CHAPTER EIGHT

11 9 0
                                    

Pushed


Days have passed simula nang mapag-usapan nina Melly at Maye ang tungkol sa pagsulat niya. Makulit si Maye, hindi ito tumigil sa pagpupursiging hikayatin si Melly na ipagpatuloy ang mga naisulat na niyang istorya.


Dahil doon ay gabi-gabing naisip ni Melly na muling buhayin ang mga karakter na noon na niyang binuhay gamit ang kanyang imahinasyon. Pero hindi katulad dati, wala siyang sapat na dahilan para balikan ang mga ito. Maayos ang kalagayaan niya at tila wala siyang salitang mailalagay sa blankong papel dahil hindi bugbog ang emosyon niya noong mga panahong iyon.


Bukod sa kaibigan na si Maye at iilan pang kaibigan, hindi niya ito nakitang sapat na dahilan para magpakadalubhasa sa pagsusulat.



"Magti-teacher ako, girl. Sa tingin mo?"


"Akala ko ayaw mo nang mag-teacher kasi panay na teacher sa bahay niyo?"


"Wala naman akong choice, hindi ko alam gusto kong gawin e."


"Magsulat ka na lang kasi."


"Profession ba 'yon?"


"Hoy, script writer, duh."


"Ayoko. Hindi ko forté"


"Forté mo magturo? Tingin mo makaka survive ka sa field of teaching e ayaw mo ngang nagtuturo."


That was a slap, Melly had  been already heat a couple of times  using the fact that she don't see any profession fit for her. Lahat ng preperasyon para sa kinabukasan niya ay tila pilit na desisyon. May masabi lang na may kinabukasan siya kahit hindi naman talaga sigurado.



Isang araw noon, Melly's mind was in chaos. May pangyayari kung saan nagbukas sa mga mata ni Melly na tumatanda siyang walang direksyon ang buhay. Nagpapaagos siya sa kahit saan siya dalhin ng pagkakataon kaya maski sarili niya noon ay hindi na niya malaman kung ano pang direksyon ang tinatahak niya.



"Subukan mo lang naman kasi, wala namang masama."


Pagod sa lahat ng kaganapan sa buhay, nagdesisyon si Melly na humawak ng panulat. Kumuha siya ng blankong papel at isinulat ang lahat ng laman ng isip niya.



Doon siya nakabuo muli ng isang karakter kung saan nakikita niya ang kanyang sarili. It was a plain character, kung katulad niya na pihikan sa mga librong binabasa ang babasa ng sarili niyang akda, baka hindi niya rin maituloy ang pagbabasa nito dahil sa ordinaryong balangkas at karakter na meron ang akda niya.



Pero sinubukan niyang ipagpatuloy. Nang hindi iniisip ang sasabihin ng kung sino, ipinagpatuloy ni Melly. Errors are visible, it is inevitable kaya nagpatuloy si Melly. After all, it was just a draft. Hindi pa naman niya binabalak na ipabasa ito kahit kanino maliban kay... Maye.

PUHON (GOD WILLING)-COMPLETED-Where stories live. Discover now