama eh."sagot ni Charlie.
"Talaga? Kahit girlfriend? Nililigawan? Nagugustuhan? Friend?"tanong ko. Clearly Pat wanted to ask her the same question pero mukhang wala siyang lakas ng loob to ask. She was glaring at me so I just responded to her with a smile.
"Wala. Nagugustuhan lang siguro pero wala pa akong girlfriend."sabi ni Charlie.
"Sino naman?"tanong ni Pat. See. Inis pa siya sa 'kin tapos gusto niya lang din naman palang malaman kung sino.
"Ah... some girl from the office kaso mukhang may bakod na."sabi ni Charlie. I saw Pat blush.
"WALA!" Sa sobrang gulat ko kay Pat muntik ko na mabitawan yung hawak kong libro. She clearly can't tone her voice down.
"... I mean, wala naman siguro."sabi niya ulit.
"Sana nga. Anyway, mauuna na ako. Ayoko na rin makaistorbo sa inyo. Sige."sabi ni Charlie tapos nagpaalam na rin siya. I just gave her a half nod.
"Maka-sigaw ka wagas ah. Feeler ka lang 'te?"sabi ko sa kanya.
"Hoy hindi kaya! Nakatingin siya sa 'kin! Hindi mo ba nakita?"
"Malamang tingnan ka niya, kausap ka di ba? Ano, adik ka?"
Nagsalubong nanaman yung kilay ni Pat. I mean, I didn't want to burst her bubble pero ayoko rin namang umasa siya.