Chapter 07

32.1K 704 205
                                    

Chapter 07

Naka-suot na 'ko ng uniform, pero nagawa ko para ring humilata sa kama. I'm thinking of the day that will greet me. Makikita ko kaya si Dion ngayon?

Mag-uusap kaya kami?

I'm sure that day, he saw me with Tyron. Kakausapin niya kaya ako? Kakausapin ko kaya siya? Can I stand confidently in front of him?

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako roon. Sumilip si daddy at awtomatikong ngumiti nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Darling, sorry I can't send you to East Edison today. I'm in a rush, mala-late ako kapag hinatid kita." He informed me, pouting at me.

Bumangon ako para maharap siya ng maayos.

"No worries, dad. Magco-commute na lang po muna ako."

"Okay?"

I smiled once again then waved my hand to him.

"Bye, Dad!"

"Where's my kiss?" Tinuro niya ang kaniyang pisngi.

Lumambot ang mukha ko at tumayo, bahagyang inaayos ang palda kong nalukot. I hugged dad as I patted his back then leaned to kiss him on his cheek.

"Ingat po. Love you." I said sweetly.

"Love you too, baby." I smiled and watched daddy leave while leaning against the door, holding the knob.

Tanaw ko ang likod niya hanggang sa marating niya ang sala. Mommy gave him his coat and they kissed each other, just a quick kiss and he finally left.

I closed the door and sat back on my bed. Ilang minuto lang ay tumayo na rin ako, nagpa-alam kay mommy na papasok na. Paglabas ng subdivision ay huminto ako sa ilalim ng waiting shed para mag-abang ng jeep. Pag-para ko, umakyat ako agad sa jeep na huminto sa tapat ko at unang nakita ng mata ko si Lure.

He's in a white uniform.

May name tag pa sa dibdib niya at basa ko ang naka-sulat doon na:

Pineda, Lure Rouze M.
Bachelor of Science in Biology.

Siya ang umurong kaya naupo ako sa tabi niya.

The jeepney driver began driving, and so my hair automatically spread like pasta dropped into a pan when the wind hit me.

Hinuli ko ang dulo ng aking buhok at ang iba ay si Lure na ang gumawa. He held the ends of my hair and then he didn't give it instantly to me, hinintay niya pa akong ayusin muna ang iba bago niya tuluyang inabot ang dulo ng aking natitirang buhok.

"Thank you." I smiled warmly at him.

"Nag-je-jeep ka pala?" tanong niya.

"Minsan."

"Hindi halata."

"Ikaw? Araw-araw ka bang nag-co-commute?" tanong ko na inilingan niya.

"I have a motorcycle. Ginamit nga lang ni kuya ngayon kaya nag-commute na lang muna ako."

"Saan ka ba nakatira?" I asked.

"T.X Cruz."

My brows rose after hearing him. Medyo malayo, ah? Sa kabilang City pa pala siya. Siguro ay pangalawang sakay niya na ng jeep ito.

"So how are you? Kayo na ba ni Dion Andrius?" Interesadong tanong ni Lure. Napa-iwas ako ng tingin.

I'm confused if I should answer him or not. It's simple and easy. But that's private information that should not be leaked. A must-keep. Kahit na walang kami ni Andrius.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon