Napatingin sa orasan si Myrtle, malapit ng mag-alas dose ng gabi.
That means her carriage is waiting.
She secretly took a deep breath.
"Jack" fruit, ngumiti siya ng matamis. "I need to go home, need beauty rest for our wedding."
Ngumisi ito "Let's go home, babes."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at itinulak ito paupo. "Not so fast, uuwi muna ako sa bahay. You can have me after our wedding day." Deym, in your dreams.
Pinasadahan nito ang kanyang katawan. "Masyado mo akong pinanabik, babes."
Kasabay ng kanyang pagtayo ay ang galit na pagsigaw ng matandang Sta. Maria. "Ano? Mga p*tang in*!"
Ang mga kasama nila sa mesa ay gulat na napalingon dito.
"Anong problema kumpadre?" Tanong ni tito Zion. Ngunit hindi nakaligtas kay Myrtle ang saglit na pagtaas ng sulok ng labi nito.
Si Jackfruit ay natatarantang tumayo at lumapit sa ama.
"Malaking problema kumpadre, ninakawan ang isa naming pabrika at pinasabog ito."
Nag-ilingan ang mga kasama nila sa mesa.
"Jack, puntahan mo sila!" Gigil nitong saad. Tila maamo namang tupang sumunod ito sa ama. Halos kalahati ng armadong nakabantay sa pagtitipon ang kasama nito sa pag-alis.
"Sabihin mo lang kumpadre, kung may maitutulong kami." Sabat naman ng isa.
Iwinasiwas ng matandang Sta. Maria ang kamay Halatang pinipigilan ang galit. "Maraming salamat kumpadre, kaya na namin ito."
"Ano? Pinasabog ang isang pabrika mo Senator?" Isang taga media ang malakas na nagsabi. Kaya nakaagaw tuloy ito ng atensiyon ng iba.
Nagsilapitan ang mga ito, kaya nagkislapan ang mga camera.
"Anong masasabi dito, senator?"
Nagkagulo na ang lahat ng magsilapitan ang mga taga media.
Maging siya ay naipit ng may humila sa kanya. Akala niya ay isa sa tauhan ng mga Sta. Maria, ngunit si Tita Thea at Tito Zion ang nakita niya.
Pinagitnaan siya ng dalawa hanggang sa tuluyan na silang makalabas.
Lumingon siya para tignan ang mga magulang ngunit wala na ang ito doon.
"Don't worry, they are safe iha." Bulong sa kanya ng ginang.
Paglabas nila ay sinalubong sila ng mga bodyguards niya.
Gusto niyang mapamura, nagpapasaklolo siyang tumingin kay Tita Thea.
Tumango lang ito.
They escorted her papunta sa sasakyan. Ngunit bago bumukas ang pinto ay may isang itim na van ang tumigil at bumukas.
Lumabas doon ang dalawang taong nakasuot ng purong itim at naka-bonnet.
Bago pa makahugot ng baril ang mga bodyguards niya ay nagtumbahan na ang mga ito.
Nanlaki ang mga mata niya.
Paano kung---
Bago pa siya makatakbo pabalik sa loob ng halos malaglag ang panga niya ng mapansin ang baril na nakatakip sa coat ni Tita Thea at kasama ito sa mga bumabaril sa tauhan ng mga Sta. Maria.
Lumapit sa kanya ang dalawang naka-bonnet at hinigit siya papasok sa van.
Napakabilis ng mga pangyayari. Bago pa siya makakurap ay nakalayo na sila sa lugar.
BINABASA MO ANG
THOR Desperate for You
ActionThor Adam Sarmiento He is cold and dangerous. Wala siyang sinasanto. But only one person has the power, to melt his cold heart. Lilian Myrtle Candra Javier, his best friend. Yeah, his best friend. He knew, he will remain that way.