Chapter 20

6.4K 150 8
                                    

Ang cute nung video *O*-Seyi

 Chapter 20

Ano kaya ang magiging reaction ni Yui kapag sinabi ko sa kanya na nakatira kami ni Ian sa iisang bubong? Malapit ng mag isang buwan si Ian sa bahay pero hindi pa din alam ni Yui. Hahaha! Ang galing kasing mag tago ni Ian tuwing may ibang tao sa bahay, hindi ko alam kung saan siya nagtatago.

Kanina pa nag umpisa ang klase, nagpakilala na din si Francess sa harap. Ang ganda niya kaso mas  maganda ako. Sasakalin ko siya kapag umangal siya.

Artista siya noon kaso tumira siya sa ibang bansa kaya nalaos. Palagi siyang nagmomodel sa mga teen magazine at mga clothing lines.

“nagseselos ako!” ani Yui. Kanina pa siya nakabusangot at ang itim itim ng aura.

“bakit naman?” pabulong kong tanong sa kanya.

“Ang lapit lapit ni Francess kay Ian, grrrr nakakainit ng dugo.”

Magkatabi kasi sila sa bandang likuran.

“Hayaan mo na nga.” Sabi ko.

“Paano kung magkabalikan sila?”

“eh di wala ka na ‘don. Hindi mo naman sila mapipigilan.”

“eeeehhhh..nakakainis pa din.”

“isusumbong na talaga kita kay Jasper mo.”

“Sige, para malaman natin kung may pakialam siya sa akin.” Bumusangot ulit siya. Problema talaga sa buhay ang lovelife.

Natapos na an gaming boring na klase. Nagpaalam sa akin si Yui dahil magkakaroon daw sila ng practice para doon sa stage Play.

So nag iisa na ako. Siya lang kasi ang kaibigan ko, di ako gaanong close sa iba kong kaklase. Nakatunganga lang ako dito sa classroom at pinapanuod yung mga studyanteng naglalaro ng soccer sa labas.

“hi,” nagulat ako dahil lumapit sa akin si Francess. Umayos ako ng upo. Umupo siya sa katapat kong upuan.

“yes?” tamad kong tanong.

“I’m Francess, you are?”

“Andy.”  Nakapokerface lang ako.

“ahh.. Andy,  pwedeng makipag kaibigan? I’m alone kasi eh. Wala pa akong kilala dito.”  Mukha siyang anghel na ibinagsak sa lupa. Sobrang puti niya at ang ganda ng buhok. Nakakainggit! Ang ganda din ng mga mata niya. Kulay brown.

“uhm ok,”

Akala ko pa naman masungit siya, sayang gusto ko pa naman na makipag fliptop battle sa kanya. Hindi siya mukhang warfreak, pero parang masungit siya kapag hindi nakangiti.

“yay! Thank you! You’re so pretty”  I know, bitch.  Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipag shake hands. So hinawakan ko naman yung kamay niya.

“Thank you,” Sabi ko dahil sinabihan niya akong maganda.

“so.. ahh can I ask you something?” Nilapitan niya ako para pag tanungan? Ayos ah.

Tango ang isinagot ko sa kanya.

“It’s all about Ian . He is  so famous here right? May naging karelasyon ba siya noon? I don’t know kasi eh.” Pakialam   ba nito kung may naging karelasyon si Ian? Mahal pa niya? Ano ako tanungan? Hindi ko naman pinapakialaman si Ian, ah? Anong alam  ko sa lalaking yun?

“I don’t know. Maybe yes, marami rin kasing balita na kumakalat na mayroon siyang bagong girlfriend.” Ako yun. lol

Lumungkot yung mata niya. Siguro may feelings pa din siya doon sa panget na Ian  na ‘yun. Naiintriga tuloy ako. Ano kaya ang dahilan bakit sila nagbreak? Dahil sa career? Sa magulang? Sa mag fans ni Ian? Pakialamero talaga ang  mga tao.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon