season 2

4 0 0
                                    

Astig mo!
Nag eenjoy na kami!
Wala ng takot sa puso namin
Halos kalimutan ka na namin

Pero bakit nakikipagbalikan ka pa?
Diba malapit na tayong magbreak
May antidote na nga ohh!!
May pasabog ka pala.

Kaguimbal guimbal ang mga nangyayari
Ang daming patay
Ang daming sakit
Ang daming pagod
Ang daming nagsasakripisyo

Ilan pa ba??
Kulang pa ba ang bilyong taong apektado
Hindi ka pa nakuntento?
Gusto mo umiyak pa kami sa lungkot?

Kaliwat kanan ikaw ang laman
Balitang nakakapighati
Sari saring kwento
Sari saring emosyon

Kala namin wala na.
Nasanay na kami sa presensya mo
Nasanay na kami na nasa paligid ka
Nakakatakot pala masanay

Nalaglag kami sa bitag mo
Nalaglag kami sa pagaakalang endless na ang saya
Normal na ang saya

Bakit?
Hindi na ba pwedeng maging normal ang lahat?
Hindi na ba pwedeng mawala ka na lang?
Bakit ka pa bumalik?

Corona Virus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon