"Dad. Can you take me to ate Cas's province?"
Frenzy looked up from eating her pancakes.
Her dad looked up from the news paper he was reading. Tumagilid ang ulo nito. "Bakit anak? May klase ka pa di ba?"
Na-i-kwento niya kasi sa dad niya ng mga nakaraang araw ang nangyari sa cheerdance competition na sinalihan ng babe niya. And now she wants to go to the province para malaman ang lagay ng ate Cas niya at masuportahan ang babe niya sa pinag dadaanan nito.
She opened her mouth but she closed it again. She was hesitating dahil hindi niya alam kung papayagan siya nito.
"Tell your father!" Mellisa glared at her. "Sa pag kakakilala ko kay Mr. Asistores ay maiintindihan niya naman kung gusto mong puntahan ang babe mo."
"Pero Fajardo----natatakot ako sa magiging reaksiyon ni dad."
"Well. You have to be brave Best. What's the worst thing that your father will say? Papayagan ka lang o hindi, that's it."
"Eh paano kung ayaw ko ang magiging sagot ng dad ko?" Tinaasan niya din ito ng kilay.
"Accept it, then wait for your babe."
Umiling siya saglit. Tama si Mellissa. There's no point in hesitating. Tatanggapin na lang niya kung anong sasabihin ng dad niya. She needs to say it now. "D-Dad......N-Naaksidente po kasi si Ate Cas at gusto ko lang makita ang kalagayan niya."
Her dad stared at her and slowly put down his news paper. Inayos muna nito ang salamin sa mata bago siya tinitigan. "Anak. Kanina napansin ko na nag h-hesitate ka. Bakit naman naisip mo na hindi kita papayagan?"
She fiddled with her hands. "You were very strict with me before. Kayo ni mom. I just don't want to push more dahil ganito na nga ako. I don't want you two to hate me more just because I am like this."
Mabilis na umiling ang dad niya. Saglit nitong tiningala ang ulo nito bago ulit siya titigan. Pinatong nito ang kamay nito sa balikat niya. "Frenzy. There's nothing wrong with you. I'm sorry if we made you feel that way. No matter who you are or what sexuality you have. You will always be our baby girl. Wala ng makakapag pabago nun. Hahayaan ka na namin na mag desisyon sa buhay mo, we are just here to guide and not impose our will to you. So yes, anak. You can go and visit your friends. Ihahatid kita para alam kong safe ka."
Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Frenzy. Akala niya ay tinanggap na lang ng mga magulang niya na ganito siya dahil natakot ang mga ito noon na mag papakamatay siya. But she was wrong. Her parents accepted who she was if she gave them enough time noon.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang dad niya. Her dad chuckled and returned her hugs.
She wished that somewhere, someone out there. Kung sino man ang kaparehas ng pinag dadaanan niya ay may mga taong mag accept sa kanila. She knows how hard it is for homosexuals just to confess who they really are. At ang malaman na tanggap siya ng dad at ng mom niya ay napakalaking bagay na.
"Thank you, dad."
"Maliit na bagay anak."
"Uy uy uy ano yan?" Her mother walked towards them. May hawak itong sandok at nakangiting tiningnan sila. "Pwede ba akong makisali?"
"Of course, mom." Inilahad niya ang isa niyang kamay at lumapit ito. They hugged with a smile on their faces.
Ipinikit ni Frenzy ang mga mata niya. She was really grateful to have such an understanding parents. She felt so warm and comfortable with their hugs.
-----------------
"Anak. Let's go?"
Her dad opened his palms out to her. Frenzy took it and looked at the front of the hospital they are in. Maraming mga tao at agad siyang nakaramdam ng kaba dahil takot pa naman siya sa multo.
"D-Dad."
"It's ok anak. Hindi nakakatakot ang ospital."
"Ang mahuli pangit!" Mellissa darted passed her. Dumila pa ito ng lingunin siya.
Napailing na lang si Frenzy. Kahit kailan ang isip bata nito. Her dad looks at her expression and smiled. "I'm glad you have friends now, Frenzy."
Frenzy can't help but smile. Tama ang dad niya. She had come a long way to making friends. Kahit sa astronomy club nila ay may mga kakilala na din siya. All because of Mellissa who forced her to make friends sa tuwing gusto niyang mapag isa.
"Let's go dad."
Nag simula na siyang mag lakad papasok ng hospital. When they are inside ay agad na tinanong ng dad niya kung saan ang kwarto ni Cassidy De Silva. Agad namang sinabi ng nurse at tumungo silang tatlo doon.
"So mas maganda na ako sayo ngayon Best?" Mellissa asked her ng malapit na sila sa kwarto.
Dumila lang siya dito pero napahinto siya ng bumukas ang kwarto na sinabi ng nurse sa kanila. And her babe came out of it. Hawak hawak nito ang mukha habang hinahaplos naman ng ate Tiff at Ate Candice niya ang likod nito.
Natigilan lang ang dalawa ng makita silang tatlo. Her father waved at the two teenagers at lumarawan naman ang pag aalala sa mukha ni Frenzy. Agad siyang humakbang para lapitan ang babe niya na nag angat na din ng tingin at nanlaki ang mga mata ng makita siya.
Dali dali nitong pinunasan ang luha sa mga mata nito at bahagyang ngumiti sa kanya. But she knew that her babe was crying.
"W-What are you doing here Frenzy?"
"Bunso!" Tumakbo ang ate Tiff niya sa kanya at agad siyang niyakap she returned the hug but she kept on looking at her babe's direction.
Ngumiti lang sa kanya ang ate Candice nila.
"Ate Tiff!" Mellissa also hugged Ate Tiff at napaismid si Frenzy dahil mukhang nananantsing na naman lang ito.
"K-Kalas!" Frenzy took out Mellissa's hands na nakakapit din sa kanya. Hinayaan niyang nakayakap ito sa ate Tiff niya at tumakbo siya papunta sa babe niya para yakapin ito.
Saglit itong natigilan sa ginawa niya but after a while ay niyakap din siya nito pabalik.
"T-Thank you for being here, bata."
Frenzy can't help but let out a small smile. "Babe. I am always here for you. No matter what. I won't tell you to stop your tears. Just cry on my shoulders ok?"
Hindi ito nag salita at ipinatong na lang ang ulo sa balikat niya. Pero mayamaya pa ay itona ang kusang kumalas sa yakap niya. Napakamot ito ng ulo at napatitig sa likod niya. Frenzy looked back and she knws the reason behind her babe's blushing face.
Nakatitig dito ang dad niya ng may nanunuksong tingin.
"Y-Your dad is looking. Nakakahiya." Napakamot pa ito sa batok nito.
Frenzy tried to stop her giggles. Her shoulder started shaking pero hindi niya talaga mapigilan na wag tumawa. "Don't worry I have his blessings to make you my wife someday."
Hindi ito nag salita at lalong namula ang mukha.
But Frenzy knew na temporary lang ang sayang nakikita niya sa mga mata nito dahil muling itong lumamlam ng tingnan ang kwarto ng ate Cas niya.
"H-How is ate Cas?"
"She's in a coma, at hindi pa alam kung kailan siya magigising Frenzy."
BINABASA MO ANG
Chasing Nicollete Jung - Completed
Teen FictionAno nga ba ang mapapala ni Frenzy Asistores sa paghabol habol niya kay Nic? Asungot lang naman ang tingin nito sa kanya. Wala na daw siyang ibang ginawa kundi ang bwisitin ito araw araw. Pero kahit ganun she would always show up with a smiling face...