Chapter 1

7.8K 290 8
                                    


Napuno ng palakpakan ang buong gymnasium.

"Congratulations Graduates!"

Napangiti ako at tumayo. Niyakap ko ang aking mga kaklase at nagkanya kanya na silang lapit sa mga magulang nila.

This is it! Finally!

Graduate na ako/kami.

"Aria Isabel Saroza!!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakangiti naman itong lumapit sa akin at niyakap ako. Nakatanggap naman sya ng kurot sakin.

"Ikaw talaga Bebang may pag sigaw ka pa!" - sita ko sa kanya.

"Eww stop calling me bebang in public."- saway nya sakin na ikinatawa ko naman.

Her name is Abriella Quintana. My best friend. I call her Brie occasionally, but mostly Bebs or Bebang kapag kami lang.
Puro kasi kabaliwan to kapag kasama ko at walang palya ang saya kapag kasama ko sya. Sa madaling salita,  para ko na syang kapatid.

"Sama ka samin? We're going to celebrate at my uncle's restaurant."- yaya nya sakin habang naglalakad kami papunta sa parents nya.

"Wag na. Sa apartment nalang ako. Saka kailangan ko din kasing mag impake."- sabi ko

Natigilan naman sya at napatingin sa akin.

"Impake? Why? Where are you going?"

"To our province. Remember the ancestral house we owned there?"

Tumango naman sya habang mataman pa din na nakatingin sakin.

"My dead parents told me to go there after graduation."

"How about me? Iiwan mo talaga ako?"- nakasimangot na sabi nya.

"Edi sumama ka sa akin."

"Talaga?!"

Napapikit naman ako at tumango.
Masaya naman syang yumakap sakin at pinalo pa ako.

"Wait for me tomorrow, okay?"

"Sure"

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin? Welcome ka naman e, kasi kilala ka na nina papa."

Umiling ako at ngumiti.

"I can handle myself. Sige na sumama ka na sa kanila."

Pagkatapos ng ilan pang batian ay nagdesisyon na akong umuwi sakay ng taxi , marami pa akong gagawin kesa ang makipag batian sa iba ko pang kakilala.

Pagkadating ko sa apartment masaya kong nilapag sa harap ng picture nina mama at papa ang diploma ko.

"I made it."- masayang bigkas ko habang hinahaplos ang larawan nila.

"Sana nandito kayo ngayon."- dagdag ko pa sa isang mahinang boses.

Napabuntong hininga ako at napalingon sa pinto ng makarinig ako ng katok.

Tinungo ko ito at binuksan. Nakita ko naman si Nanay Brenda, ang landlady ng apartment na ito.

"Alam kong wala kang niluto dyan. Halika at nag handa ako para sayo."

"Naku nay, dapat hindi na po kayo nag abala pa."

Kinumpas naman nya ang mga kamay nya.
Senyales na okay lang naman iyon sa kanya.

"Hayaan mo na. Aalis ka na bukas kaya pagbigyan mo na ako, Isay."

She's calling me Isay instead of Isabel. Okay lang naman sakin dahil close na din naman ako kay nanay.

"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?"

"Mag bibihis lang po ako."

Sinarado ko na ulit ang pinto at tumungo na ako sa kwarto para makapag palit. Tinanggal ko na din ang make up ko at sinuklay ang buhok kong ngayon ay tinanggal ko na sa pag kakaayos.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako at bumaba.

"Congrats Isay!!"

Boses ni Erica ang narinig ko pagkapasok ko sa bahay nila. Bunsong anak sya ni Nanay Brenda.

"Anong Isay? Mas matanda sayo yan Erica!"- saway ni nanay na ikinasimangot naman ng huli.

"Hayaan nyo na po. Isang taon lang naman po e."- sabi ko.

"Halika na ate."- si Erica na pinarinig talaga kay nanay ang word na ate.

Hinila nya ako papuntang kusina. Hindi ko naman maiwasan na hindi makaramdam ng saya at the same time lungkot.

"Andami naman po ‘nay."

"Naku wag mong isipin yan. Ang mahalaga ma icelebrate natin ang pagtatapos mo, o sya kumain na tayo. Erica ilabas mo na din yung cake."

Kung tutuusin gusto kong tumanggi. Tenant lang naman ako dito sa kanila pero kung itrato ako ni nanay Brenda parang anak na din nya ako.

**********

"Maraming salamat po talaga"- sabi ko matapos kaming kumain.

Gusto ko pa nga na ako na ang maghugas pero si Erica na ang nagpresinta.

"Babalik ka naman dito diba?"- biglang sabi ni nanay.

"Po?"

"Palaging bukas ang bahay ko para sayo Isay, kahit anong araw ka man bumalik.Wag ka mag alala hindi ko papaupahan ang kwarto mo. Wag mo kakalimutan mag ingat duon sa pupuntahan mo ha."

Ngumiti naman ako at hindi napigilan na yumakap sa kanya.

"Wag nyo po ako masyado ma miss nay."- biro ko dito.

Wala man akong literal na nanay at least kahit papano ay hindi ko padin nararamdaman na mag isa ako.

*********

Nagsimula na akong mag impake pagbalik ko sa kwarto. Naligo na din muna ako bago ako nagdesisyon na mag open ng messenger.

Nag chat kami sandali ni Bebang , sabi nya sasakyan nalang nya ang gagamitin namin papunta duon para daw hindi ma hassle lalo na at may mga dala akong gamit at ganuon din sya.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako habang kausap sya at nagising nalang ako kinabukasan na umaga na pala.

"You're late."- bungad sa akin ni Bebang pagkalabas ko ng apartment.

Initsa ko sa kanya yung bag ko na isa na nasambot naman nya. Natawa pa ako dahil muntik syang ma out balance dahil duon.

"Mean!"- palatak nya at inirapan ako.

Pinasok nya iyon sa backseat at ako naman ay pinasok sa likod ang maleta ko.

"I brought some snacks just in case we get hungry. Alam mo naman ako patay gutom."- sabi nya sabay halakhak.

"Okay."- simpleng sabi ko at sinuot na ang seatbelt. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawa nya sa sarili nyang joke.

Pinaandar naman nya yung kotse at umalis na kami.

"Nakita mo na ba yung ancestral house na sinasabi mo?"- tanong nya ng nasa kalagitnaan na kami ng byahe.

"Dati? I can't really remember."

"Pano ba yan. Baka mamaya may multo duon ha."

"Baliw ka. Pano mo naman nasabi? Sa pag kakaalam ko may care taker duon."

"Seriously, Aria, why did you choose to go back there? You already have a life in the city."

Bumuntong hininga naman ako at tumingin sa labas.

"It's the only inheritance I have."

Yung bahay at lupa na iyon ang magsisilbing isang mana na nakuha ko sa magulang ko.

Dating bahay iyon nina Lola at kalaunan nina mama pero lumipat kami sa syudad nuong bata pa lamang ako kaya naman pansamantala iyon naiwan.

Kung ako ang tatanungin hindi ko na halos matandaan ang itsura ng nasabing bahay na iyon.

"Can I sleep?"

"Go on. I'll just wake you up kapag nanduon na tayo."

Pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na tangayin sa kung saan ng isip ko.

This will be a long ride.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon