Reason: Pang Temporary Lang hindi pang Forever.
Hi! Ako nga pala ito; yung nang iwan sayo. Yung taong nanakit at sumira ng puso mo. Alam mo tao naman ako eh. May buhay; may puso. Alam kong nasaktan kita. Alam ko namang minahal mo naman ako eh. Alam kong ginawa mo ang lahat para patunayan yun. Kaso alam mo sa buhay ng tao may dalawang taong darating: Una yung pang FOREVER at yung pangalawa pang TEMPORARY lang. Nagkataon lang na isa lang ako sa milyong taong darating sa buhay mo para maging pang-Temporary lang. Mga taong tatambay lang saglit pero darating ang panahon na mawawala rin.
Pasensya talaga ah. Alam mo pinilit ko rin namang maging taong pang-FOREVER eh. Kaso hindi natin talaga pwedeng maipilit kapag naitadhana ni Lord.
Alam ko naman someday makilala mo rin yung taong pang FOREVER mo.
Tiwala ka lang ah.****************************
Author's POV:
Hi guys. Salamat sa pagbabasa.Gusto mo bang maging part ng librong ito?
Pwede ka naman mag sent ng sariling POV mo eh.
Comment lang.
Adios.
BINABASA MO ANG
Unspoken Story: Kwento ng mga kontrabida.
RandomUnspoken Story : Kwento ng mga kontrabida ay koleksyon ng mga POV ( point of view) ng mga taong kinaiinisan at kinagagalitan natin. Sabihin na nating ito ang kabilang panig. I hope you enjoy this story. salamat sa pagbabasa.