Chapter 3: Their "One that got away"

20 0 0
                                    

Angeline's POV

Nasa faculty office ako ngayon. Naka wifi ang aking laptop at nag ifb ako. Hay naku! Nakakamiss ang mga classmates ko. Nagpost ng pic si Cher ng anak nya. Si Nica naman ay nagpost ng pic nya sa Sailboat Hotel ng Dubai. Si Mary, nagpost ng pic nya na kausap ang Executive Officer nya, nasa Asian Tongue ang mga ito at tila kapopromote lang ni Mary. Si Rye, nagpost ng kung anu-ano tungkol sa isa sa mga law subjects nya. Hmmm...

Nahagip ng mata ko ang picture ng isang lalaking nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon. Si Carlo! Ang gwapo nya pa rin kahit na nakasalamin ito. Nakasalamin ito na walang frame. Nakangiti sa picture na mukhang nasa isang mamahaling Café na di ko pa nakikilala.

Nasa New York na si Carlo. Isang big time programmer ng Apple at project manager ito ngayon. Wala sa loob ko na hinaplos ang monitor ng laptop ko. I wanted to feel his face contour, his nose, his lips... Napapikit ako sa mga iniimagine ko. Napakasakit sa dibdib. Pero ginawa ko naman lahat. At parang di talaga kami ang para sa isa't isa. Carlo has been my best buddy. Supportive sa pinaggagagawa kong kalandian, laging nagpapasaya sa akin, taga libre ko kapag wala na akong perang panggastos. Ang bayad ko naman ay paggawa ng project naming dalawa. Taga gawa ng reaction paper sa mga subjects namin. Taga research ng report nya at taga gawa ng assignment. Give and take lang naman. Pero simula nang tinukso tukso na kami at napag-alaman nyang may gusto na ako sa kanya, iniwasan nya na ako. Lagi nang si Claire ang kasama nya. At nalaman kong matagal na pala nyang gusto si Claire. Wala akong magawa that time. At nang maunang gumraduate si Claire, ginawa ko ang lahat para kay Carlo. Sukdulang ibigay ko ang sarili ko sa kanya. Joke. Di ko naman ginawa. Haha. Di naman ako desperada eh! Dumating ang graduation, magkatabi kami sa upuan, pero di ko talaga narinig sa kanya na nagkagusto sya sa akin o naging mahalaga ako sa buhay nya.

Three months after graduation is the most crucial one. Dahil wala pa akong trabaho, halos mamatay ako na di sya nakikita ni nakakatext man lang. Lagi sya ang laman ng isip ko, ni hindi nya man lang maligawan ang inbox ko.

Umiiyak ako kasi sya lang yong nag-iisang lalaking minahal ko ng ganito pero ayaw naman sa akin.

Tumunog ang phone ko na syang humila pabalik sa akin sa kasalukuyan. Dinampot ko ang phone na nasa tabi ng laptop ko at inilapit sa aking taynga.

"Hello?", ani ko.
"Kailan ka daw ba uuwi?", tanong ng kapatid kong tumatawag na si Sam.

"Maybe next week. Busy pa ako eh", sagot ko sa kanya na di pa rin inaalis ang tingin ko sa monitor ng laptop ko.

"Pinapatanong ni Nanay kasi matagal ka na daw na di umuuwi. Baka daw nag-asawa ka na!", may hamig pagtatampo ni Sam.

"Tse! Wala nga akong nobyo, mapapangasawa pa? Tigil tigilan mo ako ha!", naaasar kong tugon.

"Umuwi ka daw sa Linggo", ani Sam.

"We'll see", ganting tugon ko.

"Basta umuwi ka ng may dalang nabake mong cookies", paglalambing nya.

"Titingnan lang. Walang budget sa baking ngayon!",

"Basta umuwi ka ha? Namimiss ka na namin",

"Talaga?",

"Oo naman!", masayang tugon ng kapatid ko.

"Sige na nga! Uuwi na ako sa Linggo!",

"Yay! Sasabihin ko kay Nanay. And babye na pala. Nasa school ako", ani Sam na di hinintay ang sagot ko.

Tsk. Tsk .

Inilapag ko ang cp ko sa tabi ng laptop ko. At pinatay ko na ang laptop matapos maglog out sa facebook account ko. Saka ko Kinuha ang lesson plan at ang visual aid ko para ngayong hapon at niripaso ang leksiyon na ituturo.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon