XVI

17 1 0
                                    

Naiinip kong kinakalikot ang mga kuko ko habang naghihintay sa labas ng, ano nga ulit ang pangalan ng lugar? The Razer?Dito kasi gaganapin ang contest ni Mortell sa pakikipagkarera at ngayo'y mukhang hindi pa ako sisiputin nila Jerome at Zena. Hindi ko rin dala ang cellphone ko para matawagan sila dahil sa sobrang pagmamadali ko mas inuna ko pang kunin ang pass na bigay ni Mortell, para makapasok kami sa loob kaysa sa cellphone ko.

Mag-iisang oras nadin akong nakatayo dito nang matanaw ko si Jerome di kalayuan presko pa itong naglalakad papunta sa gawi ko. "Gurl kanina ka pa ba?"-hindi parin nabubura nang nakasimangot kong mukha ang ngiti niya.

"Mag-iisang oras napo ako dito madam napakabagal niyo po"-sarkastika kong tugon na ikinatawa niya.

"Gurl 9:00 am ang start at 8:30 palang ngayon haler wag magpahalatang excited"-nang-aasar niyang tugon sinadya niya talagang mas ipitin ang boses para mairita pako.

Inismiran ko lang ito at inirapan sapagkat hindi ko alam kung paano haharapin ang katanungan nito at ang katangahan kong ginawa. Hindi ko ito inimik hanggang sa makarating nadin si Zena.

"Uy himala bruha Hindi ka late ngayon ah?"-puna ni Jerome kay Zena ngunit inismiran lamang siya ng isa. Natawa na lamang si Jerome sa inakto ng kaibigan.

Sabay naming isinukbit ang braso namin ni Zena sa braso ni Jerome. Sanay talaga kaming ganito habang naglalakad. "Mga bruha yung boobs niyo pakilayo layo nakakadiri"-reklamo na naman ng bakla. Sabay namin siyang tinawanan at mas idinikit pa ang dibdib namin. Nandidiri niya naman kaming binitawan at pinagtutulak.

Bumuhanglit naman ako nang tawa ngunit tumigil narin nang makitang napipikon na ito. "Joke lang naman Jerome eh"-sabi ko at muling inilagay ang kamay ko sa braso niya ngunit sa pagkakataong ito ay dumistansya nako para hindi na ito mailang. Katulad ng ginawa ko ay ganon din ang ginawa ni Zena, mahirap na baka tuluyan kaming ingudngod ni Jerome sa lupa.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang mga upuan. Marami rami nadin ang nandirito, hindi ko man lang alam na marami palang nanonood sa ganitong isport. Sabagay kung si Terix nga at Papa nanonood nito sila pa kaya? Ako lang ata ang walang interes sa ganito.

Pinagitnaan namin ni Zena si Jerome at tulad kanina pilit niya kaming pinagtutulakan. Hindi naman nagtagal ay tanaw na namin ang mga naggagaraang sasakyang pangkarera. Kung nandito lang si Papa at Terix baka kanina pa kumikislap ang mga mata nila.

Napatanga ako nang mula sa kulay pulang sasakyang ay gwapong gwapong tinanggal ang suot na helmet at kumaway sa gawi namin. Hindi ko na maintindihan ang sinabi ng tiga anunsyo dito sapagkat nakatuon lang sakaniya ang buo kong atensyon. Nakita ko na ang ganitong ayos niya sa mga litrato sa bahay nila ngunit iba parin pala pag harap harapan mo nang nakikita ang ulam.

Ulam? Napatampal ako dahil sa likot ng aking pag-iisip.

Nagbalik lang ako sa realidad nang sobra sa kalahating nanonood ay tumayo at isinigaw ang pangalan ni Mortell. Alam kong marami siyang tagahanga ngunit hindi ko naman inaasahang halos angkinin na siya ng lahat nang kababaihan at ipagsigawan ng mga kalalakihan sa lugar na ito.

Napataas ako ng kilay habang sinasamaan ito nang tingin naramdaman niya sigurong kanina pa siya kinatay ng buhay sa isip ko kaya pangiwi itong humarap sa akin.

"Grabe ka naman bumakod sa future jowa mo gurl. Tumitili lang ako oh, hindi ko aagawin"-depensa niya. Inirapan ko lang ito bilang tugon.

Muli kong ibinaling ang tingin sa harapan ngunit halos malaglag ako sa upuan nang makitang ang lumabas sa kulay itim na sasakyan. Seryosong mukha ni Jarex ang ang sumalubong nang tanggalin nito ang sariling helmet. Ako lang ba o sadyang sa gawi namin siya nakatingin? Katulad kanina ay muling dumagundong ang sigawan nang mga tao.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Sumasali pala sa ganito si Jarex, Sez?"-dama ko ang pagiging interesado ni Zena sa kaniyang tinanong ngunit wala akong maisagot sapagkat pati ako ay nagulat sa nandirito siya.

"Hoy bruha nakalimutan mo nabang di nakaaalala iyang kaibigan natin? Alam mo namang bitter pa yan sa ex niya na pinsan ko kaya pinipilit niyang kalimutan"-nang-aasar na turan ni Jerome ngunit batid ko na nagbibiro lamang ito. "At sa tanong mo Zena, ang alam ko'y hindi siya sumasali sa ganito kapera nalang kung may pakay siyang seryoso"-makahulugang dagdag ni Jerome. Pareho kaming naguguluhang napatingin sakaniya parang kanina kanina lang ay nagbibiro ito ngunit nang banggitin niya ang huling linya ay dama ko ang pagiging seryoso nito. Pinagkibit balikat ko nalang ang sinabi niya at muling itinuon ang tingin sa harap.

Sa lahat nang taong kilala ko ay siya ang hindi ko inaasahang pakikita dito. Aminado akong wala akong nalalaman patungkol sakaniya ngunit hindi ko alam na interesado pala siya sa ganitong isport.

Hanggang sa matapos ang pagpapakilala sa lahat nang kalahok ay nasa kaniya parin ang paningin ko, malalim ang iniisip patungkol sa presensya niyang hindi ko man lang inaasahan. Kung hindi pako kinalabit ni Jerome ay hindi ako titigil sa kakaisip.

"Sa sobra mong pag-iisip at pagtitig sa ex mo hindi mo namamalayang kanina ka pa kinakawayan ni Mortell. Mabuti nalang talaga hindi ko dala yung gunting dito dahil baka kanina pa kita kinalbo"-sambit nito habang mahinang hinihila ang buhok ko. Napatingin naman ako sa gawi ni Mortell ngunit huli na sapagkat nakapasok na ito sa sasakyan.

" Gurl pwede mo namang ibigay sa akin si Mortell para di kana malito"-napailing iling nalang ako sa malanding turan ni Jerome.

Pasimple ko itong kinurot sa tagiliran kaya napaangat naman ito sa pagkakaupo.

Ilang minuto din ang lumipas bago magsimula ang karera. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng taga anunsyo ang alam ko lang ay nakakakaba ang gagawin nilang ito. Sa pagputok nang baril ay nagsimula na silang mag unahan, hindi pa man nagtatagal ay may isang sasakyan na agad ang bumaliktad.

Agad kaming napatayo nang mahagip ang kotse ni Mortell ngunit nakahinga rin ng maluwag nang makabawi ito. Nangunguna si Jarex habang nakasunod ang isang kulay lila na sasakyan at nasa pangatlo si Mortell. Hindi narin nakasali ang bumaliktad na sasakyan.

Hindi naman natinag ang ibang kasali at patuloy lamang itong lumagpas sa nataob na sasakyan. Hindi ko alam kung ligtas ba ang nasa loob basta kita ko ang paglapit ng isang grupo ng mga medic. Makikita mo din ang pagmamadali sa mga kilos nito.

Nanggigigil kong kinagat ang kuko ko sa daliri dahil sa sobrang kaba. Anytime pwedeng maulit ang nangyari kanina ngunit pwede ding mas malala pa roon. Hindi ko maintindihan kung bakit pinahihintulutan ang ganitong activity gayung napakadelikado nito. Hindi ko din alam kung bakit tuwang tuwa ang mga nanonood habang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Sa sobrang kaba ay hindi ko namalayan ang pagbilis ni Mortell at kunti nalang ay malalampasan na niya si Jarex. Hindi naman iyun nagustuhan ni Jarex kaya kitang kita mo rin ang pagkainis niya sa pamamagitan ng pagmamaneho. Ipinagewang gewang nito ang sasakyan upang walang madaanan si Mortell. Ngunit sadyang alam na alam ni Mortell ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon kahit pa siguro kasing liit ng butas nang karayom ang lagusan makakalabas parin ito.

Hindi nga nagtagal ay nalampasan niya ito subalit ang susunod na pangyayari ang hindi namin inaasahan. Napasinghap ako nang banggain ni Jarex ang likod ng sasakyan ni Mortell. Hindi pa ito nakuntento at mas nilakasan pa ito. Kitang kita naman ang hirap sa bawat pag-iwas ni Mortell. Nakatingin ako sa taga anunsyo at hinihintay na ipatigil ang karera ngunit nabigo lamang ako patunay na normal lang ang nangyayari.

Unwonted Series #1: ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon