Chapter Four

2K 135 416
                                    


"Salamat talaga Heeseung siguro kung hindi ka nagpanggap na ama ng dinadala ko baka hindi na nila ako matatanggap,"

Halos maiyak na ako habang nagpapasalamat kah Heeseung. Hindi ko rin talaga alam kung bakit nitong mga nagdaang araw eh napakaiyakin ko. Hindi naman ako ganito dati. Pati ata yung chocolate na gusto kong kainin na kinain ni Herianne, iniyakan ko. Mabuti nalang to the rescue itong si Heeseung, bumili nalang ng bagong chocolate.

"Sus, wala yun. Para saan pa babat naging magkaibigan tayo ng 16 years? Hahaha tsaka isa pa, sino naman may sabi sa'yo na hindi ka nila matatanggap? Ang ate mo nga natanggap nila eh, ikaw pa?"

Bumuntong hininga nalang ako bago inumin ang gatas na tinimpla niya para saakin. Sabi kasi ng OB gyne ko, kailangan ko daw uminom ng gatas at kumain ng healthy foods para sa ikabubuti ng anak ko. Umiiwas na rin muna ako sa pagkakape at pagkain ng junk foods-sana naman wala akong mapaglihiang kahit anong junk food huhu.

Bigla namang nanuyot ang lalamunan ko at parang may gusto akong kainin na kung ano. Hindi ko alam pero natatakam talaga ako ngayon, parang may gusto akong kainin eh.

Parang gusto ko ng matigas tsaka mahaba.

"Heeseungggg~" pangungulit ko sakanya pero hindi niya ako pinansin dahil may ginagawa siya sa laptop niya.

"Heeseungggg~" pangungulit ko pa sakanya pero this time yumakap na ako sakanya kaya iritado niya akong hinarap.

Aba, siya pa nagalit huwag niya akong susubukan ah.

"Gusto ko ng matigas tsaka mahaba-"

"What the..."

"Di pa ako tapos tanga neto nagrereact kaagad! Gusto ko ng turon!" napalunok nalang ako at naimagine ko yung turon. Jusko, nagugutom na talaga ako.

Napasimangot naman siya at sinarado ang laptop niya."Seriously Manteng? Saan naman ako makaahanap ng nagtitinda ng turon sa ganitong klaseng oras? Ala-una na oh!"

Ano ba yan! Gusto ko na talaga ng turon! As in! Now na! Baka kasi bukas mag-iba trip ng dila ko tapos bukas ibang pagkain na yung gusto kong kainin.

"Ihh~ sino ba kasi nagsabi sa'yo na bibili ka?! Syempre saging lang tsaka wrapper! Gusto ko ikaw magluto!" sabi ko sakanya kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Ramen nalang lulutuin ko-" binato ko siya ng unan at tiningnan ng masama. Parang ewan naman 'to! Sabi ko turon gusto ko tapos ramen ang lulutuin? Bungol lang?

"Sinabi ko bang ramen ang gusto ko? Sabi ko turon eh!" nagpout pa ako para effective pero mukhang hindi talaga eepekto ang ka-cutan ko sa kaibigan ko dahil tumayo na siya at iniligpit ang laptop niya.

Napasimangot naman ako at humiga na ulit. Tinalikuran ko siya at nagtalukbong ng kumot. Nakaainis eh! Yun lang naman gusto kong kainin! Ipagkakait pa?!

Napatanggal ako ng pagtatalukbong ko ng comforter dahil biglang nagsalita si Heeseung. Kung kanina ay nakasando at jersey short lang siya, ngayon ay nakasweat pants at hoodie na siya.

"Ano pang ipapabili mo? Bilis, para mahanap ko na. Inaantok na ako" reklamo niya habang inilalagay ang wallet niya a bulsa ng sweatpants niya.

Sandali naman akong napaisip.

Ano pa nga ba ang gusto kong kainin bukod sa turon?

"Ah! Alam ko na! Gusto ko ng hotdog! Yung inihaw tapos gusto ko ikaw din ang magluto nun! Bilhan mo rin ako ng leche flan, kambal na saging, langka, strawberry jam, tapos gusto ko din pala ng bibingka" tuloy tuloy na sabi ko habang iniimagine ang mga pagkain na hindi ko naman kinakain noon. Ewan ko ba, bakit bigla kong natipuhan kumain ng ganun.

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now