I used to think that dreams do not come true,
But this quickly changed the moment when i laid my Eyes on you...***
"Congratulations,Miss Collser."bati sakin ni Mr.Cartwright na isa rin sa mga businessman na kilala ko.habang nakikipagshake hands sa akin.
"Thank you for the greetings Mr,Cartwright.
and also thank you for coming here."nakangiting sagot ko dito bago kami nagbitawan ng kamay."My pleasure..Sino ba namang gustong maka-miss sa exhibit ng isang magandang dilag?of course wala.hahaha!"tawa nito.Na ikinatawa ko rin.
Iba talaga ito kung magsalita,Akala mo naman ay nasa edad Forty na ito pataaas.Pero hula kong nasa 25 plus or 30 years old pa lang naman ito.
Kaidad ni kuya."Congratulations.."pagbati naman ng mga ibang taong hindi ko gaanong kilala,kung kaya't napapatango nalamang ako sa mga ito habang nakangiti na tinatanggap ang kanilang pakikipagkamay.
"Oh,Thank you.."sagot ko sa mga ito.
Bago naglibot ng tingin sa buong paligid at nakita ko sila mommy at iba ko pang kamag-Anak na kumakaway,di kalayuan.
Napatingin naman ako sa kasama.
"U-uh please Excuse me Mr. Cartwright.You know,My families are waiting me there."sabi ko dito ngunit pasulyap-sulyap sa mga pinsan."Oh,Sure..go a head.Maglilibot na lamang ako dito.Tutal hindi pa naman ako nakakapaglibot.
But from on,Please don't call me by my surname.Just call me Devard."
nakangiting sabi nito"Sure,devard.."ngumiti naman ako dito bago umalis.
"Congratulations.. architect."
"Thank you..salamat sa pagpunta."
"Congratulations."
"Salamat.."
Bati ng iba sa mga nakakasalubong ko na malugod ko namang tinatanggap.bago makarating sa kinaroroonan nila mom at dad.at ng ka-pamilya.
Lumawak naman ang ngiti ko ng makitang nandoon ang mga magaganda at gwapo kong mga pinsan.Hindi lang kasama ang mga bata nitong mga kapatid dahil baka mawala sa dami ng tao.
Niyakap ko naman ang mga ito isa-isa.ang mga kapatid nila mommy at daddy,maging ang mga pinsan ko na bumabati rin sakin.
Lumayo layo naman ang mga matatanda samin dahil sa pakikiusyoso sa iba at mga nakakausap na kakilala.
Well,hindi ko naman iyon ikagugulat.dahil mga kilalang tao rin sila noon na kilala sa larangan ng pagpapatakbo ng business.
Kung Kaya't marami talaga silang kakilala na paniguradong dumalo dito."Zia..oh my god.i didn't expect the sudden Increase of the well-known millionaire and billionaire tycoons here..this is new."Masiglang sagot ni Palette sakin.
"Yes..Zia.This is Very Rare.Dahil maraming Mga businessman at businesswoman ang naririto ngayon.ang iba pa sa kanila ay galing pa sa malalayong lugar na dumayo pa para makapunta lamang rito sa Exhibit mo."sabi naman sakin ni kuya Wenclark.
Napatango-tango naman ako.
"Nakakapanibago nga kuya.Ang dami nila ngayon."sagot ko ng mahina.
"Maybe they have a Huge interest on the painting that you painted.Lalo na ngayong nalaman nila kung anong meaning ng mga iyon.
Hula kong maraming lalahok sa Bidding."sabi naman ni kuya Hussein sakin habang nakaakbay sa aking balikat."Ah..sana nga.."sabi ko.
Ginulo naman ni kuya Syvher ang buhok ko kaya naman ay nakasimangot ko naman itong inayos."I-tour mo naman kaming mga pinsan mo.."sabi ni kuya Ocher
Ang daming lalaki sa pamilya Collser.
Grabe,kaming dalawa lang talaga ni Palette ang babae.Kung kaya't over protective ang mga ito saamin.lalo na si kuya Hussein na kuya ko.Napahagikhik naman ako.
"Sure.."nakangiting sagot ko sa mga ito.
"Wow,What is that?"turo ni palette sa isang painting
Bago hinila ako papunta roon.May nararamdaman akong mga matang mariing Nakatitig sakin.At alam kong mula umpisa pa lamang ay nakakaramdam na ako ng ganitong kakaibang pakiramdam.Na parang may nagmamasid sa bawat galaw ko.
Pinanayuan naman ako ng balahibo..
Ngunit hinila naman uli ako ni palette..
Sumunod naman samin ang mga pinsang lalaki na animo'y para kaming ginagwardiyahan.
"Ano ito?Oh my gosh,ang ganda!"malakas na sabi nito bago tumawa.
"I called it Maskman.."sambit ko.
"The innocent with the Devil Face?"tanong sakin ni kuya Pierce.Sumangayon naman ako sa kanya.
"Yes..dahil lahat sa atin ay may kinukubling Ugali.At Lahat tayo ay may mask,upang itago ito.O itago ang tunay nating nararamdaman.Ang iba naman ay may pinapakitang inosenteng mukha,Ngunit sa kabila noon ay may nakatagong palang totoong ugali."sagot ko dito.
"Nice.."
"My sister is so smart..No doubs."Nakangising sabi ni kuya at sinamaan ko naman ito ng tingin.
Maskman..Isa kasi itong painting ng isang lalaking nakangiti ng inosente.
habang may hawak-hawak na maskarang may sungay,mukha niya rin iyon.ngunit ito naman ay nakangisi."The paintings are all pretty.Gusto ko ring makatanggap ng ganitong regalo mula sayo sa nalalapit na birthday ko ah?"sabi naman ni palette at ngumisi naman ako.
"No problem..lahat kayo meron."sabi ko sa mga ito na ikinahiyaw nila.
"Whats Your motif?"tanong naman ni kuya Shin.
Hindi na ako magtataka kung maraming makukuryuso at titingin sa amin.dahil Mahigit Sampung lalaki ang mga pinsan naming nakasunod saaming likod ni Palette.Idagdag mo pa ang
Mga kapinsanan ko sa side ni dad.Inilibot ko naman silang lahat at pinakilala ang mga ipininta ko.
Hanggang sa pinapaupo na ang lahat dahil mag-uumpisa na ang bidding.At kasama ako sa taong magpapa-Auction nito sa Stage.
Binulungan naman ako ni Tracy,Isa sa mga kaibigan kong nagvolunteer na mag-emcee.
"Mag-s-start na ang bidding.Maghanda kana dahil tatawagin kita sa Stage."sabi nito.Tumango naman ako.Bago siya umakyat sa stage.
"Good Evening Ladies and Gentleman..Thank you for your presence here,And Also,thanks to The owner of the different company Who Sponsored these Exhibit.
Let's give them a round of applause!
Mr.Rim Mcknight,The owner of Oil Corporation.
Mr.Ken Alcocer,Of the Shipping Inc.
Mrs,Praia Lim,of the Clothing Company.
Mr.Oshen Esteves,of the Construction company,And the last special Person who Sponsored the exhibition.
With the name of the Thirteen 5 star malls Company in asia,BloodyWine company,5 Star hotel company,and the worldwide Cars inc..Let's give him a round of applause..Mr.Venrickzen Dietrich!"
Nagsitayuan naman ang lahat at umugong ang napakalakas at masigabong palakpakan.
habang ako ay parang napako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang lalaking Pinagtataguan at iniiwasan ko ng Limang taon..Ang lalaking bestfriend ko noon...at ang lalaking minahal at minamahal ko magpahanggang ngayon.
Kumabog naman ng mabilis ang aking puso ng magtama bigla ang aming mga mata..
Imposible!Narito siya!
At Nakita niya ako!Umiwas naman ako ng tingin ngunit hindi parin nawaglit sa isip ko ng Makita ko siyang ngumisi sakin.Gamit ang peripheral vision ko.
Anong ikinatutuwa niya?!Dahil nakita niya akong umiwas?dahil may apekto parin siya sakin?!
*I sighed deeply*
Guni-Guni ko lang siguro..
"And now lets all welcomed and give her the biggest applause,Miss.Architect Fanzia Silvanna Collser!"sabi ni tracy kung Kaya't maslalong umingay ang hall at lumakas lalo ang kislapan ng camera.
Ngumiti naman ako sa mga ito habang naglalakad papunta sa may stage.
Pinigilan ko namang huwag kabahan ng makatuntong na ako roon.Ngunit hindi sinasadyang muling masulyapan siya na mariing nakatingin sakin habang magkasalikop ang dalawang braso at prenteng nakaupo ngayon sa pinakaunahan.
Iniwas kong muli ang aking tingin bago huminga ng malalim at ngumiti.
Pinindot ko naman ang button sa Remote control,kung saan nagkaugnay ito sa screen.Lumabas naman doon ang picture ng painting.
"This is the Crecent moon..this painting represents Love and trust.With the two lovers underneath the night sky.While watching the moon and the stars."maikling lintanya ko bago nagpatuloy.
"So let's start the bidding for the Crescent Moon painting.The price starts in 50,000 Pesos!Anyone?"Malakas na sabi ni Tracy kung Kaya't nag-ingay lahat.
"100 thousand!"
"150 thousand!"
"200 Thousand pesos!"
"Anyone?"tanong ni Tracy sa mga ito at wala na muling humabol.
"So,Mrs.Garcia Won!"masayang sagot naman ni tracy.
Napangiti naman ako at nakisabay sa palakpak.
Pinindot ko muli ang remote at lumabas doon ang Maskman.
Nagsinghapan naman ang iba.
"This painting called Maskman..it represents the Real identity or the real Trait of a man or a human.
That starts with a Quote:Some Innocents are not True Innocent.Some devils are not a real Wicked.
That All of us wear a Mask,to hide our true identity.or To hide our Feelings...So,This painting starts in 100,000 pesos.."ani ko at marami namang tumayo.
"200 thousand!"
"500'000 pesos!"
Bahagya naman akong nagulat doon.
"700 Thousand!"
"1 Million!"sambit ng isang matanda na nasa 40's siguro na nakasuot rin ng suit katabi ni Venrickzen.at mukha itong Lawyer niya..
Habang si venrickzen naman ay nakatitig lamang saakin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
Akala niya hah..
Hindi ako magpapaapekto sa kanya!Ngumisi naman ito.
Kung kaya ay umiwas ako at tumingin na lamang sa iba.
Habang nagtitimpi.Hindi niya ba alam na andaming nakatingin sa kanya habang ginagawa niya yun huh?!ang dami niyang inaakit,Peste!