NAGISING ang aking diwa mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ko ang ilang patak ng likido sa aking mukha.
Inihilamos ko ang palad ko ngunit natigilan ako nang makaamoy ako ng malansa—sobrang lansa!
Marahan kong iminulat ang aking mga mata, dumapo ang paningin ko sa kamay ko at laking gulat ko nang may makita akong dugo.
Iginala ko rin ang mga mata ko sa buong k'warto at nanghina ako sa nakita. Ang buong kama, puno na ito ng dugo, maging ang suot kong pantulog ay nabahiran na rin ng dugo na nagmumula sa...
Kisame?
Pero paano? Ano ang nangyayari?!
Dahan-dahan akong tumingala at nangatog ang tuhod ko sa takot nang bumungad sa harap ko ang...
ISANG BABAENG NAKABIGTI!
Dumudugo ang kan'yang mga mata habang masamang nakatingin sa akin. Puno rin ng dugo ang katawan niya.
Dahil sa mga kahindik-hindik na pangyayari ay hindi ko maiwasang kilabutan. Pinilit kong sumigaw ngunit bakit ganito?
Walang lumalabas na boses sa bibig ko!
Buong p'wersa akong bumangon upang tumakbo pero hindi ako makagalaw, tila nanigas ang katawan ko.
Wala akong nagawa kun’di umiyak nang umiyak. Nahihirapan din akong huminga hanggang sa makarinig ako ng pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.
“Teresa. Anak, gumising ka!”
Napabalikwas ako ng bangon at napasigaw dahil sa takot. Tagaktak ang pawis ko habang hinahabol ang aking hininga. Napahagulgol ako at niyakap si nanay.
"Tahan na. Isang masamang panaginip lang ang lahat." saad niya habang hinahagod ang likuran ko.
Panaginip? Bakit parang totoong-totoo?
“Nanay, palagi na lang akong binabangungot. Natatakot na ako.” nanginginig pa rin na wika ko.
Kumawala siya sa yakap. “Sinabi ko naman kasi sa ’yong magdasal ka. Semana Santa ngayon, maghanda ka at pupunta tayo sa simbahan.”
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi napigilang humalakhak. “Magdasal po? Kalokohan!”
“Anak.” Ngumiti siya. “Pananampalataya sa Diyos lamang ang tanging sagot upang maibalik ang lahat sa dati.”
Sumalubong ang dalawa kong kilay at napairap pa ako dahil sa inis. Araw-araw na lang itong lumalabas sa bibig ni nanay.
Nakakarindi na.
“Pananampalataya? Naririnig niyo ba ang sarili niyo nanay?!” galit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Shamantha's Short Stories💜
RandomCompilations of Shamantha's Short Stories on Facebook. Ranking: #2 - tagalog-english