Chapter 6

66 7 2
                                    

Attack

Faustina's POV

Hevster Academy:

"Cap okay ka lang?" tanong ko sa Captain namin na si Klucifer. Siya ang Captain ng A- Class Vampire dito sa Hevster at masasabi kong napakalakas talaga ng kapangyarihan nya. Hindi ko alam kung anong meron sa kapangyarihan nya pero isa siya sa pinakatatakutan ng mga estudyante dito sa paaralang ito. Ni isa ay walang nag atubiling lumapit sa kanya dahil kung sino man ang lunapit sa kanya ay kusang mamatay kahit hindi nya gamitan ng kapangyarihan, except nalang siguro sa amin no Vrayus.

Hindi namin alam parehong dalawa kung bakit kaming dalawa lang ang nakakalapit kay Cap at hindi tinatablahan ng nakakamatay na kapangyarihan nya, pero ipinag papasalamat ko iyon dahil naipaparamdam namin sa captain namin na kahit nakakamatay ang kapangyarihan nya ya nandito pa din kaming mga kaibigan nya handa syang samahan.

Kahit ang head master namin ay hindi rin makalapit sa kanya dahil muntikan na itong mapatay nang nagtangka siyang lumapit kay Klucifer.

"Malapit ko na siyang makita" nakita kong napangiti siya. Totoo ba ito?! Isang himala na ngumiti si Klucifer dahil sa tagal na naming mag kakasama at mag kakakilala ay tanging poker face na mga mukha lang ang nakikita ko sa kanya, walang kahit anong emosyon ang lumalabas doon pero heto nakikita kong napangiti siya kahit hindi labas ang ngipin. Napangiti din ako dahil bagay sa kanya ang pag ngiti niya.

"Sino ang tinutukoy mo, Klu?" isa pa pala. Kaming dalawa lang din ni Vrayus ang tanging nakakaalam ng tunay nyang pangalan dahil kapag nalaman ng iba kung sino siya ay baka mas lalo pa siyang katakutan ng lahat. Hindi ko alam kung bakit siya napadpad sa eskwelahang ito dahil hindi na bagay ang edad nya dito pero laging iisa lang ang isinasagot niya.

"Malapit na kaming magkitang muli"

Amaris's POV

Constello High:

"So for to days, mayroon tayong new student in A -Class. Gusto ko munang magpakilala sa kanilang dalawa." nandito kami ngayon sa may gym ng school at tanging kaming lima lamang ang tao dito kase A- Class ang naka schedule ngayon.

"Two young ladies I'm Titus Artikulo. I'm the adviser of A- Class  Vampire" pag papakilala nya sa amin.

"Tch" narinig kong bulong ni Jeiko.

So sya pala ang adviser ng A- Class, ibig sabihin lamang noon ay sya ang naka assign sa lahat ng A-Class Subject namin?

"Kindly introduce the two of you para makilala ko kayo" unang tumayo si Melody.

"I'm Anastasia Melody Dominika, I'm from the Clan of Dominika from the kingdom of Devreia" wow, so royalty sya kase galing sya sa mayamang pamilya. Kaya siguro sila mag kakilala ni Klock. Lahat siguro ng A-Class vampire ay galing sa mayayamang pamilya? Parang nakaka hiya namang mapasama ng grupong ito. Isa lamang akong ordinaryong mamayan ng Erobya. Dito sa Reino Celium.

"Oh I see, so ikaw pala ang sinasabi nilang kababata ni Klock" napangiti si Melody ng sabihin iyon ng adviser namin. Bumaling ang tingin nya sa akin, so ako na ang next. Tumayo ako at pinakilala ang aking sarili.

"Uhm, I'm Amaris Reizel Amanda Fulbuster. I'm from the village of Erobya." umupo ako ng sinabi ko iyon , nakita kong napaisip ang adviser namin dahil siguro sa apilyedo ko.

"Hindi familiar ang apilyedo mo, never ko pang narinig ang apilyedong iyan sa tagal kong namumuhay sa mundong ito, pwede ko bang malaman kung sino ang magulan mo?" tanong nya sa akin. Sa totoo lang wala talaga akong magulan at ang kinikilala kong magulan ay si Cusoass ang dragon na nag palaki sa akin.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon