ZAIREL'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa LocuMocu Cafe na pinatayo namin ng mga kaibigan ko. Dito din kami lagi tumatambay.
Saksi itong cafe na ito kung paano ako iniwan ni gwen. Kung paano ako umiyak sa balikat ng mga kaibigan ko.-------FLASHBACK-------
"Zairel i think we need to stop this"
Napatingin ako kay gwen dahil sa sinabi nya at nag tatanong na tumingin sa kanya.
"What do you mean?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanya pero...
Sya hindi na nya kayang tumingin sa akin.
"I need space." Tumingin sya sa gilid nya at parang may tinitignan sa labas ng cafe. Meron akong nakitang lalake na nakatingin sa amin. Pero pinagsawalang bahala ko nalang yun. Baka nag kataon lang na nakatingin din dito yung lalake
"You need space? Oh ayan space" Umusod ako para mag bigay ng space sa kanya pero tinignan nya lang ako at sinabing...
"Don't act like that zairel! Ginagawa mo lang tanga yung sarili mo! Alam kong alam mo yung ibig kong sabihin! I need space zai! I need a fucking space!"
Dahil sa pagtaas nya ng boses pinag titinginan na kami ng mga tao sa loob ng cafe. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ohhh sorry. Pwede naman nating pag-usapan ito love.wag naman na makikipag hiwalay ka nalang sakin. Tell me what's wrong?" Maiiyak na ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pero pinipigilan ko lang baka kasi pinaprank nya lang ako.
"What's wrong? Nakakasakal ka na zairel! Ang dami kong hindi pwedeng gawin! Bawal akong lumabas nang hindi ka kasama! Bawal akong makipag bonding sa mga kaibigan ko! Bawal akong magsuot maiksing damit! Zairel mas kumportable ako sa ganung damit!" Sigaw pa nya. Hindi ko na napigilang magalit dahil napaka babaw lang ng mga dahilan nya.
"Ayaw ko lang mabastos ka gwen! Ayokong mapahamak ka! Lalot wala ako sa tabi mo! Ayokong mawala ka sakin gwen! Mahal kita! Mahal na mahal!" Di ko na din napigilang sumigaw dahil nadala na ako ng galit ko.
Pumasok naman yung lalaking nakatingin kanina sa amin at lumapit sya kay gwen at inakbayan pa nya ito. Nagulat ako sa ginawa ng lalaki at mas nagulat ako ng halikan sya nito.
Sa harap ko pa talaga sila nag lalandian?
Tangina naman!
"Kami na ulit ni Rowan. Kaya pls lang. Mag hiwalay na tayo. Yung dalawang taon na relasyon natin kalimutan mo na yun. Dahil panakip butas lang kita"
Dahil nadin sa gulat ko sa mga nalaman ko di ko na napansin na nakalabas na pala sila ng cafe.
-----PRESENT-----
Tumulo nanaman ang luha ko dahil sa nakaraan.
Kailan ko kaya makakalimutan yung mga sakit na dinulot nya sa buhay ko?
Ang tagal na kasi eh...1 year na yung nakalipas.
Hays pagod na ko.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naiisip ko
"Ang lalim naman nun, mahal. Hahahahaha may pinanghuhugutan ka ba?"
Dahil sa mga naiisip ko di ko na namalayan na nandito pala si ivory sa harapan ko.
Pero naisip ko yung plano ko kaya hinalikan ko sya sa labi na ikinapula ng mukha nya.
Di ko naman mapigilang mapangiti dahil sa kacutan nya.
"Wala naman mahal... iniisip ko lang kung paano tayo gagawa ng baby." Sabay kindat at ngiting pamatay or makalaglag panty hahahahahahaha
Lalong namula si ivory dahilan para matawa na ako.
"Ano ka ba! Baby agad! Aral muna tayo noh! Tsaka bata pa tayo! Aral muna bago honeymoon! Di pa nga tayo kasal baby agad iniisip mo!" Alam kong dinaan nya nalang sa pagsusungit nya kilig na nararamdaman nya.
"Sige na nga! Ano ba gusto mong kainin?"
"Ikaw" bulong nya pero narinig ko naman hahahahahhaha
"Ano? May sinasabi ka? Pakiulit nga" kunyari labg na di ko alam hahahahahahaha
"Wala! ChocoCake nalang ang order ko!" Sungit naman ng mahal ko hahahahhahahaha
Marami pa kamin napag usapan! Tungkol sa life.... sa school.
Sige lang ivory...... konting panahon nalang mahuhulog ka na din sa akin! -my loka lokang mind

BINABASA MO ANG
I NEED YOU MORE TODAY
RomanceGxG story Basta basahin nyo nalang. -YOUR TIBONG AUTHOR