Chapter 35

10.2K 298 47
                                    


MUNTIK nang mapatili si Deja nang makita niya ako. Agad siyang lumapit sa akin at sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. Napatingin tuloy sa amin ang iilang bisita na malapit sa puwesto namin.

"Oh, my God, I missed you!" she joyfully said.

"I missed you, too! Grabe, ngayon na lang ulit tayo nagkita."

Pabiro niya akong inirapan pagkatapos ay natawa.

"Sabi ko na, e. Magkikita lang talaga tayo ulit kapag may ikakasal na sa ating dalawa."

Sumabay ako sa tawa niya nang maalala kong sinabi niya nga iyon nang minsang magkausap kami sa telepono. Pasimple kong pinagmasdan ang kaniyang itsura, tulad ng nga ibang mga bisita, pormal din ang suot niya. Wala namang masyadong nagbago sa kaniya maliban sa medyo tumaba siya nang kaunti.

"Grabe, this engagement party of yours is the best engagement party that I've attended to," aniya pa habang nililibot ng tingin ang paligid. "Everything just looks so elegant and expensive."

Napangiti ako at napalibot na rin tuloy ng tingin sa isa sa mga hall sa loob ng mansyon na pag-aari ng buong angkan ng mga Contejo. Maraming round tables na nakapaligid. Gold ang motif kaya lahat ng disenyo at palamuti sa paligid ay mistulang ginto. Sa pinakaharap ay ang mababang stage kung nasaan ang table namin ni Zaviar. Sa paligid no'n ay may mga nakapalibot ding palamuti na agaw pansin sa lahat.

Naalala kong dito rin ginanap ang birthday ni Zaviar noon.

"Well, what do people expect from a Contejo and a Salvatorre, anyway?" dagdag pa ni Deja kaya muli akong napatingin sa kaniya.

I chuckled and smirked at her. "You know that."

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Deja bago ako nilapitan ni Zaviar at niyaya papunta sa iba pa niyang kamag-anak na kararating lang.

"Congrats!" Zaviar's cousin, Inno, greeted both of us with a teasing smirk on his face while looking at Zaviar.

Ngumiti naman ako rito. "Thank you!"

He smiled back at me before glancing back at Zaviar again.

"You just ate your word," makahulugang saad nito habang nakangisi pa rin.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mariin ang tingin ni Zaviar dito. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata. Mayâ-mayâ ay bumaba ang tingin sa akin ni Zaviar kasabay ng paghila niya sa akin paalis sa harap ni Inno.

"Don't mind him. He's crazy."

Natawa lang si Inno sa narinig kay Zaviar. Humarap na kami sa ilan pang mga bisita. Kumpleto ang angkan ng mga Contejo pati na ang mga Salvatorre. I saw Kuya talking to some politicians nearby. Haira and my other cousins were talking to Rodean and Arsen Contejo.

Everybody was having a good time. People were socializing as if tonight was also a reunion for them. I suddenly remembered my parents. For sure, Mommy would be really happy if she were here. Not only because I'm engaged, but also because I knew that she would love to socialize. She was a social butterfly. Daddy, on the other hand, would surely talk only about business with some of the businessmen here. Walang ibang nasa isip iyon kundi negosyo, e.

It was just sad that they're not here anymore. Marami pa sana silang okasyon na dadaluhan. Marami pa sana silang masasaksihang masasayang kaganapan sa buhay namin ni Kuya.

"You okay, baby?" malambing na tanong ni Zaviar at hinaplos ang aking baywang.

I smiled and nodded at him.

"Yeah. Uhm, I'll just go to the powder room."

"Samahan na kita."

I chuckled. "Clingy ka, ha. Huwag na, hindi naman ako magtatagal."

          

Parang may pagtatampo pa sa mga mata niya nang titigan ako. "You sure?"

Mabilis akong tumango. Bumuntonghininga siya at hinayaan din ako.

"Alright. Dito lang ako."

Pinatakan niya pa ako ng halik sa noo bago pinakawalan. Hinanap ng mga mata ko si Kuya Favio. Naroon siya sa isang lamesa kasama ang mga bodyguards ni Zaviar. Masaya silang nagtatawanan at mukhang nawala na sa isip niya ang pagbabantay sa akin. Hinayaan ko na lang. Hindi naman ako magtatagal sa CR.

Lumabas ako ng hall dahil wala namang CR sa loob. Nag-retouch lang ako ng kaunti sa CR. Nang matapos ay agad akong lumabas at babalik na sana sa hall ngunit natanaw ko ang hardin sa labas mula sa salaming dingding sa gilid ko. Nagtungo ako roon upang tingnan kung ano na ba ang itsura nito ngayon. Hindi naman ako magtatagal.

Humalik sa balat ko ang sariwa at pang-gabing hangin ng Isla Contejo kung kaya't bahagya akong napahaplos sa aking mga braso. Pinagmasdan ko ang buong hardin. Naaalala kong dito kami nagtungo noon ni Zaviar noong birthday niya. Iyon din ang araw na kinamuhian niya ako dahil sa video na nag-play sa screen.

Kung may kakayahan lang akong kontrolin ang mga nangyari sa nakaraan, e 'di sana, hindi kami nagdusa nang ganito. Hindi sana nagalit sa akin si Zaviar noon. Baka rin hindi nawala ang mga magulang ko. Kaso, sinong niloloko ko? Wala namang kakayahan ang bawat tao na kontrolin ang mga bagay-bagay. Kung nakatadhanang mangyari, mangyayari.

Masakit, pero totoo. Hindi katanggap-tanggap, ngunit kailangang tanggapin.

Pumihit na ako upang bumalik sa loob. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay may nagtakip na ng panyo sa aking ilong. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na nagpumiglas. Tinangka kong sumigaw ngunit dahil, may takip sa ilong at bibig ay mukhang walang makakarinig.

Marahas akong hinila ng taong nasa likod ko at pilit dinadala palabas. Sinubukan kong sipain siya patalikod ngunit hindi ko magawa nang maayos. Hanggang sa unti-unti nang bumibigay ang mga talukap ko at hindi na nakalaban.

*****

Unti-unti kong naidilat ang mga mata ko sa isang madilim at masikip na kuwarto. Nanlalabo pa ang mga mata ko mula sa pagkakagising ngunit pinilit kong ilibot ito sa buong paligid. Wala akong nakikitang mga gamit.

Mukhang abandunado ang kuwartong ito dahil bukod sa walang laman ay sandamakmak ang alikabok sa paligid. Gumalaw ako mula sa aking kinauupuan. Doon ko lamang napagtanto na nakatali ang mga paa't kamay ko sa silya.

"What the fuck..." mahinang bulalas ko.

Gumapang ang takot at panic sa buong sistema ko. Nagkakawag ako sa upuan dahil baka sakaling lumuwag ang mga tali ngunit kahit anong galaw ko ay sadyang mahigpit ang mga ito.

Nasaan ako?! Saan ako dinala ng hayop na kumidnap sa akin kanina? I was just at my engagement party earlier then suddenly, I would be here in this God forsaken dirty place!

"Help!" sigaw ko habang nagkakakawag pa rin sa upuan. "May tao ba diyan? Palabasin n'yo 'ko rito!"

Why the fuck was I being here? What was happening?! Sino 'yong kumuha sa akin o sino ang nagpakuha sa akin? Nananahimik ako sa party kanina! Ang saya-saya ko ro'n kasama si Zaviar tapos biglang ganito?!

I needed to get out of here as soon as possible. This was hell! The darkness was blinding me. This whole situation was giving me anxiety and I couldn't stand that long! It may take away my sanity this time! Unti-unti na 'kong gumagaling tapos biglang mangyayari 'to?!

Everything was just normal and good these past few days. I didn't feel like something's gonna happen. I didn't have any person in mind that would do this. Wala na 'kong binanggang ibang tao. Namumuhay na 'ko ng tahimik. Pinipilit kong umayos at pakitunguhan nang mabuti ang mga tao sa paligid ko. Wala na 'kong ginawan ng kasalanan.

Oh sabi na nga ba. Don palang sa part na nakita nya si zaviar na kasama si elsie tapos hinampas ni vice mayor ng pamaypay si zaviar na nakatingin sa kanya may something e. parang cupid tong mga nanay nila na pinaglalapit sila hahaha.

7mo ago

Ahahahahahaha

2y ago

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon