QWERTY'S POV
Ipinarada ko na sa garahe ang Ducati ko't bumaba ako. Naglakad ako papasok ng bahay ng dahan-dahan. Mahirap na baka mahuli pa 'ko nila Mom. Siguradong patay ako sa kanila. Nang makarating ako sa'king kwarto ay nagdiretso ako sa shower.
Naligo lang ako ng mabilis dahil kailangan ko nang matulog at may pasok pa 'ko mamayang umaga. Nang matuyo ko na ang buhok ko'y agad na rin namancakong lumundag sa kama't natulog. Nagising ako dahil sa katok ni Querem sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Dane, gising na. Bilisan mo mag-aalmusal na sa baba." Saad naman nito habang muling nag-iwan ng katok sa pintuan ko
"Coming." Sagot ko habang naglalakad papuntang banyo
Nang lumabas ako'y nagdiretso ako sa loob ng wardrobe ko't namili ng susuoting damit. Napili ko ang isang kulay red na dress. Pinarisan ko ito ng isang leather boots at kumuha rin ako ng glasses. Kinulot ko ang mga buhok ko't naglagay ako ng kaunting make up at syempre ang kulay pula kong lipstick. At kinuha ko na ang mga gamit ko't bumaba na 'ko para samahan silang mag-agahan.
"Good morning everyone!" Bati ko sa mga ito nang makapasok ako sa loob ng dining room
Agad na rin naman akong naupo sa tabi ni Querem at nagsandok ng pagkain.
"Ang lakas mong kumain pero ang payat payat mo naman!" Pang-aasar ni Querem habang nakangisi
"Ang kapal mo naman, Querem. Ikaw nga nagsusungit ka pa, e gusto mo naman siya!" Balik ko naman dito na nakapagpatahimik sa kanya
Buti naman at naaalibadbaran na 'ko sa bibig niya! Baka pasakan ko na lang 'to ng hotdog na nasa mesa sa kaingayan niya. Kala mo naman sinong seryoso sa buhay, e kala mo pwet ng manok sa kakasalita!
"Bye, everyone. Ingat sa office Dad, Mom." Sambit ko sa mga ito bago humalik aa kanilang mga pisngi bago lumabas ng bahay
"Ingat mga babies ko." Saad ni Mom nang may kasamang pagkaway
"Tara na, Dane sumabay ka na sa'kin. I'll drive you to school." Aya naman nito sa'kin habang kinukuha ang mga libro ko
"Actually I'm gonna drive my Ducati. Bye Mr. Torpe! Oh, before I forgot let's have a race. Ang mananalo ay magiging slave ang talo for a month!" Sambit ko rito habang pinapainit ang makina ng Ducati
"Deal!" Sagot nito bago pumasok sa kotse nitong Lamborghini na kulay itim
We're both racers kaya naman naging bonding na rin namin ang pagkakarera papuntang school. Hindi ko hinayaang manalo si Querem sa'kin. Nang makita ko siyang nasa likuran ko'y mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa motor ko. I even making a very smooth move as I've passed between the two fast moving cars in the intersection! I smiled when I see the frustrations in his face!
Nakakatawa yung mukha niya parang pusang 'di mapa-anak! Hahaha, and there you are. Nakarating ako sa parking lot ng school and as usual ang dami na namang nakamasid sa gawi ko. I'm one of the populars in the campus. Nang mahubad ko ang suot kong helmet ay tumalon ang mga kinulot kong buhok at sumayaw sa hangin nang umihip ang hangin.
Agad ko rin naman narinig ang mga papuri ng iba't-ibang estudyante nang maglakad ako palapit sa kakaparada lang noong si Querem na katabi lamang ng motor ko.
"Oh, hi loser!" Sambit ko naman dito habang nakangisi
"Fudge you, Qwerty Dane!!!" Inis na saad nito habang kinukuha ang mga libro ko sa tabi ng driver's seat
BINABASA MO ANG
CDAL Series 1: In Between (Ongoing)
ActionQwerty Dane Tuazon, isang tanyag na high ranked assassin ng CDAL o ang Chain of Death Assassins League na nakabase sa bansa. Pumapatay sila. Walang patawad. Magmakaawa man ito o hindi. Ang kasalanan ay kasalanan. After this incident that leads her...