Atlas Salvador's POV
Rae's disappearance nearly drove me mad and the impulse to drop everything and comb the world for her was strong. But I couldn't break away from my duties, or my promises.
Isang linggo matapos mawala ni Rae ay si Bernadette naman ang sinimulang imbestigahan. Wala akong magawa kundi alalahanin ang pangakong binitawan kay JP; kapag dumating ang araw na kailanganin ni Bernadette ang tulong ko ay hindi ko siya dapat iwan.
Inasa ko kay Papa ang paghahanap kay Rae ngunit wala rin siya halos magawa.
Hindi bahagi si Bernadette sa mga transaksyon ni Mayor at totoong wala siyang alam tungkol doon. Hindi dahil ayaw siya madamay ng alkalde kundi wala siyang tiwala kay Dette o sa kakayahan nitong maging katulong sa negosyo. Sa isang banda ay pabor 'yon kay Bernadette. Sa kabilang banda ay nakakalungkot isipin na kahit kailan ay hindi siya kinabig na kapantay ng napangasawa.
"Mapagkakatiwalaan sina Attorney de Leon. Sila na ang bahala sa'yo," paliwanag ko kay Bernadette at sa mga magulang niya.
Niligpit ko na ang mga gamit ko para makaalis na mula sa bahay nila nang hiniling ni Dette na iwan muna nila kami para makapagusap.
"Do you have any more concerns?"
"Kumusta ka na? Nabalitaan ko na wala na raw si Rae."
She looked worried about me but although I appreciate it, I didn't want her to comfort me.
"Ayos lang ako. Kapag natapos na ang gulong ito ay aalis muna ako ng La Estrella. Hahanapin ko ang asawa ko."
"Atlas... iniwan ka na nga niya eh. Hahabulin mo pa rin?"
Hinarap ko siya ng diretso. Ayokong ilabas kay Bernadette ang galit ko pero wala siyang karapatan magbigay ng opinyon tungkol sa'min ni Rae.
"It really isn't any of your business though, is it?" I snapped.
She stiffened when she heard my reply and was obviously hurt.
"Atlas..." she said as she reached for my arm but I moved away.
"Kailangan ko nang umalis."
She looked at me in defeat and nodded.
Dahil naipasa ko na si Bernadette sa isang abogadong tiyak na mahusay na mahahawakan ang mga desisyon at hakbang niya ay ang mga responsibilidad ko naman sa law firm ang pinagtuunan ng pansin.
I worked feverishly to complete all tasks and delegated everything. I spoke to my boss and advised him of what I intended to do.
Alam kong dismayado siya sa desisyon ko pero buo na ang pasya kong umalis sa law firm. Gusto niya sanang mag leave na lang muna ako habang hinahanap ko si Rae pero ang totoo ay nawalan na ako ng gana sa trabaho. Hindi corporate law ang pinangarap kong tahakin. Kahit na sa puntong ito ay hindi ako sigurado kung ano ang susunod na hakbang ko, natitiyak kong hindi na ako babalik sa corporate law.
When my best friend died, I vowed I would see the investigation through, and I will. All I could hope for was that the universe would still help me find my wife no matter how far away she gets from me.
The months passed and the investigations finally freed Bernadette from any suspicion of entanglements in her husband's businesses.
Mukhang minalas din si Mayor dahil sa isang hindi maipaliwanag na paraan ay bumilis yata ang takbo ng systema ng hustisya sa Pilipinas. Isang taon matapos nilisan ni Rae ang La Estrella ay nahatulan si Don Leandro Aragon; reclusiyon perpetua. Kung ako ang tatanungin ay kulang pa 'yon. Kahit na ilang habang-buhay ang ilagi niya sa kulungan ay hindi ko makakalimutan na nasa mga kamay niya ang dugo ni JP.
I had dinner at JP's parents' house the night that Don Leandro Aragon was sentenced. It had been a bittersweet victory, a small one too. We know the fight for justice isn't done yet. Don Leandro and Mr. Esteban Sayson were implicated but we know there are more people involved. For now, those two would be enough. But I still believe in our justice system. There will come a time when La Estrella and who knows, maybe the whole Panay or even the Philippines would be clean.
Nabigla ako nang nadatnan si Bernadette sa bahay. Nasa opesina ko sila ni Papa, mukhang kakatapos lang mag-usap at hinihintay ang pagdating ko. Napansin ko agad ang galit sa mga mata ni Papa at luha naman kay Dette.
"Ano'ng nangyari?" agad na tanong ko.
Halos hindi makatingin si Bernadette sa mga mata ko pero sa wakas ay nagsimula rin siyang magsalita.
"Alam ko kung nasaan si Rae, Atlas."
By the time she was done with her narration, I was seething with rage. My hands shook with anger and the only thing that stayed me was JP's memory.
Hindi ko pa rin maintindihan kung paanong napaalis ni Bernadette si Rae. Ang sabi niya lang ay may nalalaman siya at ginamit niya 'yon para takutin ang asawa ko na umalis ng La Estrella.
"Atlas, patawarin mo 'ko..." sumamo niya.
Ngunit alam kong hinding-hindi ko siya mapapatawad.
"Mula sa araw na ito ay tapos na tayo, Dette. Malaya ka na mula kay Don Leandro. Hindi kita pinabayaan tulad ng pinangako ko kay JP. Dito na maghihiwalay ang landas natin," malamig na usal ko.
Gusto man ni Bernadette na magmakaawa, kilala niya ako at alam niyang walang puwang ang mga salita niya para magbago ang isip ko kaya hindi nagtagal ay umalis na rin siya.
I wanted to shout and break things. How could she have manipulated Rae into leaving me? What did Bernadette know that was enough to drive my wife away?
Kung ano man 'yon, sana ay nagtiwala sa'kin Rae. Sana ay nagtiwala siya sa pag-ibig ko dahil kahit ano pa 'yon, malalagpasan namin 'yon na magkasama.
"Papa, kailangan kong puntahan agad ang asawa ko."
Umiling si Papa at pinigilan ako sa paglabas sa opesina.
"Hindi mo pa naririnig ang buong kuwento, anak. May kasalanan din ako sa lahat ng nangyari," utal-utal na sabi niya.
My father, who has always been a paragon of strength even through our toughtest times, collapsed in front of me. I assisted him towards the couch and made him sit.
After a drink of water, he calmed down enough to tell me he needs to confess.
Kuyom ang palad ko nang narinig ang mahabang kuwento ni Papa.
Nagsimula 'yon nang iniwan kami ni Mama at pumunta si Papa ng Maynila para makibalita.
Nang umabot siya sa punto na nagta-trabaho na si Rachelle sa botika ni Don Leandro ay unti-unti akong kinilabutan.
"Pa, sinasabi n'yo ba na... na magkapatid kami ni Rae?" Halos hindi ko masabi ang mga salitang 'yon na alam kong kung totoo man ay hinding-hindi ko matatanggap.
"Hindi..." bulong ni Papa.
Hindi ko siya lalo maintindihan.
Pumikit saglit si Papa, tila ba humihingi ng lakas para sagutin ang katanungan ko at tapusin ang kuwento. Sa isang pagod na boses ay isinalaysay ng aking ama ang tungkol kay Milagros Guillermo bago siya naging asawa ni Papa.
Nang matapos sabihin ni Andres Salvador— ang tanging ama na kinilala ko buong buhay ko— ang buong kuwento ng pagkatao ko ay hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Ayokong maniwala na totoong anak ako ng hayop na 'yon!
"Hindi... hindi ko pa rin, maintindihan. Bakit kailangang umalis ni Rae. Kinamumuhian niya ba ako dahil nalaman niyang anak ako ng kriminal na 'yon?"
"Atlas..."
Gusto kong itanggi na magkadugo kami ng kriminal na si Don Leandro Aragon— ang taong nagpapatay kay JP, pero may bahagi ng isip ko na nakahinga sa kasiguruhan na hindi kami magkapatid ni Rae.
"Kung alam ni Rae na hindi kami magkadugo, Pa, bakit pa rin siya umalis?"
"Anak, kailangan mong maintindihan, umalis si Rae para sa'yo. Ayaw niyang maging susi upang masira ang reputasyon mo..."
BINABASA MO ANG
The Universe Conspired
RomanceBike rides, traipsing through old half-forgotten gardens and seeing her first shooting star- those are some of the things Rae had never experienced in Manila. Nothing seems to have worked out well so far in her short, young life. Having had her fair...