Chapter 6

1 0 0
                                    

Lorrain Salvador

Nabalitaan ko kanina na yung anak pala ni Mr.Alejandro ang mag mamanage ng pabrika

Isang tingin ko palang sa lalaking yun sigurado akong walang alam gawin yun kundi magpagwapo.

Pano kaya nagawa ni Sir. Renanto na ipagkatiwala ang kumpanya sa lalaki yun.

Nawalan na kaya ng interes si Sir. Renato sa pabrika kaya kung sino nalang ang makita nya ay siyang magmamanage.

Paano naman ang ilang daang trabahador ng pabrika kung sakaling yung lalaking yun ang mag mamanage.

Kinakabahan siya dahil ilang daan ang nag tatrabaho sa pabrika at ang magmamanage neto ay ang baguhang binata na yun..

Naiinis man pero pinag patuloy pa din ako sa paglalakad walking distance lng naman ang pabrika..

Pag ka dating ko sa bahay naabutan kong gising pa sila tatay at nanay

Matiyaga talaga nila akong inaantay umuwi para masabayan sa pag kaen..

"Nay bakit di pa kayo nagpapahinga dapat hindi niyo na ako inantay " nag aalala kong turan

"Nag aalala kasi ng gabi tapos wala kapa sa bahay" sabi niya

"Si tatay nay uminom naba ng gamot? "sabi ko habang nag sasandok ng kanin

"Oo anak kanina pa,  nandyan din pala yung ulam naka takip " sabi niya bago pumasok sa kwarto

Mag isa lng akong kumakaen iniisip ko yung mga bayarin na dapat bayaran ang pati ang pag  gamot ni tatay.

Pumatak nalang ang luha ko parang kailan lang ng nasa manila pa ako.

(Flashback..)

2 Year's ago

Lahat ng gusto ko nakukuha ko ng walang problema, Bagong damit,Sapatos,Bags at pati na rin ibat ibang sasakyan

Nag aaral din ako sa America sa kursong  Art and design 3 rd year college na ako nuon.

Pero hindi ko alam kung bakit di ako masaya sa buhay ko na yun..

Kaya lumayas ako sa amen at pumunta sa bahay ng date namen katiwala sa bahay sa Zamboanga
at sa pag layas ko na yun namatay si Mommy kaya nagalit saken si Daddy at ang mga kapatid ko.

Binalita lng yun saken ng bestfriend ko sa Manila, Agad agad akong bumalik nun.

Di parin mawala sa isip ko ang sinabi saken ni Daddy ng araw ng libing ni Mommy umuwi ako ng araw na yun para makita ko si mommy sa huling pag kakataon

"Anong ginawa mo dito? " Yan ang bungad saken ni ate

"ate, gusto ko lng makita si mommy" naiiyak kong sabi.

"Wala kang mommy dito simula ng umalis ka ! Nang dahil sayo namatay si mommy! " Tulak niya sa aken

"Ate tama na libing ito ni mama,  Ate Rain umalis ka nalang " Naiiyak na sabi ng bunso namen kapatid

"Umalis kana dito bago kapa makita ni Daddy ! Galit na galit yun sayo kaya umalis ka nalang! " pag tataboy niya sa aken.

Hindi ako umalis .Patago akong tumingin sa libing ni mommy  ang sakit sakit lng dahil wala akong magawa.

Umiyak lng ako ng umiyak alam kong nahihirapan din sila daddy at mga kapatid ko at dahil saken yun.

Makalipas lng ang ilang araw nag baka sakali akong  bumalik sa bahay namen pero ang nadatnan ko nalang duon ang ang mga katulong at ibinalita nila saken na Umalis na pala ang pamilya ko papunta sa State.

Nanlulumo ako nuon pero wala ehh di din ako makaka sunod duon dahil wala akong pera at galit na galit din sila saken

Bumalik ako nuon sa Zamboanga at nag hanap ng trabaho

End of Flasback.
..


Hanggang ngayon di ko parin mapatawad ang sarili ko dahil duon.
kaya nag sikap ako na makapasok sa Alejandro Corp. kahit anong trabaho tinangap ko dahil naawa at nahihiya din ako kina nanay lucia at tatay badong .

Kaya pinapanalangin ko nalang sa panginoon na sana wag nyang pabayaan ang pamilya ko sa state at wag niyang pabayaan mag sara ang pabrika dahil yun lng ang pinag kukunan ko ng pagkaka kitaan




Fall For YouWhere stories live. Discover now