7

96 4 0
                                    

Masayang binuksan ni Myrrh ang pintuan at lumapit siya sa akin para humalik.

“Kumusta? Anong balita sa Hospital? Kumusta ang resulta?” Ngiting-ngiti niyang tanong.

“Bakit ayaw mong magsalita? Haha.”

“Kumain muna tayo. Naghanda ako ng hapunan para sa atin.” Sambit ko.

“Wow! Chef ka na rin ba ngayon? Change of career na ba this? Haha.”

Natawa lang ako sa sinabi niya at dumiretso na sa kusina. Nakahanda na ang mga plato, hinihintay na lamang ng lamesitang ito na mapuno ang dalawang upuan niya.

“Lakas naman! Hipon ang ulam! Sarap yan?” Pang-aasar niya pa.

Natawa na naman ako sa sinambit niya.

“Ano? Comedian ka na rin ngayon? Change of career na ba this?”

Parehas kaming natawa sa tinuran ko.

“Masyado kang masaya ngayon, a. Sana all patawa-tawa lang na parang baliw. Haha.”

“Bakit? Natatawa ka rin naman, a.”

“Pero ‘di tulad mo. Haha. Luke baliw! Luke baliw!” Pang-aasar niya pa.

Pagkatapos naming mag-asaran ay kumain na kami. Normal na gabi lang. Kaso nga lang may masamang balita na hindi ko masambit. Hindi ko nga alam kung sasabihin ko pa ba.

“May cancer ako, Myrrh.” Sambit kong ikinagulat niya. Nabitawan niya pa ang kutsara’t tinidor na hawak niya.

“Ano?! Teka! Prank ba ‘to? Haha. Ikaw, a! Ginamit mo ba ang mga camera ko sa kuwarto—”

“Totoo ang sinasabi ko. May cancer ako. Ang sabi ng doktor, acute myeloid leukemia raw...”

Napasapo siya sa kaniyang noo. Umiiyak ngayon ang taong mahal ko ng dahil na naman sa akin. Wala na naman akong magawa kundi aluin lang siya. Wala talaga akong silbi.

Hindi ko muna sana sinabi. Hindi ko na nga lang dapat sinabi.

“Luke... Bakit?” Umiling-iling siya at niyakap ako.

“Kailangan mong magpagamot. Kailangan mo ‘yon.”

“Pero wala akong pe—”

“Ano?! Pera na naman? Mayroon ako niyan! Marami ako niyan! Ang mahalaga, magamot ka kaagad. Ang pera, kikitain ko ulit ‘yan... Pero ikaw? ‘Pag nawala ka, baka hindi na kita makita... Paano na ako, Luke? Paano na ako...?”

Nagsimulang tumulo na parang gripo ang luha sa mga mata ko.

“Sorry, Mahal. Palagi na lang akong humihingi ng tawad sa iyo. Kasi ‘yon lang ang kaya ko. Pasensya na sa mga pagkukulang ko sa iyo. Sa lahat. Salamat din kasi naiintindihan mo ako...”

“Ang gusto ko lang naman ay ang makasama ka, magkaroon ng maayos na buhay kasama ka, humaba pa ang buhay ng mga magulang ko at ang maging maayos ang mundo. ‘Yon lang. Wala na akong ibang hinihiling pa sa Panginoon. Kasi, Luke... Ikaw ang pahinga ko. Hindi ko makita ang sarili ko sa ibang tao. Hindi ko makita na may iba akong kasama sa pagtanda. Kasi... ikaw lang ang gusto kong makasama.” Mahabang lintaya niya.

“Maghanda ka... dadalhin na kita sa Hospital. Para gumaling ka na agad.” Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. “Kaya natin ‘to dahil mahal natin ang isa’t-isa.” Tumayo siya at hinila ako.

“Ayaw kong mawala ka. Kung kailangan kong tumabi sa iyo palagi ay gagawin ko, ‘wag ka lang mawala sa akin... kasi hindi ko kakayanin, Luke. Hindi ko kaya...”

Sa 'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon