Chapter Thirty-Four

93 12 32
                                    

Aly's POV

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Bwisit talaga ang isang yun! Pasimple akong lumingon rito ngunit katulad ko ay patuloy lamang ito sa pagtakbo habang hinahabol ako. Mas bumilis pa ang pagtakbo nito nang makitang nakatingin ako sa kanya.

"Wahhh!" malakas na sigaw ko habang pilit na tumatakbo palayo sa kanya.

Bwisit! bwisit! Bakit ba ako tumatakbo eh wala naman akong ginagawang masama! Lumingon ako sa harap ngunit huli na ng mapansin ko si Kiane na kasalukuyang nasa harap ko habang hawak hawak ang damit ko.

No...no...nooo

Blag!

Huli na ang lahat at namalayan ko na lamang na napahiga ako sa ibabaw ni Kiane habang naka-nganga itong nakatingin sa akin.

Oh fvck!

Nanlalaki ang mga mata nito kaya naman hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. Bahagya akong gumalaw upang tumayo sana nang mapansin ko si Kiane na napapikit habang kagat nito ang mga labi.

Huh?

Dahan dahan akong tumingin sa ibaba at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita. nasa bandang ibaba ako ni Kiane at nasa pagitan ng mga hita niya ang braso ko. Wala sa sariling mabilis na tumayo ang katawan ko at nagpagpag ng damit.

"A-ayos ka lang?" nag-aalangang tanong ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Aa-ayos lang, hehehe," saad nito saka dahan-dahang tumayo habang namumula rin ang mukha.

Arghhh!! Nakakahiya ka Aly! Nailagay ko pala ang tuhod ko sa pagitan ng mga hita niya kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksyon matapos kong gumalaw kanina.

"Bakit ba kasi kayo tumatakbo?" takang tanong ni Kiane ngunit hindi pa rin makatingin sa akin.

Pati tuloy si Kiane ay naiilang na!

"Ahh- ehhh," napalingon ako kay Kei pero nakatingin lamang ito sa sahig.

"Tss..."

Tumalikod ito nang walang paalam kaya naman pareho kaming naiwan ni Kiane habang nakatingin sa kanya. Anong problema nun?

" Pasensya ka na pala kay Kei, mukhang alam ko na kung bakit ka tumatakbo," nakayukong saad nito.

Naglakad ito papunta sa itaas, sa rooftop at isinampay ang damit ko. Nanatili lamang akong nakasunod sa kanya at tumingin-tingin sa ibaba.

"Ummm...ano, ba-bakit pala ako nandito?" tanong ko sa kanya.

Gabi na rin kasi at hindi magandang tingnan na nandito ako kasama ang mga lalaking ito.

"Nakatulog ka kasi habang umiiyak kanina kaya naman naisipan kong dalhin muna kita dito pasamantala," nakangiting saadd nito habang isinasampay ang damit ko.

Wahhhh!!! Bothered pa rin ako habang nakikita siyang hawak ang damit ko. Maaaring wala siyang nakita sa akin pero paano naman yung sa ibaba?? My God!

"Ano..."

Kinakabahan akong itanong sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon pero gusto ko talagang malaman. Dyusmi, nakakahiya ka na Aly!!

Napaharap ito habang inaayos ang pagkakasampay ng damit ko. Gabi na ngayon kaya di ko alam kung paano pa matutuyo ang damit ko.

"Tungkol ba sa damit mo? Malakas naman ang hangin dito sa rooftop kaya naman baka matuyo rin siya maya maya," saad nito saka humarap sa akin..

Napatulala ako rito. Konti na lang at iisipin ko na may gusto siya sa akin eh... Tumango ako rito saka sabay na bumaba mula sa rooftop.Hindi ko na rin siya tinanong tungkol sa paano niya ako napalitan ng pang-ibaba nang hindi ako nakikitaan.

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now