Chapter 37

119 13 1
                                    

STYLM : Chapter 37
  
  
Your Pov

"Shhh, Y/n. Stop crying, please?" Paki-usap sa 'kin ni Riri. Naka-upo ako ngayon sa isang bench dito sa school.

Ginamit ko ang dalawa kong kamay pangtakip sa aking mukha. Umiiyak pa rin ako, nailabas ko lahat ng saloobin ko kay Suga.

Ang sakit na eh, ang sakit, sakit.

Hindi niya kasi naiintindihan ang damdamin ko sa kaniya.

Di bale na sanang hindi niya ako mahalin pabalik pero kailangan pa ba talagang ipamukha niya sa 'kin na hindi ako ang mahal niya? Ang sakit kasi.

Pinunasan ko ang mga luhang naging sanhi ng sakit na nararamdaman ko.

"Lilinisin ko lang ang mukha ko," paalam ko kay Riri at tumango na lang siya.

Tumayo na ako at naghanap ng c.r. para makapag-hilamos ako.

Nakakasama sa bata ang pag-iyak ko. Kailangan kong maging matatag para sa baby ko.

Nakahanap naman ako ng c.r. at pagpasok ko doon ay may naabutan ako babae na nagaayos.

Napatingin ako sa salamin, si Somin na inaayos ang kanyang salamin. Ngumiti siya sa 'kin.

Napasinghal naman ako, nakuha pang ngumiti ni Shinri sa 'kin? Pukingina lang.

Mukhang nagpapanggap na naman siyang nerd ngayon. Pagkakataon mo na ito Y/n, gaganti ako kay Shinri ngayon.

"Shinri!" Galit na tawag ko sa kaniya at sinugod siya.

Agad kong hinila ang buhok niya para mapatunayang nagpepretend lang siya as a nerd.

"A-aray! Y/n! Masakit!" Reklamo niya pero gigil na gigil akong sinabunutan siya pero hindi siya gumaganti.

"Y/n, tama na!" Nakita kong nagdudugo ang anit niya. Peluka lang dapat to?

Binitawan ko siya. Bakit hindi ko maramdaman ang galit ko sa kaniya. Tumingin siya sa 'kin at umiiyak. Hindi naman sana ganito kahina si Shinri?

"I-I'm not her. . . I'm not Shinri---my twin." Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

Kakambal?

Si Somin at Shinri. . .

Magkakambal?

Hindi ako naniniwala, hindi ito totoo?

"Impostor ka!" Pagbibintang ko pa. Napasalampak siya at umiling-iling.

"Naalala mo ang sinabi ko sa 'yo kahapon ng magkita tayo?" Tanong niya sakin.

Pumikit ako at pilit kong inaalala ang sinabi niya sa 'kin.

"Magta-transfer na ulit ako sa ibang school kung sakaling hindi ko makita ang hinahanap ko. Nagbabakasakali akong nandito ang kapatid ko kaso wala siya."

Umalingawngaw ito sa isipan ko.

"S-si Shinri ang tinutukoy mo?" Tumango-tango siya.

Impossible.

"Nahanap ko na ang kakambal ko at ibabalita ko sana sayo kaso bigla mo na lang akong sinabunutan." Yumuko siya. May mga nalagas na hibla ng buhok niya.

Kumakapa-kapa siya at hinahanap ang salamin niya.

Ayaw kong maniwala, pero parang totoo?

May pagkamalabo na ang mga mata ni Somin.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon