Arisia Clementine Ferrevia
Sa mundo,hindi pwedeng palaging hiya ang paiiralin mo.
Puhunan ang kapal ng mukha, kung hindi mo kakapalan ang mukha mo walang mangyayari sa buhay mo.
Kung gusto mong umani magsipag ka, dahil kung tatamad tamad ka mamatay kang dilat ang mata.
Katulad ng strand na kinuha ko. Isa akong HUMSS student. Hindi dahil ayaw ko sa math, kundi dahil sa strand na iyon ko nakikita ang sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakabahan kahit na sinasabi nilang mahirap ang strand na kinuha ko.
May kung anong tumutulak sa akin upang kuhanin ang strand na HUMSS siguro dahil ayun din ang nilalaman ng puso ko.
"Arisia, ayoko na. Ansakit na ng ulo ko, bakit ba kasi ABM ang kinuha ko?" singhal ni Hannah habang nakadukdok sa lamesa na pinaglalagyan ng gamit namin.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Ako ba nagsabi sayo na kuhanin mo 'yan ha?"
Para siyang baliw.
"Alam mo ba yung panaginip ko kagabi nasa loob ako ng malaking calculator tapos yung loob puro calculator din yung laman. Binabangungot na ako calcu pa din laman, ayoko na!" naiiyak na saad niya.
"Ikain mo na lang 'yan. Madami pa akong gagawin 'no? tingnan mo may research paper na may reaction paper pa." Halos ibato ko sa kaniya ang sandwich na binili ko.
Inabot niya iyon at inumpisahang kainin.
Nawa'y manahimik na siya ng matapos ko na ang ginagawa ko.
"Pero kasi-"
"Shh.." I putted my forefinger on her lips.
She pouted.
"Kumalma ka 1st sem pa lang 'yan halos mabaliw ka na. Kumain ka muna bago ka magsagot para hindi na calculator mapanaginipan mo." biro ko rito.
"Tse!"
Niligpit niya ang gamit niya bago ubusin ang sandwich na nasa kamay niya.
"Babalik na ako sa room, sana hindi na ako sundan ng calculator." Wika niya.
Para siyang batang takot sa isang laruan na humahabol sa kaniya.
Hindi ko napigilang matawa sa kinikilos niya.
"Mukha kang timang." ani ko.
Palinga-linga pa siyang naglakad papalayo sa akin. Samantalang ako tawang tawa sa ginagawa niya.
Nang makaalis si Hannah doon lang ako natapos sa kakatawa. Tinapos ko ang aking ginagawa bago ligpitin ang aking mga gamit para bumalik sa room namin.
Habang naglalakad ako pabalik sa building namin. Napansin ko ang halos isang dosenang babae na may kaniya kaniyang hawak na pagkain o papel.
Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali STEM students ang nasa harap ko.
Nakita ko ang lalaking pinagkakaguluhan nila. Nakakunot ang noo nito at kagat kagat ang dulo ng ballpen na hawak niya.
Naiirita siguro sa ingay. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Halos mapapikit pa ako ng marinig ang tili at ng kababaihan na nandoon. Pinilit ko ang sarili ko na maglakad ng sa gayon ay malampasan ko na sila.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagatrasan ang babaeng nasa gilid ko. Nanlaki ang mata ko ng sumabog ang mga papel na hawak ko ang iba ay natapakan pa. Muntik na rin akong matumba ngunit may humila sa braso ko upang mapanatili ang balanse ng katawan ko.
Halos umusok ang ilong ko sa galit ng makita ang mga gusot gusot na papel na kaninang hawak ko.
Ang hirap gawin nun, Patapos na ako sa reaction paper ko bwesit!
Sa sobrang inis ko agad kong tinanggal ang kamay na nakahawak sa akin at tumingin sa babaeng tumapak sa papel ko.
"Ano ba?! Nakikita niyo ba 'yang tinatapakan niyo? Pinagpuyatan ko 'yan tapos tatapakan niyo lang! Pwede ba kung lalandi kayo dun sa wala kayong mapeperwisyo! Anong gagawin ko ngayon diyan sa papel na tinapak-tapakan niyo ha? Mapapasa ko pa ba yan, ha?!" Galit na sigaw ko sa malalanding babaeng nasa harap ko.
"Hala lagot kayo, sinabi kasing wag kayo magtulakan eh." saad ng isang lalaki na nasa tabi nung lalaking nakakagat sa ballpen.
Dinuro ko ang lalaking kanina pa nakakunot ang noo.
"Ikaw! Ikaw may kasalanan nito eh, pagsabihan mo nga yang mga babae mo! May magagawa ba kayo sa papel ko na punit na ha? Kayo ba magpapasa niyan?" Ilang beses ko pa itong dinuro dahil sa pagkainis.
"It's not my fault. Hindi ko nga kilala ang mga babaeng yan." Bored na sagot nito.
Pwede ko ba siyang hampasin?
I gritted my teeth.
"Alam mo imbes na magsorry ka na lang dahil sa gulo na ginawa mo hindi mo pa magawa, ansarap mong tirisin." Sarkastikong ani ko.
He smiled at me mockingly.
Hinablot nito ang bag niya na nakapatong sa lamesang kinapwepwestuhan nila. Isinakbit niya iyon bago umalis.
Aba't walang hiya yung gago na yun ah?!
There's so many cliché story you might hear or you might read.
What if there's someone you met in a cliché way? What would be your reaction?
When the two person collide, Is it possible that their world changes?
YOU ARE READING
When We Suddenly Collide
Teen FictionThere's so many cliché story you might hear or you might read. What if there's someone you met in a cliché way? What would be your reaction? When the two person collide, Is it possible that their world changes? Started: 04-21-21