Kabanata 6

2K 70 0
                                    

Nasapian

Agad akong nasalo ng aking nakabangga,pagkatingin ko sa mukha nito omo,si Fransisco ang nakabangga ko.

Agad akong umayos ng tayo at akmang aalis na ng tawagin niya ako.

"Hindi ka ba hihingi ng paumanhin?"

"Hindi."

"Alam mo ba na maaari kang matanggal sa iyong pinapasukan ngayon?"

"Hindi rin."

"Hindi mo ba nais kilalanin ang iyong nasa harapan?"

"Hindi."

"Halika,ipapakita kita kay Don Elias."

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa narinig,akmang tatakbo na ako ng matalisod ako sa paa nitong naka-usli.Nakakairita pala ang ugali ng Salazar na ito.

Hindi ko na siya pinansin at agad tumakbo papunta sa silid na nakalaan para sa akin.

*tok tok tok

Katok ko sa pinto para ako ay pagbuksan ni rebecca ngunit hindi ito sumagot,naalala ko ang passcode pala namin hahahaha.

"Cute."

Agad naman nitong binuksan ang pinto at nabahala ako ng makitang namumutla ang mukha nito.

"Bakit tila namumutla ang iyong mukha?"

"Ang Donya ay umakyat kanina upang tawagin ka."

"Tapos?"

"Hindi ako nag wika ng kahit ano,baka wari niya ay namamahinga ka."

"Siguro,maraming salamat Rebecca."

"Walang anuman binibini,ngunit kailangan na nating magmadali dahil tiyak na ano mang oras ay parating na si Aling Corazon."

"Sige sige."

Agad kaming nagpalit ng mga kasuotan at nagpaalam sa isa't isa.

Naglibot libot ako sa silid ng tunay na maria ng may makita ako na isang burda,ito yung bulaklak na nagliliwanag at ang dahilan kung bakit ako naririto sa sinaunang panahon.

May nakalagay na mga sulat sa box ngunit akmang babasahin ko pa lamang ito ng may kumatok na sa pinto.Agad kong itinago ito sa dating ayos sapagkat si aling corazon na ata iyong kumakatok.

"Binibining Susana?"

"Po?"

"Nasa ibaba ang iyong Ina at mga kapatid galing sa bayan,nais ka raw nilang makita at makausap."

"Susunod na po ako."

Hindi na ito nagsalita pa kaya naman inayos ko na ang aking sarili at handa na uling umarte.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon