Kabanata 10

1.3K 110 52
                                    

Kabanata 10: Wedding

Sa gabing iyon, hindi ko alam kung paano ako nakatulog. I just knew that I cried myself to sleep.

After releasing inside me, Mick immediately dressed himself and dozed off to sleep. Nakatalikod siya sa akin sa higaan.

Sobrang bigat ng aking nararamdaman na pakiramdam ko sasabog ang aking dibdib. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit.

Sakit dahil sa binanggit niyang pangalan.

How could he say that name? I was right here in front of him and he was thinking of something else. Kaya niya ba piniling takpan ang aking mga mata?

Alam ng Panginoon kung paano ko pinigilan ang sarili na humukbi sa gabing iyon. I was just there, crying silently. Nawalan ako ng lakas. Gustong-gusto ko siyang yakapin.

He was literally inches away from me. Ngunit hindi manlang nagtama ang aming mga balat. It was as if he does not want me.

And nothing can be more painful than being unwanted by the only person that you want.

Sa mga sumunod na araw, hindi na ako muling kinausap ni Mick. Hindi niya na rin ako sinaktan.

He treated me like a stranger living in his house. Hindi siya makatingin sa aking mga mata. He was so distant. Far from reach. And I couldn't do anything but accept it.

Papalapit nang papalapit ang aming kasal. Ngunit hindi ko manlang maramdaman ang excitement.

Gabo has also been distant to me these past days. Kinakausap niya lang ako kapag may kailangan. Amd Techno? Wala pa ring paramdam. Araw-araw ko siyang tinatawagan at palagi niya iyong hindi sinasagot.

Gosh, I feel so heavy. Bakit parang ayaw sa akin ng mga taong importante para sa akin? Why do I feel like no one wants me?

Sabado ng umaga ay nandito na naman si Thomas upang icheck ang mga activities ni Gabo. Mick is out with his friends again. Nang magising ako kanina ay wala na siya sa aking tabi. Nalaman ko nalang na magkakasama sila ng kaniyang mga kaibigan nang itext ako ni Bright.

Mamayang hapon ay isusukat namin ni Mick ang susuotin naming mga Amerikano sa aming kasal. Pinaalalahan ko na siya kahapon at ang sabi niya ay sabay daw kaming pupunta kasama si Gabo. Naipamahagi na rin last week ang wedding invitations. Pagkatapos magpasukat mamaya ay ang taste-testing naman ng mga putaheng ihahanda sa reception ng kasal.

Habang nagluluto ng tanghalian ay may naramdaman akong nakatingin sa akin. Nang lingunin ko ang counter ay nakaupo na pala si Thomas sa isa sa mga high-chair.

"I hope you don't mind." nahihiya niyang saad at nagkamot ng ulo.

"Okay lang. Tapos na kayo ni Gabo?" tanong ko.

"Not yet. May activity siya na hindi nafollow ang directions kaya pinapaulit ko sa kanya."

"Ahh. Dito ka nalang kumain." imbita ko.

"Wag na. Nakakahiya."

"I insist. Tsaka hindi ka naman mukhang mahiyain." asar ko.

"Sige na nga. Si crush naman ang nag-aya." hirit niya. Nagpakita ang kanyang dimples.

Pinamulahanan ako ng mukha sa sinabi niya.

Crush? Crush niya ako?

Tinaasan ko siya ng kilay at muling hinarap ang aking nilulutong caldereta. "Sorry, taken na ako."

"Ouch. Pero hindi ka pa naman siguro kasal?" nahihimigan ko ang ngiti sa kanyang boses.

"Ikakasal na."

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon