Chapter 28: MOA Eye

1.1K 40 10
                                    

Chapter 28: MOA Eye

Kita ko sa mukha ni Kate na nagulat sya sa sinabi ko, na may pagtataka sa kanya kung bakit pinasasakay ko sya agad-agad, pero hindi naman sya nagtanong pa. Binuksan nya ang likod na pintuan ng aking kotse at sumakay. Pagkasara nya ng pinto, agad ko namang pinaandar ang kotse..

"Who is she brother??" Tumingin sa kanya si Gab na katabi ko sa my harapan.

"She is your Ate Kate Gabs, be nice to her." Sabay tingin ko kay Kate gamit ang mirror na nasa harap ko..

"Kate, sya si Gabriel. Little Sister ko, 4 years old pa lang sya kaya ganyan. Makulit yan, sana matagalan mo sya, Hihihi" Totoo, makulit si Gab, kaya minsan hindi ko kayang mag-isa lang akong nagbabantay sa kanya sa bahay..

"Hi At-teh Kate!" Sumampa si Gab sa upuan at binitawan si Chibby sa lapag..

"Hey Gab! Don't put Chibby there! You're so bad! Get her and give her to Ate Kate." Napatingin ako kay Gab, ang kulit!!

Dahan-dahang kinuha ni Gab si Chibby at binigay kay Kate.

"Thanks Gabby, are you the one who's taking care of Chibby??" Tinanong ni Kate si Gab habang hinihimas si Chibby na nilagay nya sa lap nya..

"Brother  feeds Chibby, I don't want to feed Chibby. She so Takaw. And she smells so disgusting! So iwwi puppy!" Ang sagot ng maarte kong kapatid.

"Hahahah wag mong pansinin yan si Gab Kate, mataray talaga yan. Hahaha bata pa lang nakuha na ang katarayan ni Mommy!" Natawa na lang ako, nakita ko din si Kate na natawa.

"Are you studying na Gab?" Tanong ni Kate kay Gab na nakaupo at nakaharap lang sa bintana..

 "Yeah, I'm in Nursery.. And I have a crush, his name is Joshii. He's so damn cute!" Napatingin ako kay Gab, hala tong batang to, marunong na ng crush??

"I want to meet Joshii when I pick you up at school ha Gab, I think he's not cute." Inasar ko ung kapatid ko. Kasi pikon syang tunay, hahahah

"Yeah!! You'll just get envy to him, cause he is so cute! Hmmp! Ugly Brother! " Sabi na eh, pikon na bata, haha

"Ang cute nyong magkapatid Iyanne, how I wish I also have a little sister to be with.." Nakaramdam ako ng lungkot sa boses ni  Kate, may sasabihin sana ako sa kanya pero bigla namang nagsalita si Gab..

"I can be your little sister At-teh Kate,. Just don't forget to bring chocolates for me whenever you visit me at home." Nagtaas ng kilay si Gab pagkasabi nya kay Kate.

"Yeah, I will. Gab, do you like Kisses chocolates? :))" Tumingin ako kay Kate, saka ko naisip, SAAN NGA BA KAMI PUPUNTA???

"Teka, Kate, san ba tayo pupunta?" Sabay tanong ko sa kanya.

"Aba ewan ko sa inyong magkapatid Iyanne, di ba pinasakay mo lang ako dito?" Nanlaki ang mga mata ni Kate sa tanong ko.

"I wanna go to amusement park!! I want to ride the carousel!" Tumayo si Gab sa upuan ng, nagtatatalon sa excitement. Eh hindi pa nga kami nag-aagree sa sabi nya??

"Sa MOA tayo Iyanne, para malapit lang, pagabi na din kasi oh, para mabilis lang, mukhang gusto talaga ni Gab eh.." Hinawakan ako ni Kate sa balikat, kaya pumayag na din ako.

After an hour, nakarating kami sa MOA, nagpark ako ng kotse at agad- agad pumunta sa The Bay Amusement Park. Medyo padilim na, kaya mas naging okay tong pagpunta namin, mahangin, masarap sa pakiramdam yung lugar, kahit matao ayos lang..

Nang makita ni Gab ang Park, bumitaw sya sa kamay namin ni Kate, at tumakbo agad.

"Gabby!" Tinawag sya ni Kate at agad na sumunod sa kanya, napatakbo na rin ng bahagya.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Uy iho, ang kyut ng mag-ina mo." Sabi ng isang matandang babae na may kasamang batang lalaki.

"Ano po? Hin-" Hindi ko natapos ung sasabihin ko dahil narinig kong tinawag na ako ni Kate.

"Iyanne!! Tara na, si Gab, gusto ng pumasok sa loob!"  Humarap ako kay Kate at nagpunta na sa kanila.

Sumakay sa Carousel si Kate at Gab, hndi na ako sumama, taga-picture na lang ako sa kanila, tutal dala ni Kate yung digicam nya.

 Kita ko sa mga ngiti ni Gab na ang saya nya, nawala ung kaninang topak nya sa gusto nyang kainin. Masaya ako na napapasaya k oyung kapatid ko na kahit sa ganitong bagay lang..

Si Kate, kita ko rin sa mga mata nyang masaya sya. Siguro nga, dahil wala syang kapatid, kaya natutuwa sya kay Gab, hawak hawak nya pa si Gab sa likod dahil baka mahulog. Maalaga talaga si Kate, maaalalahanin.. Simula pa lang dati, alam ko naman na maganda ung kalooban ni Kate.. At ngayon mas nakikilala ko sya, hindi lang sa kung paano sya makitungo sa akin, kundi pati na din sa ibang tao..

 Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na sila sa Carousel, nakangiti ang dalawang babaeng cute na cute na kasama ko ngayon.. Pati ako napangiti rin ,kahit hindi ako nakasakay sa Carousel, parang ang saya ko na din. :))

"Ang saya ni Gab oh Iyanne!" Humawak sa braso ko si Kate, napatingin ako sa kanya at napagiti rin.

"Oo nga eh, bihira na yan makapasyal sa ganitong lugar eh." Tumingin ako kay Gab na nasa harapan namin at nauunang naglalakad.

 Napatingin din si Kate sa kanya at alam kong maganda ung ngiti nya habang nakatingin kay Gab.

 Maya-maya huminto si Gab sa paglalakad, tumingala sya at biglang nagsalita ng malakas..

"I wanna go there!" Tumuro si Gab pataas, napatingin din kami ni Kate. Si Kate, mukhang amazed ung hitsura, ako, parang biglang kinabahan.

"You wanna go there? On top Gabby?" Hinawakan ni Kate si Gab sa kamay,

"Yes At-teh Kate! Let's go Kuya!" Hinatak ni Gab yung kamay ko kaya napapasunod ako sa paglalakad nya, hindi ko alam kung hihinto ako, pero ayokong magmukhang KJ sa kapatid ko..

Hindi na talaga ako nakakagalaw ng maayos, si Kate yung pumila para magbayad, hindi ko na naisip kung nakakahiyang sya yung magbayad. Halata din kasi sa mukha nyang excited na excited sya.

Bakit ganun sila? Ang saya pa nila, excited na excited. Eh bakit ako? Hindi ako naeexcite, kundi, kinakabahan ako, ayoko nung gusto nila, pero ayokong sirain yung mood nila. Gusto ni Gab, 3 kaming sasakay duon..

"Iyanne, excited na ako!" Oo na Kate, excited ka na, halata sayo.

Nakapila na kami, pero pinagpapawisan na ako, malamig na yung kamay ko at yung mga kabayo nagtatakbuhan na naman sa puso ko..

"Kate, I can't.." Bumulong ako kay Kate.

"Ano Iyanne?!" Hindi nya naman pala narinig, maingay kasi sa paligid..

Hindi ko na inulit yung sinabi ko, kaya hinayaan ko na lang. Habang nag-iisip ako kung pano pakakalmahin ang sarili, hindi ko namalayan kami na pala yung next na sasakay sa isang spot sa Ferris Wheel..

"Yehey!" Sabi ni Gab pagsakay, sumunod si Kate sa kanya. Habang ako, nakahinto lang sa harap nila. Kaya ko ba ito???

"Kuya sige na sakay na, marami pang sasakay." Narinig kong nagsalita yung lalaking operator. Kaya bigla na lang napasakay ako.

Umupo ako sa tabi ni Kate, si Gab tuwang-tuwang nakaupo din.

"Kate, I'm afraid.." Humawak ako sa kamay ni Kate dahil bigla ng umandar papataas ung sinasakyan namin..

The Milk Tea Guy's Wish List Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon