Nagpaalam na si Sandra na aalis dahil tapos na ang 3 hours vacant nya. Gano'n din si flaire. Kaming dalawa nalang ni Ivan ang naiwan. At hito na naman ako, naiilang na naman ako sa kanya.
"Tara"dinig ko. Tumingin ako sa kanya at nagtataka
"Hmm?"
Hinablot nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. At sa muling pagkakataon ay nakapadama ulit ako ng kakaibang kirot sa dibdib.
Nagpatianod lang ako sa kanya, pilit na iwinaksi sa utak at damdamin ang kakaibang nararamdaman ko.
Nagulat ako nang bigla kong makita ang isang itim na motorsiklo. May motor sya?marunong pala sya magmaneho., palagi ko kaseng nakikitang naglalakad lang s'ya, paminsan-minsan ay nag je-jeep.
Inabot nya sa akin ang itim na helmet. Agad ko naman itong kinuha. Nakatingin lang ako sa kanya no'ng sinuot nya ang helmet nya. Susuotin ko na din sana 'yung bigay n'yang helmet pero agad nya itong hinablot.
Bigla akong nailang sa ginawa nya. Napaiwas nalang ako ng tingin. Hindi ko magawang tignan sya sa mata dahil bigla nalang akong kakabahan. Hindi ko maintindihan..
Umangkas ako sa motor nya. Wala akong ideya kong saan kami pupunta. Wala naman s'yang binaggit kaya'y nagpatianod nalang ako.
Bigla akong napayakap sa kanga no'ng binilisan nya ang pagpapatakbo ng motorsiklo. At nang mapagtanto ko ang nagawa ko ay napabitaw ako pero muli na naman akong napayakap.
Awkward ko syang niyakap. Kahit na alam kong nakakahiya at isinatabi ko na nalang iyon dahil ayokong tumilapon.
Biglang napahinto ang motor nya sa may gilid ng bay walk. Then I realized na nasa manila bay pala kami.
Malapit na ang paglubog ng araw. Siguro'y gusto n'yang tignan ang paglubog ng araw.
Naglakad kami papunta sa may pader na maliit kong saan pwedeng umupo para masaksihan ng maayos ang magandang pag hampas ng alon at ang papalubog na araw.
Tahimik lang ako tila'y napipi dahil ni isang salita'y walang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko napansin ang pag alis ni Ivan. Nagulat nalang ako nang muli s'yang naupo sa tabi ko at inabot sa akin ang isang plastic cup na fishball at isang bottle water.
"Thank you!"pasasalamat ko, ngumiti naman s'ya at biglang nilabas ang cellphone n'ya.
At sinaksak ang earphone at inabot sa akin. Bale share kami.I was hangin' with you and then I realized
I didn't think it was true, I was surprised
When I found out I've fallen for you
After hearing the first stanza napatingin ako sa kanya. It is really possible to fall to the man who's In love with someone else?
Ewan, hindi ko maintindihan ang puso ko sa twing nasa tabi ko sya. Since the day Me and Felix broke he always there for me. Matagal akong nasaktan sa nangyare sa amin but he's always there to make me smile.
Its been one year and half since we broke up. Pero hindi ko alam kung totally naka move on ba talaga ako.
I didn't wanna believe my feelings for you
I didn't wanna believe that I could lose you
If I told you just how I felt
But after burning all of our memories together. Unti-unti s'yang nawawala sa isipan ko dahil kay Ivan.
He always make me smile,laugh to the point na hindi na sumasagi sa isip ko si felix.
At simula din ng araw na 'yon. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya at kakabigang pintig sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Finding You In Mendiola
RomanceUBELT SERIES #1 Via Vianca Dela Cruz, An Accountancy Student who fell in love with her best friend, their feelings are mutual but after a year they parted ways because she thought that Felix James cheated on her. Every time her tears fall down th...