PAGE 28

31 9 0
                                    



{JANNA VIRIOUS}


Nakauwi akong hindi magkamayaw. Natutulala sa bawat hakbang papasok sa loob ng bahay. Bakit ganon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganong pakiramdam. First kiss ko yon! At sya pa!


Papasok na sana ako sa loob ng napabaling ang tingin ko sa labas. Wala sya ron. Bakit ko naman sya hahanapin? Tsss... Kakainis naman. Nasa paanan ko si JJ at sumusunod lamang saakin.


Napainom ako ng tubig habang nasa kusina. Napapikit ako ng maalala ko yung halik nya saakin. Shit! Bakit ba sya nanghahalik?



Tumaas ako ng hagdan patungo sa aking kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot. Gusto ko nalang matulog! Gusto kong isipin na nanaginip lang ako. Pano ko naman masasabing panaginip yon? Eh dama ko nga! Darn it! Nakakainis.


Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa pag-iisip. Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Gutom nako. Nandyan na ba sya? Siguro tulog na? Alas nuebe na ng gabi. Siguro naman tulog na sya?


Walang tunog ang lakad ko ng lumabas sa aking kwarto. Binalingan ko pa ang kwarto ni Mama kung saan sya nakatukang matulog. Tahimik at wala akong marinig. Tulog na nga!


Nakahinga ako ng maluwag at naglakad patungo sa kusina. Naghanap ako ng makakain. Walang nakahain don. Kumain ba sya? Hindi man lang ako tinirhan ha!



Padarag kong nilagay sa stove ang kawali at nang gumawa yon ng ingay ay dinahan dahan kona. Mamaya't marinig nya pa at pumunta dito. Baka magtiis ako sa gutom non.


Pabalik balik ang baling ko sa kwarto nya. Tatanongin ko ba sya kung kumain na? Ano bang trato ang dapat? Anong gagawin ko bukas? Ganto rin ba? Hindi ba kami mag-iimikan? Shit! Ano ba yan!


Buti nalang tinuroan nya ko magluto ng itlog. Pero yon nga lang na-over-cooked. Napabuntong hininga nalang ako. Ganto ba talaga pag hindi sanay magluto? Masunog yong ilalim ng itlog. Shit!


Hindi nako nagsaing. Itlog nalamang ang kinain ko. Kinuha ko yong gardenia at nilagay ron ang itlog upang gawing palaman. Dinamihan ko nalang ang pag-inom ng tubig para mabusog.


Tumayo ako para sana maghugas ng pinagkainan ng mapatigil ako sa tunog ng motor sa labas. Napabaling ako sa kwarto nya. Yung tunog ng motor. Alam ko. Motor nya yon. Ninakaw ba motor nya? O may katunog lang syang motor?


Nilapag ko ang pinagkainan sa sink at naglakad patungo sa pinto. Sinilip ko ang labas mula sa bintana. Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto. Tumigil ang kabog ng puso ko sa kaba na baka magnanakaw. Tumigil ang hininga ko sa pag-aakalang ibang tao iyon. Pero hindi. Si Levios Everra ang nagbukas ng pinto. Mukhang kadarating lang nya.


Kaya ba parang walang tao sa kwarto? Ngumiti sya sakin. "Gising ka pa? Hinihintay mo ba ko?".


Nangangalaiti ang buong sistema ko sa sinabi nya. Nahiya pa ko dahil yon ang nasa isip nya.


Hindi ako nakapagsalita. Bumaba ang tingin ko sa labi nya. Biglang sumagi sa isip ko yong ginawa nyang halik saakin.


Naglakad sya patungo sa kusina. Nilapag ang dalang nasa supot. Kadarating lang nga nya! Nangangamoy ang inihaw na manok na kanyang dala.


"Kumain kana pala? Sorry. Natagalan ako." Anya.


Naglakad ako patungo sa hagdan. Bawat hakbang nanginginig ang mga binti ko.



"Kain ka ulit..." Anyaya nya ngunit hindi kona nilingon.


Mabilis akong pumasok sa kwarto at napahilamos ng mukha. Nagtoothbrush narin ako at nag-haft bath.


PAUBAYA [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon