Chapter 2

51 4 1
                                    

~ Yuri's POV ~

Naglakad na ako papunta sa class at hindi na pinansin pa yung lalaking 'yon. Nung nakarating na ako sa class mukhang wala pang teacher.

Umupo na ako sa tabi ni Alexa na mukhang baliw parin.

"Ano daw yung sinabi ni Ma'am Rose?" Tanong ni Kate habang nag-dodrawing.

"Binigay lang sakin yung files ng transferees." Sabi ko sabay halungkat sa files. Di pa kasi ako tapos mag-basa biglang sumulpot kung saan yung lalaking 'yon.

Key Garcia. Ang nakakainis na taong i-kinumpara ako sa Siopao. Mamatay ka. Joke lang.

Tiningnan ko ang grades niya at napanganga. Eh di wow.

"Uy ang pogi niyan." Biglang epal ni Alexa.

"Hmph." Sabi ko at ibinaba sa desk ko yung files.

"Bakit? Kilala mo ba yung lalaking 'yon?" Tanong ni Kate at tiningnan yung picture ni Key. Dapat ko ba siyang tawagin ng ganon?

"Nagkakilala lang kami sa park, iyon lang." Paliwanag ko sakanila.

"Ayieee! Siguro crush mo 'to!" Inis sakin ni Alexa. Awtsu! Ako? Crush yung mokong na 'yan?

"Hindi kami close."

"Umaasenso ka na Yuri!" Sigaw ni Kate sabay tawa. Umaasenso? Tss. Parang nalulugi nga ako eh.

"All in one na 'to! Pogi, mayaman, matalino tsaka mukhang mabait." Sabi ni Alexa habang nakangisi sakin.

"Mukhang mabait lang, sa totoo demonyo 'yan." Naaalala ko tuloy nung nasa park ako. "Malaki ba yung cheeks ko?" Curious na tinanong ko sakanila.

"Bat naman bigla mong natanong?"

"Wala lang." Dapat pala di ko na tinanong 'yon.

"Bilis! Ikuwento mo na yung nangyari nung nasa park kayo." Tuwang tuwa na sinabi ni Alexa. Parang bata lang?

"Mamaya na, andiyan na si Sir oh." Sabi ko at pumasok na sa loob ng classroom si Sir Ned.

Tumahimik na kaming lahat, adviser namin si Sir Ned. Mabait naman siya kaso nakakatakot pag nagagalit.

"Okay class, maraming event ang mangyayari. Kaya kailangan ko kayong i-inform ng kailangan ninyong gawin." Paliwanag niya.

"Tss, Malamang." Bulong nung beki kong classmate sa friend niya tas nagtawanan sila.

"May masasabi ka ba freddy?" Tanong ni sir at nagulat yung beki.

"Wala po, sir."

"Okay, back to the topic. Meron tayong dalawang field trip, school festival at cooking performance para sa MAPEH." Nakaka-excite naman! Isipin niyo, dalawang field trip 'yon! Wooooh! "Ang unang field trip ay camping para maranasan niyo naman nang matulog outdoors."

"Second field trip naman ay papunta sa beach, sports naman ang gagawin natin doon. Pag-mayroon kayong record sa guidance hindi na kayo pwedeng pumunta." Paliwanag ni sir. Maraming hindi makakapunta, yung class kasi namin maraming ma magugulo.

"Sa school festival naman ay gagawa kayo ng sariling business niyo. Kayo na ang bahalang mag-assign ng leader, 3 months pa naman 'yon. At ang cooking performance niyo naman ay next week na. Kayo na ang bahalang pumili ng mga ka-group mates niyo. Ilang ba ang lahat ng nasa class na 'to?" Tanong ni Sir at tumingin siya sakin.

"Sir, 32 po." Sagot ko sakaniya.

"So dapat 4 groups consisting of 8 members. Kayo na bahala diyan, bibigyan ko kayo ng time na mag-discuss ng gagawin.niyo next week." Sabi ni Sir at lumabas na ng classroom.

A nobody's love story (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now