Neo Athreus Dela Cruz.
“May mauupuan pa ba tayo?”
Lunch break namin ngayon at medyo nahuli kami lumabas ni Arvin sa room dahil may tinapos pa ‘kong activity. Sabi ko nga sa kanya ‘wag na ‘kong antayin, pero ginawa pa rin niya.
Habang tumitingin kami sa mga nakaupo, nakita namin si Kat na mag-isa ulit na nakaupo at kumakain. “Du’n na lang tayo, oh?”
Tumango lang si Arvin at tumungo kami sa pwesto ni Kat. “Pwede bang maki-upo?”
Kibit-balikat lang ito at naupo na kaming dalawa ni Arvin sa tapat na upuan ni Kat.
Gusto ko sanang kumustahin ‘to matapos ang mangyari noong nakaraan, kaso naudlot ito nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingin ako sa likod at agad na hinanap ang nagtawag sa’kin.
“Neo!” tumakbo nang mabilis si Angelo at nang makarating sa mesa namin, biglang natahimik at umayos ito pagkakita niya kay Kat na nakataas lang ang kilay at nakatingin sa kanya.
“Anak mo, Neo. Nami-miss ka agad.” Aniya habang nakatingin kay Angelo.
“Bakit ba,” depensa ni Angelo. “Inggit ka? Sige miss na rin kita. Halika dito-“ lalapit sana si Angelo kay Kat nang itaas niya ang baseball bat na dala at tintutok kay Angelo kaya napaupo sa tabi ko.
Nagkusa na si Arvin na maupo sa tabi ni Kat habang umusog ako sa gilid para makaupo si Angelo nang maayos.
“Napamahal ka na ja’n sa ginamit mo sa mga kumag na ‘yun, ah?” sabay turo ni Angelo sa baseball bat na hawak ni Kat.
“Ito ‘yung tumulong sa’kin na doblehin ang sakit ng mga ‘yun, eh,” maraming nagbago sa itsura ng bat ni Arvin na ngayon ay kay Kat na.
Ang kulay silver noon, naging kulay pula at may onting itim. May mga stickers ito na hindi ko maintindihan ang design, pero maganda sa paningin naman.
Na-ikwento ni Kat sa’min na ipapatawag siya mamaya kasama ang mga nang-api sa kanya. “Kasama rin ang parents nila. Teka!”
Magsasalita na sana ako kaso tinakpan ang bibig ko. “’Di niyo na kailangang sumama. Kaya ko na.”
Hindi na ‘ko naka-imik at tumayo na ‘to para maglakad papuntang classroom nila.
Biglang bumalik ang ingay ni Angelo at kinulit ako. Hindi kasi ito nakasabay sa’min si Angelo dahil late nagising, kaya ganyan kung makausap sa’kin ngayon.
Matapos ang klase namin, dumaan kami sa Guidance Room na kung saan, nandu’n si Kat at ang mga iba pang sangkot.
Natanaw namin sa bintana ng room, si Kat na nakaupo lang at walang emosyon habang ang mga nang-api kay Kat, halata sa mukha nila ang sapak na bigay nila Angelo.
Hindi na namin inantay si Kat at tumungo na kami sa kabilang building para sunduin si Katie.
Pagdating namin sa bahay, sumama pa rin si Angelo dahil ayaw pa nito umuwi. Pagkapasok namin, alam na namin agad na nandito na sila Mama, nakabukas kasi ang gate, eh.
“Oh, anak. Nanja’n na pala kayo,” bati ni Mama sa’min. “Ay, Eiran. Nanja’n ka rin pala. Pasok ka!”
Nagmano muna kami kila Mama at Papa bago umakyat sa taas. Iniwan ko muna sa baba si Angelo at nakipagkwentuhan kay Papa. Pagkababa ko, kumain na kami at sumabay na si Angelo sa’min mag dinner.
Kinabukasan, nalaman namin na suspended ang grupo na nanggulo kay Kat. At kasama si Kat sa na-suspend. Isang linggo silang nasuspend kaya hindi nakausap si Kat.
Pero matapos ang suspension, naging okay na ulit si Kat. Madalas na rin itong sumasama. Wala na rin nanggugulo sa kanya, maski ang tignan kami sa t’wing sumasama sa kanya. Natauhan na sila siguro sa nangyari sa lima. At natakot na rin sa alaga niyang baseball bat.
Naging busy ang mga nagdaang buwan, lalo na kami ni Kat, dahil parte kami ng Student Council.
Next week kasi, Christmas season na. At kapag christmas season, puro social activities ang ganap daw dito, at ang SC ang host ng lahat ng events.
Si Angelo, hindi ko na rin nakakasama dahil pinili siya ni Kuya Nes at Ate Brie na maging performer sa Main Event ng Christmas season.
Nakiusap ako sa President namin na kung pwede, magsama na lang kami ni Kat sa mga gawain. Para hindi ito ma-op sa mga iba at may kasama siya. Oo, palusot ko rin ‘yun. Ayoko rin na iba ang kasama dahil maiilang lang ako sa kanya.
Ngayong Monday, suot namin ang polo shirt ng SC ng school namin. Kulay maroon ito at nasa left chest ang logo ng school habang ang pangalan namin ay nasa left side ng manggas.
Tinucked-in ko ito at nagsuot lang ako ng Denim pants at white shoes. Kinuha ko na rin ang salamin ko at tinawag ko na si Katie para pumasok na kami.
Pagkalabas namin, nakita ko si Angelo na nakangiti at may sukbit na gitara. Nakasuot ito ng white polo shirt at naka pants.
“Good Morning, Neo!” masiglang bati niya sa’kin at kumaway ito kay Katie.
“Good morning din,” balik-bati ko sa kanya. “Ang taas ng energy mo, ah?”
“Maaga lang nakatulog.” Ngumiti ito sa’kin.
Hindi kami nag commute ngayon at sumakay sa kotse nila at hinatid kami ng driver nila.
Pagdating namin sa building namin, naghiwalay na kami ng daan ni Angelo. Pupunta siya sa Music room habang ako ay sa sa room namin dahil du’n ang room namin ng mga SC ngayon.
“Sabay tayo maglunch mamaya, ah?” paalala ni Angelo.
“Hindi ko alam kung anong oras ang lunch namin. Kaya sumabay ka na kay Joaquin.” Sumimangot ito at nagpaalam na ‘ko sa kanya.
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si Kat na nakataas ang paa at nagce-cellphone lang. Nang makita akong pumasok, kumaway ako at tumabi sa kanya.
Tumulong na muna kami sa mga club booths na magtatayo ngayon. Chineck namin kung ano ang kailangan nila sa mga booth bago ito magbukas.
Mga alas-dyis lang ay nagsimula na silang magbukas at ang ibang estudyante ay nagsimula na rin mag-ikot.
Nalipat kami ni Kat ng task at sa pag-aasikaso kami ng mga bata na darating sa kabilang building. At sakto, ang section ni Katie ang na-handle namin.
“Hi Kuya Neo! Hello Ate!” kumaway ito sa’min at ngumiti lang ako habang si Kat ay tumango.
Nakakapagod magbantay ng mga bata kaya nang mag lunch break kami, hindi ko napigilang makatulog sa room namin.
Nagising na lang ako nang makarinig ako ng mga ingay sa room. Pagbangon ko, nagulat ako nang makita ko si Angelo na nakaupo sa gilid ko. “Kain ka muna bago ka bumalik sa baba. Pampalakas ‘yan.”
Tinignan ko ang oras at 20 minutes na lang, babalik na kami sa baba para sa mga susunod na bibisitang bata mula sa kabilang building.
“Kumain ka na ba,” tanong ko kay Angelo at umiling ito. “Hati na tayo dito. Ito oh,”
Pinutol ko ang hotdog at kumuha ng kanin at tsaka sinubo sa kanya. Pinaghatian namin ang lunch dahil hindi ko rin naman ‘to mauubos dahil ang dami.
“Damulag talaga ‘to.” Napatingin kaming dalawa sa nagsalita at sumama ang tingin niya kay Kat.
“Inggit ka lang.” pinagpatuloy lang namin ang kain namin at matapos nu’n, bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain.
Unang araw pa lang, pero ang dami nang gawain. Kinabukasan, medyo maaga nagstart ang mga booths dahil may program ngayong umaga at sports day ngayon kaya may mga outsiders na dadalo.
Nagpaalam muna ako saglit kay Kat para mag CR at siya muna ang pinagbantay ko sa gate.
Habang papunta ako sa CR, napadaan ako sa Music room na kung saan nagre-rehearse sila Angelo.
Sa totoo lang, nae-excite ako na panoorin si Angelo na magperform dahil alam kong magaling ‘to magtugtog ng gitara.
Hindi ko namalayan na kumakaway na pala si Angelo kaya gumanti ako. Tumakbo pa ito palabas kaya nahinto ang rehearsal nila.
“Bumalik ka na du’n. Nagp-practice pa kayo, eh.” Utos ko sa kanya.
“’Di ‘yan. At tsaka, kanina pa kami nagp-practice. Pahinga muna,” aniya. “Kumusta naman sa labas? Ano nang ganap?”
Kinwento ko sa kanya ang mga kaganapan sa labas dahil alam kong gusto nitong mag ikot-ikot. Kaso kailangan magpractice para sa main event sa sabado.
“Nga pala,” aniya. “Hindi pala ako makakasabay sa’yo sa pag-uwi.” Naging malungkot ‘to nang sabihin niya sa’kin. “Hanggang gabi kami dito magre-rehearse, eh. Pero bukas, rest day naman namin. Kaya makakasama ako sa’yo.”
“Ayos lang,” tinapik ko ang balikat nito. “Mag ingat ka na lang sa pag-uwi mo.”
Nagpaalam na muna ako kay Angelo at tumungo na ‘ko sa CR.
Matapos ang araw, magpapaalam na sana kami ni Kat nang bigla kaming pigilan ni Pres. “Sorry to cut your goodbyes, pero need niyo pang mag-stay dito.”
Napatingin kami ni Kat sa isa’t-isa. “Bakit po?”
“Magde-decorate pa kasi tayo ng stage for tomorrow’s pageant. ‘yung Mr. and Ms. Crestview. Sorry…”
Wala kaming nagawa at nagstay kami ni Kat. Nagpaalam muna ako saglit para kausapin si Arvin na siya na bahala kay Kat. Buti na lang at si Arvin ay walang gagawin.
Tumawag din ako kila Mama para magpaalam at pumayag naman sila.
[Basta ‘nak, mag-ingat sa pag-uwi, ah? Kami na bahala ng papa mo sa pagkain.]
“Sorry po talaga, ma. Promise, last year ko na po ito. ‘yung sasali sa ganitong aktibidad.”
[‘Wag. Ayos nga sa’min na sumasali ka sa ganyan, eh. At least nagkakaro’n ka ng mga bagkng kakilala o kaibigan. Kaya ayos lang ‘yan.]
Nagsimula na kaming mag-design ng stage. Kami ni Kat ay nag-ayos ng design ng stage habang ang iba ay number ng contestants at mga sash.
Habang abala kami, nagkwento si Kat sa’kin tungkol sa buhay niya. Sobrang tuwa ko nang unti-unti na siyang nag o-open sa’kin.
“Ako na lang ang nakatira sa bahay. Walang magulang at kapatid,” Kwento niya habang nagdidikit sa board ng stage. “Only child lang ako nila Mama at Papa. Buti nga na wala akong kapatid, eh. Ayoko na maranasan niya ang ganitong sitwasyon.”
Nalulungkot ako na mag-isa na lang na lumalaban si Kat sa buhay niya. Pero hanga ako, dahil kinakaya niya ‘to.
“Nandito naman ako, eh,” tinapik ko ang kamay nito. “Kami nila Angelo. Kakampi mo kami sa lahat ng bagay. Pangako ‘yan.”
Ngumiti ito nang bahagya at umiling. “Ang drama naman,” medyo nahiya ako sa komento niya. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagaasikaso dito. “Pero salamat, Neo. Ako din. Kakampi mo ‘ko.”
Ngumiti ako sa kanya at tahimik na pinagpatuloy ang ginawa dito. Sobrang saya ko dahil nalaman ko na kaibigan ko na rin si Kat matapos ang ilang buwan naming pagsasama. Akala ko talaga kasi, napipilitan lang siya na sumama sa’min. pero hindi pala.
Matapos namin sa stage, bumalik kami sa room para tumulong naman du’n para tapos na agad.
Pabalik kami sa room, nakita namin na nagsilabasan na ang mga nasa Music room. At isa na si Angelo du’n. “Anja’n pala ‘yung anak mo, eh. Himala, hindi sasabay sa’yo ngayon?”
“Hindi niya alam na nagstay ako dito. Pero hayaan mo na, pagod rin ‘yan sa rehearsals nila.” Naupo kami ni Kat sa sahig at kumuha ng sash, glitters, at ng glue at nagpatuloy sa pagkwento.
Kinwestyon naman ako ni Kat kung gaano na kami katagal na magkaibigan ni Angelo. “Baguhan ka lang naman dito, diba? Tapos kabilang section pa ang close mo.”
“Malapit kasi sa bahay namin si Angelo dati. Naging close kami simula nu’n. Lumipat sila ng ibang street dahil nagpagawa sila ng bahay du’n,” pagkwento ko habang nagtataktak ng glitters. “Naging close kami niyan, dahil hindi marunong maglaro sa kalye si Angelo, tapos gusto niya makipaglaro, kaya sinali ko at tinuruan. Batang mayaman kasi, eh.”
“Kaya naman pala ganyan siya kadikit sa’yo.” Komento niya.
At nang matapos na namin ang kailangan tapusin, nagpasya na kaming umuwi. Sabay kami ni Kat na lumabas sa school.
“Hatid na kita sa’nyo, Kat.” Pag-alok ko sa kanya.
“’Wag na, Neo. Kaya ko naman na. At tsaka kasama ko ang alaga ko, oh?” sabay angat ng kaniyang baseball bat. “’Yun na lang isabay mo sa pag-uwi. ‘Di pa pala umuuwi, eh.”
Tumingin ako sa tinuro ni Kat at nakita ko si Angelo na nakaupo sa may kabilang building at tahimik lang.
“Angelo?” lumingon ito sa’kin at biglang lumiwanag ang mukha nito at tumayo.
“Bakit hindi ka pa umuuwi?” pagtataka ko.
“Ano kasi,” medyo nagtaka pa ‘ko at hirap ito sumagot.” “Ano-“
“Nakauwi na ‘yan,” lumingon ako kay Kat nang magsalita ‘to. “Bumalik lang ‘yan dito dahil nalaman niya sa iba na ‘di ka pa nakakauwi.”
Tumingin ako kay Angelo nang medyo gulat. Sana hindi totoo ang sinasabi ni Kat. “Hindi ‘noh! Ba’t ko papagurin sarili ko? Iniwan ko lang mga gamit ko sa music room, para bukas ‘di na ‘ko mahirapan.” Inirapan lang siya ni Kat habang siya ay sinamaan niya lang ng tingin at nakasimangot.
Nagpaalam na kami kay Kat at sumakay na kami sa jeep. Hinatid niya lang ako sa tapat ng bahay namin at nagpaalam na ito.
“Salamat sa paghatid, Angelo. Dapat hindi ka na bumalik sa school, eh.” Alam ko naman na bumalik ito sa school. May sukbit siyang bag kanina palabas ng room nila.
Kokontra pa sana ‘to sa’kin pero inunahan ko na. “May dala kang bag kanina palabas ng room, Angelo. Nakita kita. Wag ka na nang magsinungaling.”
“H-hindi ka galit?” natawa pa ‘ko nang makita kong kinakabahan ‘to.
Umiling ako. “Hindi. Pero kung uulitin mo pa ‘yun, magagalit na ‘ko. Kaya ko naman mag-isa, eh. Salamat sa concern.”
Ngumiti lang ito at nagpaalam na. pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako dahil nagutom ako sa gawain kanina.
Kinabukasan, hindi na muna pumasok si Katie dahil nahihilo daw ito. Mukhang napagod sa mga activities kahapon, eh.
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Arvin na naka foundation polo shirt na kasama ang isang babae at si Kuya CJ. “Good morning, Neo.”
“Good morning din, Arvin,” bati ko sa kanya. Nakita ko na may sukbit siyang lasing na lalaki. “Sino ‘yan?”
Pinasok na ni Kuya CJ at nung babae ang lasing na lalaki at pinaalis na si Arvin para pumasok. “Ahh si Kuya Bogs. Lasing nanaman, eh,”
“Wala, eh. Pag-ibig ang problema ni Kuya Bogs. Halos dalawang taon na kasi huli niyang kita sa taong mahal niya. Miss niya na.” dalawang taon na ang nakalilipas, pero mahal pa rin niya? Grabe ‘yun.
“Napapagod na nga sila Kuya CJ kakapayo sa kanya, eh. Kaso, iba rin ang fighting spirit I Kuya Bogs.” Pahabol niya.
Pagkadating ni Angelo, sumabay na rin si Arvin sa’min pumunta sa school.
“You can have your break muna. Mamayang 4 pa naman ang pageant.”
Inaya ko si Kat na magikot-ikot sa labas para magtry o sumilip sa mga booth.
“Pass muna, Neo. Inaantok talaga ako, eh.” Hinayaan ko siyang matulog kaya ako na lang ang naglakad-lakad sa labas.
Napadpad ako sa court na kung saan nagre-rehearse sa may stage ang mga candidates for the pageant kaya napahinto ako.
“Kaibigan ni Eiran!” nabigla ako nang may sumigaw sa gilid ko at bumigat ang balikat ko.
“Joaquin,” ngumiti ito sa’kin at inalis ang kanyang braso sa balikat ko. “I-ikaw pala ‘yan. Asa’n si Angelo?”
“May binili na pagkain du’n sa stall,” tumango ako nang malaman ko kung asan si Angelo. “Tara, ikot-ikot muna tayo dito habang wala pa ‘yung kumag na ‘yun.”
Hindi sana ako sasama kay Joaquin, pero hinatak niya ‘ko agad. Habang naglilibot kami dito, nagkwento ito sa mga pangyayari sa school dati. Totoo nga ang sinabi sa’kin nila Arvin, hindi daw gan’to ka-busy ang Christmas season sa Crestview dati.
“Gusto mo?” pag-alok niya sa’kin ng binili niyang french fries.
“Ayo-” pagtanggi ko.
“Luh, asa ka!” napataas ang kilay ko nang biglang sumabat ito. Ayoko nga, eh. Tapos gan’to isasagot niya? Magkaibigan nga sila ni Angelo.
Nang mapadpad kami sa kabilang part ng school na may booths pa din, du’n namin nakita si Angelo. Agad niyang kinuha ang kaniyang binili at lumapit sa’min. “Oh,”
Inabot niya sa’kin ang isang styro ng french fries at isang soda. ”Kain ka muna.”
Nagpasalamat ako at sumama na siya sa’min ni Joaquin na maglakad-lakad dito. Ngayon lang din ako nakapag-ikot dito dahil busy ako sa pag-aasikaso ng events.
“Neo,” lumingon ako kay Joaquin nang tawagin niya ‘ko. “Bakit mo naging kaibigan ‘tong si Eiran?”
Binatukan ni Angelo si Joaquin kaya napahimas ito sa ulo niya. “Nagtatanong lang, eh,” bumalik ito sa pagtatanong sa’kin. “So, bakit nga?”
Tumingin sa’kin si Angelo at inaabangan ang sagot ko. “Ewan ko rin ,eh.”
Natawa si Joaquin sa sagot ko samantala, si Angelo ay napasimangot sa sagot ko at nainis kay Joaquin. “Pero, masaya naman ako na nagkaro’n ako ng kaibigan gaya ni Angelo.”
Napatahimik sa pagtawa si Joaquin habang sumeryoso si Angelo. “Bakit? May mali ba sa sinabi ko-”
“Wala! Wala!” biglang sagot ni Angelo sa’kin. “Tara na nga! Maglibot na nga muna tayo.” Umakbay ito sa’kin at tinaboy si Joaquin at nagpatuloy sa paglalakad.
“Dito na lang natin antayin si Kat.”
Gumilid kami dito sa may entrance at inaantay si Kat. Ngayong araw na ang main event ng school at pupunta kami dito bilang audience at hindi assistant. Okay na okay sa’kin ‘yun para masuportahan ko din ang performance ni Angelo ngayong gabi.
Sa pag-aantay namin kay Kat, napadaan sa’min ang mga grupo na gumambala kay Kat.
Masama ang tingin ng iba sa’kin habang ang iba ay takot. Naramdaman kong inusog ako ni Arvin sa bandang likod niya kaya tinapik ko ang kamay nito.
“Neo,” saktong dumating si Kat at naabutan niya ang mga itsura ng mga ‘to.
Biglang nagbago ang aura ng mga ‘to nang makita nila si Kat na dala-dala pa rin ang kanyang mahiwagang bat na pinanlaban niya sa mga ‘to.
Agad na lumapit ang mga ‘to sa entrance at pumasok sa loob. Tinanong naman kami ni Kat kung anong ginawa sa’min ng mga ‘yun at sumagot kami ng ‘wala.’
Pagkapasok namin sa loob, saktong nasa bandang gitna ang nakita naming upuan at du’n kami pumwesto para ‘di gaanong malayo at sakto lang ang view namin mula sa stage.
“Excuse me po,” Habang nag-aantay kami para sa show, napansin ni Kat na may dumadaan sa gilid niya at nasasanggi niya ang mga ‘to. “Neo!”
Si Joaquin pala ‘to. Naupo ito sa may gilid ko. “Uy, Joaquin. Nanjan na ba si Angelo?”
“Oo,”sabay turo niya sa may likod ng stage banda. “Nag-aayos na sila du’n dahil opening act sila. Gusto mong puntahan?”
Umiling na lang ako at natahimik ulit. Ayoko nang guluhin muna si Angelo du’n dahil naghahanda ito sa kanyang performance.
Maya-maya lang, nagsalita na ang emcee, ang mga ilaw ay mas lumakas ng kaonti, ang mga tugtog ay humina ng konti, hudyat na ng pagsisimula ng performance.
“To give energy on our event, let us all welcome, the Music Club for a song number!” naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat nang magsilabasan ang mga performers.
Hindi ako sanay na makita si Angelo na seryoso ang mukha kaya napapangiti ako nang patago.
“Ito oh,” biglang may binato sa’min si Joaquin na mini tarpaulin kaya nabigla si Kat at sinamaan ng tingin si Joaquin. “S-suportahan natin si Pareng Eiran. Go pare!”
Binuklat namin ang tarpaulin at inangat ito. Napansin ko na nakatingin sa’min si Eiran. Nakita ko na ngumiti ito at mukhang naganahan magperform ngayon.
Kinuha ni Ate Brie at Kuya Nes ang microphone at sumenyas na ito sa magd-drum at kay Eiran na mag g-gitara.
Naghiyawan ang lahat nang magsimula nang tumugtog ang kakantahin nilang ‘Highway Don’t Care – Tim McGraw, Taylor Swift, Keith Urban.’
“Bet your window’s rolled down and your hair’s pulled back. And I bet you got no idea you’re going way too fast…” medyo nagulat ako sa boses ni Kuya Nes. Maganda pala boses nito, bakit ngayon lang nagperform? Wala man lang siyang sample sa club namin.
“You’re trying not to let the first tear fall out. You’re trying not to think about turning around. You’re trying not to get lost in the sound but that song is always on, so you sing along,” nang sumabay si Ate Brie, ang mga kalalakihan sa harapan namin ay nagbubulungan dahil sa lamig ng boses niya.
“I can’t live with you, I can’t live with you, baby, oh baby!” nakisabay ang iba sa pagkanta habang ang iba ay dahan-dahang winawagayway ang kailang mga kamay sa ere.
Matapos nilang kantahin ang chorus, instrumental lang ang naririnig ngayon. Nangingibabaw ang tunog ng gitara ni Angelo na hindi ko ikakaila, ang ganda ng pagkakatugtog niya. Kinuha ko ang cellphone ko at maayos kong kinuhaan ito habang naggigitara sa stage.
“Proud na proud sa best friend, ah,” narinig kong bulong ni Kat kaya napalingon ako sa kanya at nakangisi ito.
Ngumiti lang ako sa kanya at tinitigan ang litrato. Naka long sleeves si Angelo na white ngayon at nakabukas lang ang tatlong botones sa taas nito at naka tucked-in sa black pants niya.
“Ayan ‘yung sinasabi ko sa’yong gwapo sa music club. Ang galing mag gitara, grabe!” napalingon ako sa bandang likuran ko nang marinig kong pinag-uusapan nila si Angelo.
Nako, pag nalaman ito ni Angelo, mas lalong hahangin nanaman ‘yun sa sobrang kayabangan nito.
Nang matapos na silang magperform, nagpalakpakan kaming lahat at bumalik na sila sa backstage habang ang program ay tuloy-tuloy lang.
Mag a-alas otso na nang matapos ang program. Sinamahan kami ni Joaquin para puntahan si Angelo sa backstage para kumustahin. Siya lang kasi makapal ang mukha at may lakas ng loob na pumasok du’n, eh. Hehe.
