66

30 0 0
                                    

CHAPTER 66

"Babalik siya. Nangako siyang babalikan niya ako." sabi ko habang umiiling.

"Anak, wala na si Marie. Just listen to us, Garrett. We know you're still grieving but it's been a month, son." nagpapasensyang alo sa akin ni Mom.

Yes, it's been a month nang mangyari ang aksidente. Nang magising ako sa hospital matapos ang dalawang araw na tulog ay ang masamang balita agad ang bumungad sa akin.

Nang mahulog daw ang kotse ay kasabay nun ang pagsabog nito. May kalaliman ang bangin kaya hindi agad nakababa ang mga tumulong at sa pag-apula ng sunod. Ang tanging natira na lang ay ang sunog na mga damit nila at walang buong katawan dahil sa naipit ang kotse nang nagpagulong-gulong ito pababa. Kaya ang inilibing nila ay ang nakikilala naming damit ni Marie. Iyon lang ang nahanap sa loob ng kotse, mga gamit ni Marie. Wala ring kahit konting bakas na may kasama siya. Hindi ko tuloy sigurado kung totoo ang hinala ko sa araw na yun. Iba kasi ang pagmamaneho, baka siguro ay, ay yun na ang indikasyon na may masamang mangyayari kay Marie. At ... At ito na nga ang nangyari.

Napaupo ako sa kama ko at napatakip sa mukha. Ayaw kong makita akong umiiyak ni Mom. Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako. Pero, hindi ko maiwasan.

May kumawalang hikbi sa bibig ko. Naramdaman ko agad ang pagtabi ni Mom sa akin at mahigpit akong niyakap. Yumakap din agad ako pabalik at sumobsob sa dibdib niya na parang bata. Doon ay umiyak ako ng umiyak. Parang wala ng tigil ang pag-iyak ko. Pagkatapos kong tumahan ay maiiyak na naman ako. Halos maubos na nga ang luha ko pero naiiyak pa rin ako. Hindi ko matanggap.

"Mom, she said that she'll be back. I know she'll come back for me, Mom. She'll come back for me."

Hinayaan ako ni Mom na umiyak ng umiyak. Nitong nakaraang buwan ay parati akong dinadalaw dito sa apartment ng pamilya ko at mga kaibigan. Nag-suggest nga si Mom na sa mansion na lang muna ako pero hindi ako pumayag. Hihintayin ko si Marie na bumalik. Babalik siya at alam kong dito siya sa apartment uuwi. Maghihintay ako kahit kailan pa yan.

...

"Louis, I have decided to let you work in our company in the states. You can do whatever you like. Ikaw ang masusunod pero bawal kang lumabas ng states ng hindi ko alam. Everything's ready, kailangan mo na lang sumakay ng eroplano." sabi ni Lolo isang araw.

"No, I won't leave here." matigas na sabi ko.

Ilang araw na nila akong pinipilit na lumabas ng apartment. Nagiging crowded na rin nga ang apartment kapag umaga at nawawala na ang katahimikang kinasanayan ko kapag kami lang ni Marie ang nandito.

Napasulyap tuloy ako sa hawak kong kwintas. Ito na lang ang naiwan sa akin ni Marie. Ang dog tags niya. Hindi ko 'to naibalik sa kaniya pagkatapos ng reception ng kasal nina kuya at nagpapasalamat ako na hindi ko pa naibabalik dahil ito na lang ang hinuhugutan ko ng lakas.

Tatlong buwan na makalipas ng mawala siya. Tatlong buwan na rin akong nagmumukmok. Nandito lang ako sa kwarto ni Marie at yinayakap ang unan niya. Pinapaliguan ko rin ang sarili ko ng mga body wash niya para palagi kong maamoy siya kahit hindi ko nararamdaman ang init at lamig ng katawan niya. Kaya kahit nagmumukmok ay hindi ako mabaho. In fact mas mabango pa ako sa mga bumibisita sa akin. Tuwing kasi nawawala ang amoy sa katawan ko ay naliligo ako agad. Muntik na nga akong magkasakit sa ginagawa ko pero hindi natutuloy.

"Bro, nag-aalala na kami sayo. Hindi ka na naaarawan." nag-aalalang sabi ni Isaac ng nakaraang araw.

Mahina akong napatawa nun sa loob-loob ko.

Madalas akong gisng bago pa man sumilip ang araw. Palagi ko yung inaabangan at nakaiwan lang na bukas ang kurtina para pumasok ang mainit na sinag na araw. Naaalala ko ang mga maiinit na pinagsaluhan namin tuwing umaga pagkagisng, mas mainit pa sa haring araw. Nang dahil nga doon, nagkakulay kahit papaano ang balat ni Marie sa kakapaaraw, at maging na ako. Pero ngayon ay mga alaala na lang at ang katiting na init na binibigay ng araw kumpara sa init na pinagsasaluhan namin ni Marie ang nagbibigay sa akin ng sigla para sa panibagong araw sa paghihintay sa kaniya.

"Son, think about it. Para hindi ka naman... hintay ng hintay dito." bakas ang boses ni Dad na hindi siya sigurado sa sasabihin, na maghintay ako.

"Try to let go a little bit. Hindi ko sinasabi na kalimutan mo na siya. Ang gusto ko lang ay bumalik ang masiglahin naming Garrett." napabuntong-hininga si Dad.

"Alam kong nasasaktan ka pa at hindi sapat ang apat na buwan sa pagluluksa mo. Pero, isipin mo naman kami. You're mother is so worried about you. Halos hindi na siya makatulog kakaisip kung... kung sinasaktan mo na ang sarili mo." mahina niyang sabi, nag-aalala at pagod.

Napatingin naman ako sa kaniya. Malalim ang ilalim ng mga mata niya pero nagagawa niya paring puntahan ako araw-araw kahit madami siyang trabaho katulong ni kuya.

"I'm sorry, Dad. But, I can assure you. Hindi ko magagawang saktan ang sarili ko."

Alam ko na ngayon kung bakit ayaw gamutin ni Marie ang mga sugat ko at ang parati niyang sagot "I would never treat your wound." Tunog mahina para sa ibang lalaki pero alam kong proprotektahan niya ako. Baliktad man kami pero okay lang yun sa akin. Hanggat masaya siya ay hahayaan kong siya ang masunod sa akin.

"Louis, please consider your lolo's request. Gusto lang niya na mapabuti ka. At alam kong makakatulong ito para maibalik ang dating sigla ng anak kong si Garrett. Please, son, go to the states and heal."

Napatitig ako kay Dad. He's pleading. Maloko si Dad at parating confident pero ngayon ay nagmamakaawa siya. Nagguilty tuloy ako sa pinaggagagawa ko. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng mga nagmamahal sa akin. Ang laging laman lang ng isip ko ay ang taong mahal ko, si Marie.

Siguro tama rin sila. Ito rin ang sinsabi sa akin ni kuya nang isang beses siyang dumalaw sa akin.

"Look around you, Garrett. Do not just focus what's in front of you. There are things that should be appreciated in different angles. Try looking that way."

Susubukan kong sumunod sa kanila. Kung ito ang sa tingin nilang mapapabuti sa akin ay gagawin ko.

Tumango ako kay Dad. Nagliwanag din ang mukha niya at napayakap sa akin.

"Thank you, son."

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas.

I'll just look in different angles. I'm not forgetting about you, Marie. You're always be in each and every angle.

_________________________
This is the last chapter. Next na yung epilogue. And sad naman ng ending nila 😢😭 sorry sa mga umasa ng happy ending, kung meron man,

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon