Chapter 27
NIÑA'S POV
Lunch time na at hindi ko alam kung saan ko ngayon hahanapin si Leriah. Tinatawagan ko pero hindi rin naman sumasagot. Hindi rin nag-reply sa mga texts ko. Siguro hindi pa yun tapos sa exam niya, so susuduin ko nalang siya sa Science Department.
"Oh hi, Niña! Finally, nagkatagpo na rin ang mga landas natin. How are you?" nakangiti pang sabi ni Danica pero alam ko kung gaano ka plastic lang iyon.
Plastic din naman akong ngumiti. "Okay naman," sagot ko saka lalampasan na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko para pigilan.
"Nagmamadali ka ata? May itatanong pa 'ko eh,"
Nakangiti parin ako habang inialis ang kamay niya sa braso ko. "What is it ba?"
"Hmm, well parang gusto ko lang naman kumustahin si Leriah. So, how is she? I heard that something creepy, scary happened to her yesterday?" maarte pang aniya na para bang natatakot talaga. "Is she okay now?" dagdag pa niya.
"Yeah," maikling sagot ko naman.
"Oh, I'm glad to hear that. So nahuli na ba nila yung ahm, a devil man?"
"Yes,"
"Hmm, buti naman."
Tumango-tango pa ako. "So, can I go now?" sarkastikong tanong ko at nameke na naman siya ng ngiti.
"Okay, nice to see you. Bye,"
Pagkatapos niya sabihin iyon ay agad akong naglakad papalayo sa kanya. Kalat na pala ang nangyari kay Leriah kahapon at hindi ko alam kung sinong chismosa na nagpakalat nun. Nag-aalala na tuloy ako kay Leriah, baka may mga estudyante nang maglakas loob na e bully siya o kung ano-ano man. Though, alam ko naman na hindi papayag si Leriah na mangyari iyon pero talagang nag-aalala talaga ako.
Pagkarating ko sa Science Department ay kumatok pa muna ako saka itinulak ang pinto. Pagkapasok ko ay agad hinanap ng paningin ko si Leriah pero tila wala siya rito. Napatingin naman ako kay sir Medena na ngayon ay nakatingin na din pala sa'kin.
"Good day sir, ahm, tapos na po bang mag-exam si Leriah?" tanong ko rito.
"Hindi ba niya sinabi sa'yo?"
"Ang alin po?" takang tanong ko naman.
"Kinansel ko na yung exam niya. Automatic na yung grades niya,"
Nagulat naman ako. "Bakit po sir?"
"Dahil sa nangyari sa kanya kahapon,"
"Ahh, okay sir. Thank you po," sabi ko nalang saka lumabas.
Napalinga-linga ako kung saan-saan pero wala akong makitang Leriah. Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero hindi parin sumasagot. Asan ka na ba Leriah? Para na akong baliw dito na kakahanap sa kanya. Bumalik kasi ang pagkapraning ko dahil sa nangyari kahapon.
Sa kakalakad ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa tapat nitong Dean's office. Kumatok pa muna ako saka itinulak ang pinto. Ang akala ko ay bubungad sa'kin si Dean o di kaya yung secretary niya pero si Azreal ang una kong nakita.
BINABASA MO ANG
The Sweet Badass
Short StoryCOMPLETED Leriah Samantha Dela Cruz. Ang tigas-ulo, walang pakialam, maldita, palaging nagdadala ng problema. Katulad ng karamihan, nangangarap din siyang mamuhay ng normal, masaya at walang problema. Ngunit parang kontra sa kanya ang tadhana. Akala...