“Pre!” tumakbo si Joaquin kay Angelo at nakipag-apir ito. “Angas mo du’n sa stage, ah? Lakas ng dating mo!”
“Ako pa ba, pre?” hinawi niya palikod ang buhok niya at kumindat sa’min kaya napailing na lang kami.
“Grabe ang hangin. Parang habagat na ata ang lulusob dito sa backstage.” Iritableng parinig ni Kat kay Angelo kaya nainis si Angelo kay Kat.
Kinuha lang ni Angelo ang kanyang mga gamit at sabay-sabay na kami lumabas. Nang makarating na kami sa village, nagpaalam na si Arvin sa’min, habang sinamahan pa ‘ko ni Angelo pauwi.
“Maayos naman performance ko kanina?” pagtatanong niya sa’kin nang huminto kami sa tapat ng bahay namin.
“Oo maayos naman,” sagot ko sa kanya na ikinangiti niya. “Nakakatuwa nga dahil ‘di ko nakita na kinakabahan ka, eh. May mga babae nga na nagbubulungan sa’yo kanina, eh. Crush ka raw nila. ‘Wag mo ‘kong kalimutan pag sumikat ka na sa school, ah? Ako ang unang fan mo. Kaya tumanaw ka ng utang na loob.”
Natawa naman ito at ngumiti sa’kin nang napakalawak. “Pero alam mo, Neo,”
Naupo ito sa may tapat ng bahay namin kaya tumabi na rin muna ako sa kanya. “Unang beses ko ‘yun na magperform sa school. Kahit nung elementary, tumatanggi ako dahil nakakatamad magperform.”
“Ano naman ang rason at ba’t ka nagtugtog ngayong year?” pagtataka ko.
Tumingin ito sa’kin at tinuro ako kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Ikaw, Neo.”
“Nandu’n ka na sa school, eh. Alam ko na nandu’n ang source of confidence ko – ang unang fan ko, kaya nagkaro’n ako ng lakas ng loob magperform.” Saad niya na nakapagpa-ngiti sa’kin.
Hindi ako sanay sa ganitong usapan namin ni Angelo kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ‘ko o hindi sa mga gan’tong salitaan niya. Pero nakakatuwa lang malaman na ako ang dahilan kung ba’t siya naglakas-loob na makapag-perform kanina.
“Next time, tayong dalawa naman magperform du’n, ah?” natawa na lang ako at ‘di ko alam kung oo ba o hindi ang isasagot ko.
Hindi talaga ako sanay na kumanta sa maraming tao. Grabe ang kaba ko at bilis ng tibok ng puso ko kung gano’n.
“Para sa’yo, gagawin ko.” Mapang-asar kong sagot sa kanya.
Ginulo niya ang buhok ko kaya nainis ako sa kanya. “Nakakakilig naman ‘yan. Basta para sa’kin, gagawin mo. Aasa ako ja’n, ah?”
Kibit-balikat lang ako sa sinabi nito. Pinauwi ko na ito para makapag-pahinga na ito dahil alam kong pagod ito.
“Teka lang,” hinarangan niya ang gate kaya hindi ko ito nasara agad. “Send mo muna sa’kin.”
“Ang alin?” pagtataka ko.
“Sus,” ngumisi ito. “Kinuhaan mo ‘ko ng litrato kanina, diba? Diba?” sabay tusok sa pisngi ko.
Oo nga pala. Kinuha ko ang cellphone ko at sinend ko sa kanya ang picture. Nang makita niya ‘to, napangiti ito.
“Paano mo pala nalaman na kinuhaan kita ng litrato?” hindi naman kasi siya nakatingin sa picture, kaya for sure may nagsabi sa kanya.
“Basta. Sige na, uuwi na ‘ko.” Kumaway na ito sa’kin at naglakad na pauwi.Itutuloy...
BINABASA MO ANG
LSS Series #2: Lucky In Love (BxB)
Romance[BOOK 2 OUT OF 3] Si Neo Athreus Dela Cruz ay isang tahimik na tao na magkakaroon ng kaibigan na kasalungat niya na si Eiran Angelo Montero. Willing ka ba mag take ng risk if you fall in love with your bestfriend? Aamin ka ba or you will just keep y...