" Malaman ko lang kung sino yang inspiration mong yan..hmm..hmm.."
Kagat labi namang napapangiti si Mhere. Hindi iyon nakikita ng kuya nya dahil magkatalikuran sila. Busy ito sa paghuhubad ng necktie at black shoes nito at sya naman syempre..as usual... facing her laptop.
" mmh,kung pwede ko lang ichika sayo kuya- na si Rico..bago kong inspirasyon..tsk.tsk..yes.its HIM..Baka ipakasal mo kame ng di oras...hihihihi." Y(^_^)Y
At syempre sa isip lang ni Mhere lahat ng kakiligang yan noh.
Sige tuloy ang dutdot ni Mhere sa bawat letra sa keyboard.
Pero alam nyang pumasok na ng kanyang kwarto ang kuya Rye nya. Alerto kaya sya sa paligid nya noh.
Kaya napansin kaagad nya, pag labas nito ng kwarto, na nagpalit ito ng damit.
Hindi pambahay.
Pang-alis. Nakaporma ba..
" Ikaw itong walang kapaguran kuya eh. Kararating mo lang from work-aalis ka na naman? "
Sya naman ngayon ang may chance manermon sa kapatid.
" Magkikita kami ng mga kaibigan ko ngayon. "
Busy naman ito ngayon sa pagsusuot ng rubber shoes.
Dahil sa narinig ay napatigil sya sa ginagawa at napalingon.
"MGA??--So lahat? Friendssss? " O_o
" including Rico??? " gustong idugtong ni Mhere pero hanggang lalamunan lang nya yun.
" Yes...."
" Baket?? Saan? " usisa nya.
" Birthday party. "
" Sino?? " ano ba nangangati na dila ni Mhere,dami nya gusto itanong.
" si Mylien. "
" yung-yung- Girlfriend mo?? "
" OO... " parang yamot pa ang kuya nya sa katatanong nya.
Hindi pa nakakaharap ni Mhere sa personal ang girlfriend ng kuya nya.Pero nakausap nya na ito through phones. At nakita nya naman na ito..sa pictures nga lang.
Malay mo mas maganda sa personal.
" pupunta ba talaga lahat ng kaibigan mo kuya? Buong barkada?Andun sila LAHAT? "
" kulit mo din noh? OO nga! di ba? "
" As in-LAHAT? pati friends mo sa office? "
Syempre kelangan nya magsigurado na kasama nga si Rico.
" Bakit ba andami mong tanong hah?!! "
" SAMA AKO!! "
" HINDI.." Mabilis pa sa kisapmatamg tanggi ni Rye.
" Sige na kuya!Gusto ko makaharap ng personal si ate Mylien!!-tsaka-tsaka. Gusto Ko ma-meet buong dabarkads mo! "
" Tsaka-si Rico-missko na..z " isip lang ulit yan
" Dito ka na lang,tuloy mo na yang novel mo! "
" Ala!!! Kuya!! Parang tange to eh. Sige na kase!! " ╯▂╰
Parang batang nagpapapadyak si Mhere.
" Timang talagang bata to.." iling ng kuya nya
" kuya! Isama mo na ko. Pag hindi-magtatampo ako sayo! Bored na bored na kaya ako dito sa condo mo! 3 days na ko nakakulong dito!! "
Reklamo nya.
" aba eh bakit? Sinabi ko ba magmukmok ka rito? Pwede ka naman lumabas ?!! " pamimilosopo pa nito
Padabog na tumayo si Mhere sa kinauupuan at dumiretso ng kwarto. Inirapan pa nya ang kuya nya bago pumasok sa loob.
" Fine! Magbihis ka na! "
Pagkasabi nun ay isang malakas na tili mula sa kwarto ang narinig ni Rye. Tili iyon ng kaligayahan at tagumpay ni Mhere.
Hirap talaga tanggihan ng kapatid nyang iyan.
Galing pa magtampo-tampo. Paawa effect eh.
Wala pa ata sa 10 seconds ang nabibilang ni Rye ay nakalabas na ng kwarto si Mhere. Shes NOT that so excited huh?
" A big thanks my Dear kuya! " abot tenga ngiti nito.
" Basta ayoko ng pasaway hah. " paalala nya.
" Im a good girl of course. " nag promise sign pa si Mhere. *^▁^*
Napakunot noo naman ang kuya nya ng mapagmasdan ang suot nya. " Ganyan ka na? "
" Yeeesss..no need to change clothes na! "
" Sure of that?huh? "
" kuya! Komportable ako sa suot ko! "
pagkasabi nun ay pairap na tinalikuran ni Mhere ang kuya nya at nauna na syang lumabas.
Iling na lang naman si Rye.
Expecting of what?
Mhere is Mhere. Really a nightmere.
Naka-cream jumper shorts lang ito. Shorts. Meaning - above the knee. But not that too short naman. Peach blouse. Rubber shoes na A.D.I.D.A.S
Parang college student lang ito na aattend ng Intrams Week sa school.
BINABASA MO ANG
ONE LAST SONG
Romance"Loosing someone knowing its Worth" A love story inspired by the song 'one last song' of the Boy band A1. I was in my third year highschool when I started writing this, and it took me almost one year to finish it. That time I'm already a fourth yea...