Chapter 24

1.8K 52 14
                                    

Chapter 24.

"Nagpapaganda ka ba para sakin?" Nakangising tanong ni Spencer habang nakaupo kami sa damuhan.

It was a hazy afternoon when we decided to stay in their huge plantation. Nakasama ako sakanya sa tulong ni Ate Lorie.

I looked at him.

He leaned forward and tilted his head to have a closer view of my face. My cheeks flushed due to embarrassment.

Ngayong araw ako naglagay ng cheek tint at lip tint. Naka trintas rin ang mahaba kong buhok.

"H-hindi, ah." Pagtangi ko saka nalang pinagmasdan ang mga bulaklak na pinitas niya kanina sa hardin para sakin.

I don't have the courage to tell him that I really put make up on my face so he'll find me presentable. Ayaw kong magmukhang basahan sa tabi niya.

Kahit na ayaw ko ang madalas niyang pagpuri sa pisikal na ganda na meron ako, gusto ko parin na ako lang ang babaeng nakikita niya sa ganong paraan.

"Talaga ba?" Nang-aasar ang tono niya.

"Hindi nga sabi!" I said again when he continued laughing.

"Hmm." Tumango-tango siya.

He was obviously teasing me. Napairap ako na ikinataas ng makapal niyang kilay.

I looked away from his elfin eyes, my cheeks really felt hot. I can already imagine how red my face seems look.

My eyes bore on the right side of the huge land of Guillieaes na nakapalibot sa mismong Mansion nila.

You can see the haystack right there, they will use it to feed the farm animals.

Nandito kami sa parte kung saan banda ang taniman ng mga pinya na ginagamit ng mga Guillieaes sa clothing line ng bunsong kapatid nila Spencer na si Wynona.

"Ayos lang naman kahit hindi ka na maglagay ng kolorete sa mukha. You're the most beautiful girl I ever met."

"Bolero talaga..." Bulong ko.

Muli siyang tumawa saka linagay ang hawak niyang bulaklak sa tenga ko.

"I'm telling the truth. You're very beautiful."

Hinarap ko siya.

"Kahit baduy akong manamit?"

His eyes scrutinized my clothes. He smirked and sensually licked his sultry red lips.

"I don't really care about your clothes, what's important to me is what I'll see underneath those soft fabric."

Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt ko kaya tinapik ko ang kamay niya. Sunod ay mahina kong tinampal ang pisngi niya. "K-kung ano na namang kapilyuhan ang lumalabas diyan sa bibig mo."

He just shrugged it off as if what I said doesn't matter to him.

Nang-aakit niya akong nginitian pero hindi ko 'yon gaanong ikinabahala. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang pumaikot sa aking maliit na bewang pero mabilis ko din siyang tinignan.

"Panay ang pag hawak mo. Saka mo lang ako dapat hawakan kapag tayo na."

"O, kailan ba kasi magiging tayo?"

I furrowed my brow. "I thought you're willing to wait?"

"I am." He said valiantly. "Tinanong ko lang baka malay natin maisipan mong sagutin na ako."

Napailing ako. Kung ano-ano talaga ang alam ng lalaking 'to.

Hindi ako sumagot. I made myself busy with the flowers I was holding. Sadly, I can't bring them back to the Mansion. My co-workers might see them, they will probably ask me kung kanino ko galing iyon.

Vague LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon