Chapter 5

10 2 2
                                    

Sa katirik-tirikan ng araw ay nakatayo ako sa isang waiting shed pero wala pa ding silbi dahil naiinitan ang malaking bahagi nito at kakaunti lamang ang espasyong nalililiman. Kanina pa ako dito at hanggang ngayon ay wala pa ring dumadaang bus o kahit jeep man lang. Nangangalay na nga ang paa ko, ayaw ko naman mag tricycle at masyadong mahal lalo na at tatlong barangay ang layo no'n mula dito.

Papunta ako sa El Forbizado Workshop dahil may bakante pa daw sila at kinakailangan nila ng magtuturo sa mga batang gusto matuto o hasain ang talento sa sining. Napabuntong hininga ako at nawawalan na ng pag asang makarating doon sa tamang oras nang may humintong kotse sa tapat ko. Binaba nito ang salamin ng kotse saka kumindat sa'kin.

"Wanna ride? Broom broom." saad nito at umakto pang nagd-drive ng motor. Napakamot ito sa batok ng makitang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. "Saan ka ba? Isasabay na kita, mukhang kanina ka pa d'yan e."

Oo, kanina pa nga ako dito at gustuhin ko mang tumanggi alam kong wala along choice. Napabuntonghininga ako at tumango. Buti nalang din at dumaan s'ya. Hays, kung hindi-

"Oh? Ba't hindi ka pa sumakay? Inaantay mong pagbuksan pa kita?" sarkastikong tugon nito kaya't napairap ako bago umikot at sasakay sana sa likod nang magsalita s'yang muli.

"Hoy, dito ka. Anakng- pagmumukhain mo pa along driver!"

"Daming dama." saad ko saka binuksan ang pinto sa passenger seat.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng makaupo, ebarg nakakapagod palang tumayo.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa sentro. Nabaling ang tingin n'ya sa akin at nag angat ng kilay, nagsalubong ang kilay ko nang bumagal ang takbo n'ya.

"Wala ka naman sigurong balak sumama sa pupuntahan ko, madame?" nanunuyang saad n'ya. Meh, sino bang nagsabi na gusto kong sumama sa kan'ya?

"Wala naman talaga, duh." inirapan ko 'to at natawa s'ya.

"Damn, ang ibig kong sabihin... Saan ang baba mo?" saad n'ya sa habang natatawa pa.

Ay ang boba, Astra! Namula ang pisngi ko sa hiya at bahagyang napayuko.

"Uh- hindi ko din alam, hehe." awkward kong sagot kaya't napanganga s'ya bago napailing.

"Hays, sana naman sinabi mo na gusto mo akong i-date para naman natanggihan kita ng maayos." nanunuyang saad n'ya kaya't tiningnan ko s'ya ng masama.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko alam kasi hindi ko alam kung saan dito ang El Forbizado Workshop!"

"Hala, bakit high blood agad? Easy ka lang." humahalakhak na saad n'ya bago muling nagmaneho. "Pareho lang pala tayo punta, e." saad n'ya habang hindi pa din nawawalan ng ngisi sa labi.

Oh? Nagt-trabaho din s'ya doon? Nux.

Hindi ko na s'ya sinagot matapos no'n. Nang iparada n'ya ang sasakyan ay humarap ako sa kan'ya para magpasalamat at magpaalam. Tumango naman s'ya sa pasalamat ko at sinabing sabay na kami papasok, tanggihan ko sana kaso napakawalang modo at walang hiya ko naman kung gano'n, nakisabay nalang nga ako e.

"Astra Melody Lim."

Pagpasok na pagpasok namin sa workshop at pangalan ko kaagad ang narinig ko kaya't minadali ko ang paglapag ng bag sa isang upuan.

"Po?" walang muwang kong tanong sa babae nakita ko namang nagpigil ng tawa si Evan kaya't sinamaan ko s'ya ng tingin. "Uh- kadarating ko lang po. Ano pong gagawin ko?" nahihiya kong saad, may hilaw na ngisi sa labi.

"Audition, miss."

Napatango naman ako at sinabing kakanta nalang dahil ang nasa choices lang na gagawin ay kakanta, sasayaw o aacting. Kahit pala magt-trabaho dito ay kailangan ng audition. Meh, walang tiwala sa naga-apply. Tsar.

Huminga ako ng malalim bago pumihit para kunin ang gitara at umakyat sa mini stage na nasa gitna.

Lift your head,

Sinimulan ko ang kanta at ini-strum ang gitara. Eto ang unang kanta na pumasok sa isip ko dahil ito ang madalas na kantahin sa'kin ni Donna kapag nalulungkot ako.

You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try
Baby, you don't have to worry
Cause there ain't no need to hurry

Dinama ko ang kanta at hinayaan ang sarili na malunod sa liriko at tono nito. Tama, hindi naman dapat nagmamadali, wala naman s'yang ibibigay na hindi natin malalampasan. 

Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang natutuwa nilang ekspresyon. Napangiti ako dahil hindi lang pala ako ang nageenjoy. Natutuwa talaga ako kapag may napapangiti ako, wala, ang gaan lang sa pakiramdam. Ipinikit ko ang mga mata at muling nagpatuloy.

But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song

Dahan dahan akong nagmulat at nasalubong ang mga mata ni Evan na nasa gilid lamang at nanonood, halata ang pagkamangha sa mga mata n'ya habang naglalaro naman ang maliit na ngiti sa kan'yang labi. Lalo pang lumaki ang ngiti nito ng mapansing nakatingin ako sa kan'ya, nginitian ko s'ya pabalik bago ibinaling ang tingin sa harapan.

You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

Tinapos ko ang kanta at nakarinig ako ng palakpakan mula sa mga nanonood. Bahagya akong yumuko bago nagmamadaling bumaba sa stage. Ngayon lang ako tinablahan ng kaba.

"Hey, hey, easy ka lang. Magaling ang naging performance mo." sita ng isa sa mga nagmamanage ng audition ng mapansing ang tensyon ko sa sarili, nakahinga naman ako ng maluwag at ngumiti.

Inantay ko munang matapos ang lahat ng nagpeperform. Ebarg ang gagaling din nila. Mamaya pa daw nila i-a-announce ang makukuha dahil sampo lang ang kukunin at iyon nalang ang bakante. Buti nalang nabawasan ang kaba ko sa sinabi sa'kin kanina.

"Melody..."

Napalingon ako ng tawagin ako ni Evan sa second name ko. Melody, huh. Walang tumatawag sa'kin no'n dahil pang mahinhin daw samantalang garapal naman ako.

"Bakit?"

"Ang sakit sa tenga ng boses mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya at sinipa s'ya sa paa. Paepal ampota. Tinawan lamang ako nito, hindi na ako sumagot dahil may nagpeperform at baka makaistrobo pa kami.

Shux, pangit ba talaga ang boses ko? Tangina neto, imbis na medyo hindi na ako kinakabahan kanina e naging doble ang kaba ko ngayon dahil sa sinabi n'ya. Gwdbdhbdbd.

"Lim."

Agad agad akong tumayo at pumirma sa kontrata ng matawag ang pangalan ko sa napili. Focc eat, ang galing ko talaga. Nanunuya kong binalingan si Evan na nanonood sa'kin habang nakangiti.

"Ano nga ulit 'yon?" nakangisi kong tanong ng makalapit sa kan'ya. Napailing lang ito at bahagyang natawa.

"Wala, tara sabay ka na ulit." ani n'ya saka ako nilampasan. Nagkibit-balikat nalang ako at sumunod sa kan'ya. Mas makakatipid e.

-----------
Asgsgdgdgdg. : )

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Words (She's A Poem Series #1)Where stories live. Discover now