"What are you doing?!" agad na sigaw ni Mommy when I accepted her video chat. Mukhang nakarating na sa kaniya 'yung nangyari sa amin nung head guard na si Juanther Pete. I don't how pero wala naman akong ibang ginawa na against her will kundi 'yun lang.
"Why are you riding a motorcycle?! Kababae mong tao nagmomotor ka?! What happened to your manners?!" sunod-sunod niyang sigaw. "You're so disappointing, Arienne. Kakarating mol ang d'yan and you're already acting like that?! Are you rebelling?!"
"N-no, Mommy," agad namang sagot ko and took a deep breath. "I'm sorry, Mom. I didn't want to disappoint you, I'm sorry. I just want to experience it," sabi ko pa at yumuko. I can see how disappointed she is kaya nagi-guilty ako.
"Nahuli kayo ng mga police officers at ngayon magbabayad pa tayo, nagsasayang tayo ng pera nang dahil sa pagiging hard-headed mo," sabi niya at umiling. Kahit she's just scolding me through the screen ay ramdam ko 'yung galit niya sa akin.
"Nasabi ko na sa magiging assistant mo ang mga kailangan mo. Lahat nang gagawin mo while you are in Odiongan is already scheduled and you can't do anything else aside from that," paalala niya and I just nodded. "I already told them kung ano ang diet mo para kahit you are far from here you're still taking care of your body."
"Okay, Mom," sagot ko naman.
"Okay, I'll tell my people to inform you about your tasks. Better do great there, Arienne, papunta na ako sa airport ngayon dahil mamaya na ang flight ako papuntang Paris. Ayoko na umuwi just to fix some of your mistakes, follow what I ordered you to do and you will hear nothing from me," sabi niya pa.
"Yes, Mom."
She sighed and nodded. "Don't disappoint me, Arienne. Bye," sabi niya at inend na ang video call. I immediately closed my laptop at pabagsak na sumandal sa may backrest ng sofa. Nandito na ako ngayon sa house na nirent ni Mommy, near 'to sa may tulay and I don't know what bridge is that.
Simula nung nahuli kami kahapon ay nagstay nalang ako dito sa house namin. Si Mr. Pete na rin ang nag-asikaso ng mga penalties namin, hindi siya galit sa akin which is I'm surprised kasi si Mommy nga galit na galit tapos siya parang wala lang 'e motorcycle niya pa 'yon.
"Good morning, Miss Aldez," bati sa akin nung isang maid pagbaba ko mula sa room ko. "Your breakfast is served," she said and smiled.
"Okay, thank you," sabi ko naman at agad nang naglakad papuntang kusina. Pagpassok ko ay dumiretso na agada ko sa may dining table. May nakaprepare nang clubhouse sandwich at meron ring slices ng banana at may kasamang milk.
"Ma'am, good morning," sabi sa akin nung isang babaeng maikli ang hair. "I'm Laiza, ako po 'yung may hawak ng mga schedules niyo from Madam Amy Aldez," sabi niya at ngumiti. "This is your schedule for today, Ma'am."
"May meeting po kayo with the Engineer of the hotel, Ma'am sa Yummy Tea Café na malapit lang po sa site nung hotel niyo. If you want something to be changed or fixe ay pwedeng idiscuss rin sa construction since open and very easy to talk to naman po ang engineers na nakuha namin."
"Is that all?" I asked her habang hinahalo ang milk ko gamit ang straw ko.
"After po ng meeting niyo with the engineers ay may isa-sign lang po kayong papers and that's all po for today," sabi niya at ngumiti.
"Okay," I said and continued eating. She just smiled and I nodded lang naman. After ko kumain ay nagligo na ako at nagbihis. I just wore a pink body con dress para to show my curves, baka kasi gwapo 'yung engineers doon.
After ko mag-ayos ay agad na nagmake up na ako. Simple make up lang ang ginawaa ko since 'yun lang naman ang kaya ko. And I don't think naman na I have to wear a heavy make up kasi it's just a meeting lang naman.
"Sunglasses niyo po," sabi nung isang maid ng lumabas ako ng pinto ng house. I immediately wore my sunglasses at agad nang naglakad papunta sa car. Sumakay ako sa backseat as usual.
"Hello, Ma'am. Good morning."
It was Mr. Juanther Pete. He was smiling widely while looking at me through the rearview mirror.
"Good morning, Mr. Juanther Pete," sabi ko naman and started scrolling on my phone. "You know where to go ba?" I asked him kasi baka hindi niya alam kung saan ko i-mimeet 'yung mga engineer ng hotel namin.
"Opo, Ma'am. Sa Yummy Tea po," sabi niya pa at ngumiti. "At 'wag niyo na po akong tawagin na Mr. Juanther Pete kahit, Kuya Juan nalang po, Ma'am para hindi mahaba," he suggested and I just nodded.
Nagso-scroll lang ako through my ig and wala namang new and hindi ako interested sa mga tao doon kaya I ended up taking selfies nalang. Kapag wala kang makitang maganda sa timeline mo, magpost ka that's my motto.
"Ma'am, magpapagasolina po muna tayo sa Alpha Oil," sabi ni Kuya kaya I immediately stopped using my phone for safety measures. Siya 'yung nakipag-usap sa gasoline boy while I look around. Natanaw ko ang beach from the window na ngayon ko lang napansin.
"Napapalibutan po ang isla ng malinis na dagat, Ma'am," biglang sabi ni Kuya Juan kaya natapatingin ako sa kaniya. "Maganda po dito sa Tablas, Ma'am," sabi niya pa na parang ini-endorse niya sa akin ang tourism ng isla nila.
Nakatingin lang ako sa bintana and na-notice na iilan lang ang mga naglalakad sa sidewalks. Halos empty nga ang streets 'e parang kagaya nung nag-arrive kami. Nakakapanibago rin na kapag tumitingin ako sa window ng car ay mga puno ang nakikita ko since I got used of seeing lots of skyscraper buildings kasi since I'm from Metro Manila di'ba.
"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ni Kuya Juan at agad na bumaba para pagbuksan ako ng door. Paglabas ko ng pinto ay agad na nakita ko ang signage nung sinasabi nilang meeting place.
"Ma'am, pagliko po natin doon sa may malaking puno nandoon na po ang hotel niyo," sabi niya habang nakangiti. I just nodded at naglakad na papasok ng Yummy Tea Café. Pagpasok ko ay merong kakaunting tao, merong couple, may group of friends at may mga mag-isa lang, sad.
"Hello, Ma'am. Welcome to Yummy Tea Café," masiglang bati sa akin ng guard ng Café. "Ano pong name niyo Ma'am?" the guard asked.