꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 丅ᖇᗴᔕᒪᗩ ᗪᎥᐯᗩ
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Ang aming paningin ay kumanan nang dahan-dahan, minamasdan, nilalapitan ang mala-gayumang pagpupugay ng isang restawran. Sa tuwing iyon ay daraanan, titingnan agad kada sibilyan ang mga pulang laryo niyong nagpaparisan.
Kung titingnan naman ang karatulang naggagandahan, mapapansin ang nagsasayawang ilaw sa likuran. Dinatnan na kami ng buwan kaya dapat ilawan ang lansangan.
Sapagkat pinalamutian, mistulang ikinariton ng mga bloke ang mga pasong naglalaman ng ornamental na halaman.
Bumagal ang sasakyan. Sa kabila ng pagbubula ng katubigan sa aking tiyan, uminit ang aking puwetan sa matigas na foam ng upuan. Trapik kasi sa bandang simbahan kaya natagalan.
Kanina pa ako nilamigan. Katabi ko kasi sa ikod si Jaxo'ng aking pakakasalan. Kung aking hihinaan ang nakatungong aircon, e, nakahihiya naman. Guwapo kasi siya at madalas pagpawisan.
Noong oras na iyan, ako ay na-awkward-an. Inalalayan ng kaba ang tensiyong nagpakislot sa aking kalamnan.
Si Paolo kasi ay nakaupo sa pinakaharapan, minamaneho ang sariling van habang matalim kaming tinitingnan!
Dahil diyan, ako ay inulanan ng kabagabagan! Ang mga butil ng pawis sa sentido ay nagdausdusan, ipinanganak sa nagbabantang hidwaan. Hindi inalintana ng likidong iyon ang mababang temperaturang kinalagyan. Para hindi maging apektado ay agad ko iyong pinunasan.
Hinagod ng aking hinlalaki ang magaspang na palad ni Jaxon, inaakit ang kaniyang pagkamatipuno!
Pinanliitan ko iyon ng mata. Maraming linyang pakurba! Ano kaya ang kapalaran niya? "Beh," tawag ko sa kaniya, pinahahagkan sa kaniyang balat ang nakahihikayat kong hininga.
Since narupukan, ako ang kaniyang nginitian. Ang nangintab niyang ngipin ay tila nabuhayan sa kaligayahan. "Yes? Is there a problem, my fiancée?" At saka niya pinindot-pindot ang mala-unan sa lambot kong kamay, pinapatulan ang tamis ng aking paglalambing!
Tulad ng panakip-butas, ibinuhos ko sa kaniya si Balisang hindi maawat!"K-K-K-K-K-Kinaka-k-k-k-k-kab-b-b-bahan ako." Parang i-fr-in-eezer sa lamig ang nanginig kong boses! Ginaya niyon ang katawan ko ring naginaw na kulang na lang ay iyong init ng kaniyang yakap para naman ay may pan-jacket ako!
Dumaluhong ang malasakit sa umaliwalas niyang mata. "Why are nervous?" aniya bago kapain, suriin ang nagpapabagabag sa suot kong skater dress. "Malapit na nga tayo, e. Bakit kung kailang malapit na tayo saka lang nagreklamo katawan mo?" Sumimangot siya, hawak pa rin ang nanlamig kong kamay.
Tumuwid ang postura ko, pinatatahimik ang balisang namuno sa aking sistema. Bumaba ang aking tingin sa denim jacket niya. Nakabukas ang zipper niyon para maipagmalaki ang T-shirt na Faith Over Fear.
BINABASA MO ANG
Kismet's Gamble(First Chapters Under Revision)
Teen FictionIn an ordinary world where life was not in his favor, Ravier Salazar took a dramatic bellow as he had enough of this one-sided discrimination. With such great lengths of his passionate love, he was driven to love a handsome man who already had someo...