CHAPTER 12

3 0 0
                                    

(JANNA'S POV)





Mga pasado alas nuebe narin ng gabi. Masaya akong lumabas ng building. Napatalon at napatili ako sa saya dahil finally, may work na ako. "Yeeees!" Patalon-talon kong pagkasabi. Napahinto ako dahil napapatingin sakin yung mga dumaraan baka kung ano isipin nila sakin. Sabay napapangiti na lang ako sa saya.

"Si Jun Pyo."

Siya agad yung pinaka unang tao kong naisip. Kasi siya lang naman din ang kilala ko rito. Nakakainis, wala akong cellphone. Siya unang-una kong tatawagan sana para ibalita yung nangyari ngayong araw.

Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng Bus nang mapahinto ako sa tapat ng Isang malaking Itim na Van.








---








(LEE MIN HO'S POV)

Nandito lang ako sa Van habang nanonood ng NBA Live.

"Cleveland Cavaliers lost 98-96 to the Boston Celtics after Delonte West's sank two free throws in the final seconds, dropping three and a half games behind the Pistons for the best record in the Eastern Conference."

"Aiiish! Jinjja." Nang biglang napalingon ako sa babaeng nasa tapat ng main entrance ng building. Dahan-dahan akong napalapit sa bintana ng Van para sipatin yung pamilyar na mukha na nakikita ko ngayon.

"Janna?" Siya nga yung babaeng nagtatatalon sa tapat ng Main Entrance. "Tss.." Napailing ako at napangisi.

Naglalakad na siya papunta sa way kung saan nakapark yung sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin. Napahinto siya sa tapat ng Van kung saan ako nakapwesto.

"Aiiisssh!" Bigla akong nataranta at kinuha ang dalawang unan sa tabi ko at tinakpan ang mukha ko. Nang mapaisip ako bigla na triple tinted pala yung salamin ng Van at hindi niya ako nakikita. At dahan-dahan kong ibinaba yung mga unan.

Nananalamin siya sa tapat ng bintana kung saan ako nakapwesto. Tinigtignan niya yung ngipin niya kung may tinga ba ito. "Tss.." Napangisi ako.

Hanggang sa nagsusuklay na siya ng buhok gamit ng mga daliri. Bigla niya itinaas ang mga kamay niya na akmang itatali ang mga buhok niya.

Napatitig na lang ako sa kaniya.

"Ka ja!" Hindi ko namalayan na sumakay na pala si Yoon Jung sa Van. Napalingon sakin si Yoon Jung. "How is the NBA, who won?" Tanong nito sakin.

Hindi ko namalayan na wala na pala si Janna sa tapat ng bintana, napalingon ako kay Yoon Jung. "Oh?" Tanong ko dahil di ko siya narinig.

Lumilingon-lingon si Yoon Jung sa labas. "What are you looking at?" Tanong nito.

"A-aniya. I just saw a cat with beautiful eyes." Sabay lagay ko ng earpods sa tenga.

Pasimpleng ngumi-ngiti si Yoon Jung nung napatingin ako sa kaniya. "Wae?"

Napapangiti siya. "Aniya."








---








(JANNA'S POV)

Naglalakad na ko banda sa may River Park galing sa opisina ni Lee Yoon Jung, masayang-masaya ako dahil makakapag-ipon na ko ng pamasahe pauwi. Magtatrabaho ako as Staff sa ongoing drama series ni Lee Min Ho na, The King: Eternal Monarch. Masaya at kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano bang klaseng pakikitungo ang maeexperience ko sa set at lalong-lalo na kay Lee Min Ho. Pero sa dami ng interview at research na nabasa niya about sa artista, halos lahat naman nagsasabing mabait daw ito at sweet. Hindi naman na sakin bago makakita ng artista, dahil sa hotel palang na pinagttrabahuhan ko sa Pinas, e parang normal na lang sakin makakita ng artista. Pero ibang saya yung nararamdaman ko, kasi korean stars na ang makikita ko na dati-rati lang sa netflix at mga kdrama sites ko lang napapanood. Plus, OMG. Lee Min Ho!

The Actor and IWhere stories live. Discover now