•CHAPTER NINE•
Nagmamadali ako patungo sa room ko dahil late na talaga ako. Madami na ding estudyante ang nagrereklamo dahil nasasanggi ko sila. Humihingi na lang ako ng tawad sa kanila. Gosh! late na naman ako. Unang araw pa naman ng totoong klase. Kahapon kasi hindi naman nagklase kasi sabi ni HM. Pero ngayon sigurado na talaga ako na mali- late na ako. Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang biglang may pumatid sa paa ko na siyang ikinalaki ng aking mga mata dahil sa gulat. Napapikit ako dahil alam kong babagsak ako sa sahig. Alam kong masakit ang babagsakan ko pero napamulat ako nang maramdaman ko na may nabagsakan ako.
Narinig ko pa ang singhapan ng ibang estudyante na nasa hallway at nakita ang nangyari. Kahit ako ay nagulat dahil sa halip na sa sahig ako bumagsak ay sa matigas na katawan lang naman at ang malala pa ay nakalapat ang labi ko sa labi niya. Nanlaki talaga ang mga mata ko dahil sa gulat. Kita ko ang pagkunot ng noo niya, na halos magdikit na ang makakapal niyang kilay at ang pag- igting ng kanyang mga panga.
Mabilis naman akong nakabalik sa wisyo at saka nilayo ang aking labi sa kanya. Damn! That's my first kiss. Dali-dali din akong tumayo at sinalikop ang mga gamit ko. Rinig na rinig ko pa ang bulongan ng ibang estudyante na nakakita ng buong pangyayari..
"Gosh! Ang landi talaga.."
"Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang magpanggap na napatid siya para mahalikan lang si Prince Perseus."
"Gosh! Lagot talaga siya kapag nalaman ito ni Lady Hera."
"Ang mga common nga naman. Gagawin ang lahat, mapansin lang."
Hindi ko na pinansin pa ang mga bulongan nila at nagtatakbo na lang palayo. Sobrang kahihiyan na ang natamo ko kaya pinasya ko na lang na h'wag ng pumasok ngayon. Nakakahiya! Bakit kasi sa kanya pa?
Pero kung tutuosin ay wala naman talaga akong kasalanan. May pumatid lang talaga sa akin kaya nangyari iyon. Pero sino bang maniniwala sa isang katulad ko na common lang.
Hingal na hingal akong nakarating dito sa may garden. Napaupo ako dahil sa panginginig ng dalawang tuhod ko. Hindi ko talaga inaasahan na sa ganoong pagkakataon ko makikita si Perseus Onyx na iyon. Napaub-ob ako sa aking tuhod at hindi mapigilan ang hindi maiyak.
Nakakainis naman. Sana hindi na lang nangyari iyon. Kasi iniisip lang naman ng iba na sinadya ko yun kahit hindi naman. Pinilit kong pahidin ang mga luha saka ako umayos ng upo.
May nakita akong malaking puno at naglakad palapit doon. Sumandal ako saka tumingin sa langit. Sobrang ganda ng langit. Maaliwalas ang lahat. Habang pinagmamasdan ko and langit ay may narinig akong kaluskos kaya napatingin ako doon sa halamanan kung saan madaming bulaklak.
"Sino yan?" nag- aalinlangan kong tanong.
Umayos ako ng upo nang makakita ako ng maliit na puting buntot. Napakunot ang noo ko hanggang sa lumabas yung buong katawan noong hayop na nagtatago sa halamanan. Napamaang ako dahil hindi ko inaasahan na makakakita ako ng isang puting kuneho. Napatayo ako at dahan-dahang lumapit. Natatakot kasi ako na baka tumakbong ito palayo. Pero nakatitig lang ito sa akin kaya napangiti ako nang makalapit ako ng hindi siya tumatakbong palayo.
Hinaplos ko ang kanyang likod. Nakakatuwa naman kasi sobrang puti niya. Nang sa tingin ko ay kampanti na siya sa akin ay dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa pwesto kung saan ako nakaupo kanina. Pinatong ko siya sa hita ko at doon hinaplos ang kanyang katawan.
YOU ARE READING
MULTIVERSE ACADEMY: The Girl In Disguise
Fantasy|On- Going| Fantasy All Rights Reserved © 2021 by renhyuckdotae