Kabanata 9
Totoong napakaganda ng dagat dito. Malinis ang kapaligiran at hindi masyadong matao. Para talaga itong tagong paraiso. Tinawanan lang ako ni Kalev nang ilang beses kong purihin ang kagandahan ng paligid. Palibhasa naka ilang punta na siya dito. Sino kayang kasama niya?
Binabawi ko na ang sinabi kong di matao ang paraisong ito dahil isang room nalang daw ang available sa mga oras na ito. Kaya siguro kulang ang mga tao sa labas dahil nasa loob ng kani-kanilang room. Wala kaming nagawa ni Vince kundi magsama sa iisang kwarto. Ayos lang naman sakin pero parang ayaw niya.
"Ayos lang ba talaga sayo, babe? Kung naiilang ka, gagawa ako ng paraan para makahanap ng ibang room." kumakamot sa ulong sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ayos nga lang sakin. Bakit naman hindi? Baka ikaw yung naiilang ah."
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Mukha siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.
"Hindi ako naiilang. Ikaw lang talaga ang inaalala ko. Baka iba ang isipin mo." sabi niya habang nakatingala siya sakin.
Nakaupo kasi siya sa sofa habang ako naman ay nakatayo sa harap niya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.
"May tiwala ako sayo, okay? Alam ko namang wala kang gagawing ikagagalit ko right?" nakangiting sabi ko at tumango naman siya.
Wala naman talagang kaso saking isang room lang ang tutuluyan namin. Hindi naman ako yung tipo ng babae na nagpapabebe lalo na sa mga ganitong sitwasyong iisa nalang ang available na room.
Bat ko pa papahirapan ang boyfriend kong maghanap ng ibang room kung pwede namang sa isang room nalang? I mean, mas maganda nga to para malaman niyo kung naiilang kayo sa isa't isa. Mabuti nang habang mas maaga pa lang ay alam niyo na kung magiging komportable ba kayo o maiilang.
"Ngayon na ba tayo magsi-swimming?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Pagkatapos nating kumain. Magbibihis ka pa ba o diretso na tayo sa resto?"
Umiling ako at hinila na siya patayo.
"Tara na, nagugutom na rin ako."
Inakbayan niya ako at naglakad na kami papuntang resto. Habang naglalakad ay napapansin ko ang mga tingin ng mga babae kay Kalev. Bawat babaeng nahuhuli kong nakatingin sa kaniya ay iniirapan ko. Nakikita na nga nilang may kasama tas lantaran pa silang nakatitig. Yan ang kinaiinisan ko sa lahat.
Nang nakarating na kami sa resto ay agad na kaming kumain. Nakakagutom ang byahe kaya wala munang landi landi. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa room para makapagpalit ng pampaligo. Siya muna ang pinauna ko sa banyo dahil ayokong may naghihintay sakin.
"Babe, rashguard ba susuotin mo?" tanong ni Kalev nang makalabas na siya sa banyo.
Nakasuot siya nang kulay itim na trunks na talaga namang bumagay sa kanya. Nagmukha na naman siyang international model. Sana all nalang sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi, magt-two piece ako. Sayang naman yung binili ko diba?"
Hindi naman ako conservative na tao, hindi din liberated. Confident lang akong ipakita ang katawan ko. Karapatan nating mga kababaihan na isuot ang mga gusto nating isuot.
Tumango lang siya sakin kaya dumiretso na ako sa banyo. Mukha namang nagtatanong lang siya at walang balak na pakialaman ako sa susuotin ko. Nang natapos ako sa pagbibihis ay lumabas na ako. Tinakpan ko lang ng sarong ang katawan ko.
"Marunong ka bang lumangoy, babe?" tanong sakin ni Kalev.
Naglalakad na kami palabas habang magkahawak ang mga kamay. Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang tanong niya.
"Hindi, turuan mo ko ah?" nakangusong sabi ko.
Napahalakhak naman siya at pinisil ang pisngi ko. Napangiwi ako kasi pinanggigilan niya pa ito. Pagkatapos ay bigla niya akong hinalikan sa labi.
"Syempre naman babe, sabay tayong matututo okay?" natatawang sambit niya.
Kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil niloloko na naman ako. Ang lakas makatawa tapos di rin pala marunong. Napailing nalang ako sa kanya. Nang makarating kami sa tabing dagat ay napansin kong halos mga kaedad namin ang mga tao. Kitang kita ko ang tingin ng mga babae kay Kalev. Napakagwapo namin kasi nitong singkit na to. Hindi ko nalang pinansin ang mga masasamang tingin nila sakin. Inggit lang sila kasi ako ang kasama ng pinagpapantasyahan nila.
"Babe, ang daming nakatingin sayo." nakangusong sambit ni Kalev.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka sayo?"
Totoo naman kasing sa kanya. Bat niya binabaliktad? Napailing nalang ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Natigilan ako at tinignan siya ng masama.
"Kamay mo mister?" sarkastikong sabi ko.
"Para malaman nilang akin ka. Sarap sapakin ng mga lalaking nakatitig sayo." umiigting ang bagang na sabi niya.
Napanganga ako sa pagiging possessive niya. Seryoso ba tong singkit na to? Akala ko pa naman wala lang sa kanya. Hindi ko mapigilang kiligin. Nakapalibot sa bewang ko ang braso niyang inaangkin ako. Napangisi nalang ako sa naiisip ko. First time ko kasi siyang nakitang nagseselos.
Naramdaman ko ang malamig na tubig nang nagsimula kaming maglakad sa dagat. Napatawa nalang ako kasi excited na akong maligo.
"Diba di ka din marunong lumangoy?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Dire diretso kasi siya sa malalim na parte.
Napangisi lang siya sakin. Tumigil ako nang maghanggang dibdib ko ang tubig. Masaya kong sinaboy saboy ang tubig sa hangin. Para na akong batang naglalaro dito. Napatili lang ako nang may humila sa paa ko kaya napalubog ako sa tubig. Kumalma lang ako nang binuksan ko ang mga mata ko sa tubig.
Nakita ko si Vince na nakangiti sakin. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko habang magkatitigan kaming dalawa. Sobrang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Sana tumigil nalang ang oras. Hinihiling kong tumigil nalang ang oras kasama ang lalaking mahal ko. Mahal na mahal.
Naglapit ang aming mga mukha hanggang sa naglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Napapikit nalang ako habang dinadama ang mararahan niyang halik. Ilang minuto ang tinagal ng aming halikan hanggang sa humiwalay siya. Agad akong napaangat sa tubig at dun ko lang narealize na nasa malalim na parte na pala kami.
"Kalev Hanz! Malulunod ako!" Nagtititili ako habang nakakapit ng mahigpit sa kaniya.
Narinig ko lang siyang humalakhak na mas lalong nagpa init sa ulo ko. Ilang mura na ang binitawan ko hanggang sa hinalikan na naman niya ako.
"Easy ka lang babe, andito ako. Hindi kita pababayaang malunod. Mauuna muna ako okay?" nakangiting sambit nito habang nakatitig sakin.
Inirapan ko na lang siya. "Akala ko ba di ka marunong lumangoy?"
"Kanina ko lang natutunan, babe. Madali lang pala, no?"
Napailing nalang ako sa kalokohan niya. Niloloko na naman ako ng singkit na to. Imposible namang ngayon niya lang natutunan ito.
"Baliw! Pag ako talaga nalunod dito. Patay ka sakin." nagbabantang sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako ulit. "Anong sinabi ko tungkol sa pagmumura mo?" naniningkit ang matang tanong niya.
Naiiling na hinalikan ko siya. Siya at ang walang kwenta niyang batas. Nang akmang lalayo na ako ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinalalim ang halikan naming dalawa hanggang sa lumubog ulit kami sa ilalim ng dagat.
BINABASA MO ANG
Turn of Fate
RomanceA single turn of fate can change a life trajectory. a novel written by whimsilly