Chapter 51

3.6K 100 9
                                    

"Hala! Tara at sugurin natin yang tatay ni Demsol!" Tumayo pa si Stephanie na anumang oras ay susugod na sa gera. "Hindi manlang marunong mag-appreciate. Ginawan mo na nga ng mabuti sinukli pa sayo puro panget na salita!"

"Huwag mong pigilan 'yan pigilan, Margaux," sabi ni Clarice, na nakikipagvideo call sa amin ngayon dito sa heaven cafe.

"Ano ba? Margaux? Hindi mo manlang ako pipigilan?" Tanong sa 'kin ni Stephanie.

Siya itong galit na galit ngayon tapos susugod. Ngayon magpapapigil siya? Alam ko naman kasi na hindi totoohanin ni Stephanie ang kanyang sinasabi dahil alam niya na ang kalusugan ngayon ni Tito.

"Tignan mo 'to. Ang lakas mong magsabi na susugod ka doon, tapos magpapapigil ka?" sabi ni Clarice, naghihiwa siya ngayon ng sibuyas. "Adik ka teh?"

Umupo ng muli si Stephanie pagkatapos niyang tumayo para daw sugurin si Tito, buti na lang talaga at wala kaming katabi ngayon dito sa heaven cafe, kung hindi pinagtitinginan na kaming dalawa dahil sa eksina ni Stephanie.

"Syempre joke lang baka mamaya hindi ko pa makita ang bebe ko, pagnakulong ako," sabi niya at ininom niya ang coffee niya.

"Nasabi mo na ba kay Demsol 'yang sinabi ng Daddy niya?" Tanong sa 'kin ni Clarice.

Umiling naman ako. "Hindi at tsaka wala akong balak na sabihin sa kanya, baka mamaya hindi na niya bisitahin si Tito."

"Bakit ka ganyan, Margaux? Ikaw na nga itong sinasabihan ng kung ano-ano ng Daddy niya, hindi mo pa isumbong." Sa tono ng boses ni Stephanie, naawa siya sa 'kin.

"Ganyan talaga. Pagnagmamahal ang isang tao, kailangan mo talaga na magtiis," sabi ni Clarice. "Mararanasan mo rin 'yan, Stephanie."

"Don't worry. Darating naman yung panahon na tatanggapin ako ni Tito para sa anak niya." Ngumiti pa ako sa kanilang tatlo.

"Baka nga naoperahan na 'yon at nagising na, hindi ka pa rin tanggap," sabi naman ni Stephanie.

"Ang nega mo 'te!" Tumayo pa si Clarice. "Sige na at magluluto na ako. Mamaya na lang ako tatawag ulit, bye." Kumaway pa si Clarice sa huling pagkakataon.

Kinuha ni Stephanie ang cellphone niya at tsaka niya pinatay. Bumalik na ako sa pwesto kanina bago pa man tumawag si Clarice. Binalik na rin namin ang attention naming dalawa ni Stephanie sa pagkain para matapos na kami at makabalik na rin agad sa company.

"Akalain mo ang gaganda pala ng kotse ni Sir Hendrix." Nakatingin si Stephanie sa cellphone niya habang naglalakad kaming dalawa.

Sumilip ako at nakita ko na may nagpost about sa collection ng cars ni Hendrix, puro magaganda iyon at halatang mamahalin. Syempre billionario si Hendrix talagang mahal ang mga kotse niya, swerte mo kung makakasakay kana sa isa sa mga kotse niya.

"Maganda rin naman ang mga pagmamay-ari ni Hendrix na yatch," sabi ko at huminto kaming dalawa ni Stephanie, dahil nakared light yung walk.

"Gusto ko rin makasakay kahit sa isang yatch ni Sir Hendrix," sabi ni Stephanie.

"Edi sabihin mo sa mystery jowa mo," I suggested.

"Mystery jowa, hmp!" Tinago na ni Stephanie ang cellphone niya. "Malapit niyo na rin siya makilala, kaya chill lang."

Kailan kaya yang malapit na? Gaano kaya kalapit na? Kahit niisang clue wala kaming idea kung sino ang lalaking iyon na himala at nagtagal silang dalawa.

Nakarating na kaming dalawa sa company habang nag-uusap na dalawa ng kung ano-ano lang pero may sense naman, para hindi boring. Bumalik na rin kami sa pwesto namin at tinapos na namin ang naiwan naming mga gawain kanina bago pa man na magbreak time.

Ceo Series #1 : How To Win Ceo's Heart (Completed)Where stories live. Discover now