Ang nadakip na Chanak/Curfew
Bihag ng mga pangunahing Nannies ang pinaka madaldal na si Siruj, kaya ang kanilang misyon ay iligtas ito. Maagang nagising ang mga Babies mula sa mag-damagan nilang pag-eensayo. Alas siyete ng umaga, hindi pa gising ang mga pangunahing Nannies na magdamag na nag-chikahan. ‘Di
nila pansin ang nabubuong rebelyon laban sa kanila. May isa pang natatanging alas ang mga Babies, iyon ay ang pagbabalik ng pinakamataas na Chanak na si Audreng. Si Audreng na pinakamataas dahil bukod sa kaibigan nitong si Siruj ay isa din siya sa pinakamahusay na gumamit ng Bratatatat Chakra. Nagbalik mula sa misyon ang Highest Twitter Chanak. Si Audreng din ang pinag-hinalang gumawa ng tula para sa
kanilang reyna. Na pilit niyang dinedeny. Sakay ng bus na Genesis, bumaba si Audreng sa Probinsya ng Twitter. Sumakay ng kabayo si Audreng, at sinalubong siya ni Desiree sakay ng Moperang Kabayo. Nakangiting sinalubong ni Desiree si Audreng, agad naman nilang pinuntahan ang Pangunahing Chanak na si Caithleen, kasama ang Nunong Harbeng. Nag-pulong ang apat, itong gabi nila balak simulan ang pag-aaklas. Hanggang ngayon ay bihag pa rin ng mga Nannies ang pinaka madaldal na sabi ay hindi muna kukunin,(next chap na lang daw. Haha.)
Nabalitaan nila ang tungkol sa binabalak na Curfew. Ito ang batas na hindi nila kayang buwagin maging ang pinakamataas na Chanak. Hindi nila maaaring galawin ang batas dahil
kamatayan ang isang malupit na flying kick ang kanilang parusa. At dahil dito, ay nakabuo sila ng plano.