Nagising si Elmo na wala si Julie sa tabi niya. Oo, magkatabi silang natulog. Syempre hindi na naman natiis ni Julie si Elmo nang magpumilit itong pumasok sa kwarto niya. Masyado siyang nadadala sa charms ng binata.
Tumayo si Elmo at lumabas ng kwarto. Nakaboxers lang siya at hindi na nag-abala pang isuot muli ang khaki pants at polo shirt na suot niya kagabi. Kinukusot niya ang kaniyang mga mata habang naglalakad papunta sa living room.
"Babe?" Tawag niya kay Julie.
"Kitchen!" Rinig niyang sigaw nito.
Tumungo siya sa kusina at nadatnan si Julie na nagluluto.
"Morning, Baby." Bati niya kay Julie. He went close to her then hugged her from behind saka pa hinalikan ang nobya sa sentido nito.
"Goodmorning." Sambit ni Julie na nanatiling nakatingin sa niluluto.
"Wala akong kiss?" Angal ni Elmo.
Natatawa namang nilingon ni Julie ang kasintahan at hinalikan ito sa pisngi. "Goodmorning, Baby ko! Okay na? Haha."
"More than okay, Babe." Sagot ni Elmo. "Hm.. Parang marami akong makakain ngayon ah.." He said as he kissed her neck.
"Haha. Syempre naman, ako nagluto eh." Pagmamayabang ni Julie.
"Uh.. Edible ba yan, Babe?" Biro ni Elmo.
Kinurot naman ni Julie ang binata sa tagiliran nito. "Ah ganon? Huwag kang kakain ah." Sabi niya nang nakataas ang kilay.
"Haha. Joke lang, Baby. Kahit sobrang toasted pa yan, or maalat, walang lasa or anything! Basta kakainin ko yan." Pang-uuto ni Elmo.
"Kung sunugin ko kaya talaga 'tong ham and egg? Hm?"
"Joke lang ulit. Hehe."
Tiningnan ng mabuti ni Julie ang mukha ni Elmo. "Babe, pwedeng magwash up muna." Sabi niya na tumataas pa ang mga kilay. "May muta ka pa oh." Sabay turo nito sa mga mata ng binata.
"Haha. Sorry, I was excited to see you eh. Iniwan mo ko sa room mag-isa. Do you have an extra toothbrush?"
"Sa bathroom, meron. Hanapin mo nalang. And please, wear your shirt ha. Ayoko ng distraction habang kumakain." Natatawang sabi ni Julie.
"Haha. Yes, Captain!" Sagot ni Elmo sa kaniya at sumaludo pa.
~~
"Babe, yung tungkol sa resto.."
"Ano yung tungkol dun?"
"You said you're a policeman.. And yung sa resto.. Uh.."
"Babe, sakin na talaga ibinigay ni Dad yung branch na yun." Sabi ni Elmo.
They are having their breakfast at medyo nagmamadali sila dahil may kaniya-kaniya silang trabaho. Kinwento ni Elmo sa kaniyang kasintahan ang lahat ng tungkol sa trabaho niya. Kung anong posisyon niya, saan ang headquarters at kung ano ang ginagawa niya sa duty.
"Really? How could you do that?" Manghang tanong ni Julie. "I mean, hindi ka ba nahihirapan? You have a duty and after that, sa resto naman?"
"Hm.. Hindi naman. Kapag maagang natatapos iyong duty ko, sa resto na ang tuloy ko. Then pag walang duty, whole day ako sa office." Paliwanag nito. "Saka sobrang hands-on yung manager ng resto ko eh. Hindi na ko masyadong nahihirapan."
Napakunot-noo naman si Julie nang banggitin ni Elmo ang salitang 'manager' tila alam niya na kung sino ang tinutukoy ng binata. "Uh.. Is that the girl you hugged when Alden and I were there?"