Dalawang Linggo bago ang debut ko, para akong tangang nakangiti habang nakahawak sa balikat ni Gali at siya naman ay magaang ang kamay na nasa bewang ko.
Nakita ko sa isang gilid si Daddy na seryosong nakatingin sa aming dalawa.
Napalabi ako, practice pa lang naman Dad, e!
Kumaway ako sa kanya ng magtama ang mata namin, biglang lumambot ang kanyang ekspressyon at ngumiti.
"Your Dad look's like he's going to kill me..." bulong ni Gali.
Napangiti ako, "Close na nga kayo e."
Sumimangot siya, "Close na ba yung halos sakalin niya ako everytime I visit at your house?"
"Gali, ganon lang talaga si Dad. Pasalamat ka hindi ka pa nakabaon sa libingan hanggang ngayon.""
Huminga lang siya ng malalim na ikinatawa ko. Magmula ng dumating si Dad ay di siya nagtatagal sa bahay dahil inoorasan siya.
Hindi pa nga nanliligaw si Gali, napanguso ako ng maalalang hindi niya pa binabanggit sa akin ang tungkol sa bagay na iyon.
"Gali, can I court you?" Diretsong tanong ko.
"You're way too fast Galilea." Natatawang anya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Speed nga e, ano pwede ba manligaw?"
"I should be the one asking you that." Umirap siya ng pabiro.
"Hoy, di ako ang kauna-unahang babae na manliligaw sa lalaki! Uso na kaya ngayon 'yon."
Naglaro ang tuwa sa kanyang mga mata, "We'll get there baby hmm?"
"Galileo tumabi ka dyan, baka gusto mong gawin kitang sanggol?"
Natawa ako ng biglang sumulpot si Daddy sa tabi ni Gali at inagaw ako sa kanya, sumambakol naman ang mukha ng huli.
"Tito--"
"How dare you call my daughter baby? Gusto mo ibalik kita sa tiyan ng nanay mo?" Striktong tanong ni Dad.
Nagkamot ng batok si Gali, "Tito baby ko naman po talaga si Galile--"
Tumaas ang kilay ng Dad at tinaboy si Gali na bagsak ang balikat, "Baby girl ko pa rin 'to kahit mag-eighteen na, hala siya sige tapos na ang sayaw mo dun ka!"
Bago umalis si Gali ay kumindat ito sa akin kaya halos habulin siya ng sakal ni Dad, naiiling akong natawa habang sumasayaw.
"Daddy feeling teenager ka makipag-away kay Gali huh?"
Siya naman ang sumimangot ngayon, "Ako? Feeling teenager? Baby face naman ako e. Mas gwapo nga ako dun sa manliligaw mo."
"He's not yet courting me."
Nanlaki ang mata niya at nag-iwas ng tingin at may binubulong bulong na kung ano.
"Ano sabi mo Dad?"
"Ahm ano, wala. Sabi ko suntukan nalang kami soon."
Umikot ang mata ko, "Dad hindi makikipag suntukan sayo si Gali."
"Alam ko, kaya nga suntukan napili ko e. Alam kong 'di 'yon lalaban kasi mabait masyado." Nangingisi niyang sabi at bumaling sa gawi ni Gali.
Kausap niya iyong mga nag-aasikaso sa debut ko at seryoso ang kanyang mukha pero gwapo pa rin. Habang nagsasayaw ay puro si Gali lang ang pinag-uusapan namin ni Daddy, minsan ay may halong pagbabanta pero alam kong suportado naman niya ako.
"Tito, Galilea. I can't stay any longer po."
Lumapit si Gali sa amin habang hawak ang phone nya at tila balisa.
"Saan punta?" Tanong ko.
"Uhm, Marj also have a rehearsal this afternoon. Her Mom texted me." May pagmamdali sa boses niya.
Nagbaba ako ng tingin at tumango, "Ingat ka..." Ngumiti ako at nagtama ang mata naming dalawa.
Medyo nag-aalangan pa siyang umalis pero mukhang kailangan na talaga siya sa rehearsal ni Marj.
Naiintindihan ko naman si Gali, naiipit at nape-pressure siya sa nangyayari. Hindi ko alam kung sino at kung may dapat bang sisihin.
Ayoko namang sabihin kay Marj at ayaw ko ring tanungin kung bakit sa dinami rami ng petsa ay isinabay niya pa ang celebration ng debut niya ang ng sa akin.
Umuwi kami ni Dad galing sa venue at dumiretso akong kwarto para maglinis ng katawan, hindi ako lumabas para sa miryenda at hapunan.
Kinagabihan ay nag-text si Gali na nakauwi na siya at hinatid daw siya ng Mommy ni Marj total ay may sadya sila kay Father.
Naisip ko lang yung sinabi ni Mama, na nandito si Gali para sa preparation niya sa pagpasok sa seminaryo. Kung hindi siya tutuloy papaalisin na ba siya? Wala namang sinasabi si Gali tungkol doon e. Ayoko rin naman siyang tanungin dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya kung sakali.
"Ang ganda mo talaga!"
Ngumiti ako sa make up artist na nag-ayos sa akin sa araw mismo ng debut ko. Si mama sa isang gilid ay maluha luha pa at hindi alam kung paano siya papatahanin ni Dad.
"Baka pagtapos ng debut niya e mag-asawa na agad siya!" Ungot niya at yumakap kay Dad.
Natawa ako sa sinabi niya, "Ma naman e, saktong kerengkeng lang naman ako."
"Liya..." tinignan ako ng masama ni Daddy kaya humagikgik na lamang ako.
Tumingin ako sa wall clock ng dressing room dito sa venue, nandito na ba sila? Si Gali? May halong kaba at takot sa dibdib ko habang hinihintay ang signal na mag-uumpisa na ang program.
Iniisip ko kung makakadalo ba sina Gali at ang lima. Dumaan muna kasi sila kila Marj kasi nga mas nauuna yung party niya diba?
"We will start in 5, Galilea...'' ngumiti sa akin ang MC na kakapasok lang sa dressing room.
Ngumiti ako at tumango, "Jusmio ninenerbyos ako... sana maraming pogi sa mga bisita." natawa siya sa inusal ko.
Tumitig ako sa vanity mirror sa harap ko, shit ang ganda ko talaga. Putragis pag di pumunta si Gali edi sinayang niya yung chance na makita ang magandang ako.
"Let us all welcome, the debutant-- Galilea Cana!"
Napangiwi ako ng banggitin ng buo ang pangalan ko pero napalitan iyon kaagad ng ngiti habang naglalakad ako sa may entrance kasabay ng paborito kong kanta.
Marami akong namukhaan sa mga bisita at iilan doon ay taga HAU, may mga kaibigan din ang magulang ko.
Sa totoo lang, dapat kasama ko ang escort sa paglabas pero wala pa rin siya. Ayos lang naman sa akin 'yon, basta mamayang isasayaw ako dapat nandoon din si Gali. Siya ang panghuling sayaw at di siya pwedeng mawala.
Tuwang tuwa ako sa mga pakulo ngayong debut ko, halos sumabog ang dibdib ko sa tuwa habang nakatitig sa pinaghalong royal blue at black na motif sa venue.
Si Mara at Carmi ay kabilang sa mga eighteen candles ko, gusto ko silang sampalin ng banggitin nila ang mga kalokohan ko sa buhay.
"Kasi alam mo na... kapag nagjo-jogging tayo, palaging naka sweatpants lang ang tinitignan mo sabay sabing ay may bakat! Kaya ka nga nadapa diba? Sana magbago ka na..."