"Ama"Isa, dalawa, tatlo
Tatlong letra sa iyo'y sumisimbolo
Ika'y ama na sa amin ay 'di sumusuko
Wala kami kundi dahil sa iyo.Amang lagi sa akin ay nakaagapay
Ama na nagbigay sa amin ng buhay
Na siyang naglikha ng mundo para kami ay mamuhay
Sa mundong punong-puno ng ligaya't kulay.Amang 'di magsasawang gagabay
Mula umaga hanggang gabi, siya'y nakabantay
Amang, sisiguraduhin ang ating tagumpay
Kahit buhay man niya'y iaalay.Ama, maraming salamat sa iyo
Nais kong malaman mo
Ama, ikaw ang buhay ko
Ang lakas at tibok ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula
PoetryIto ay mga koleksyon ng iba't-ibang klaseng tula at mukha ng pag-ibig