Chapter 12

76 10 0
                                    


Lorde's POV

Di ko alam kong ano ang gagawin ko. I told Leus na hindi na ako pupunta but he insisted. So andito kami ngayong dalawa sa backseat ng kotse since walang sasakyan si Leus kaya nagpasundo nalang kami papunta sa bahay nila at WALA PA AKONG TOOTHBRUSH! NAKAKALOKA!

"Di ako ready Leus. Ang pangit ng soot ko" angal ko. Eh kasi naman eh. Para tong baliw tong mokong nato.

"No need to worry"

"We just had our breakfast and now kakain na naman ulit tayo?"

"Kagabi, angal ka ng angal kasi gutom ka tapos ngayon na maraming pagkain ayaw mo?"

"Hoy di ako umaangal ha! Tinatanong lang kita"

"Malamang breakfast nga edi kakain ulit tayo. Ayaw mo sge ipa-"

"Di okay na. Joke lang yun ano ba!" HAHAHAHHAHA bes wag na kasing tanggi ng tanggi! Tinatanggihan mo pa kasi yung blessings eh. Lol

Oo ako na patay gutom! La kayong paki! Katawan ko to kaya I can eat anything I want mwehihi. MGA INGGETERA!

"Don't worry. Magbabawas naman tayo after" sabi niya sakin tapos tinignan niya ako

"We'll do some exercise" sabi niya ng harapan sabay kindat. Uggghhhhhhh mother nature please lamonin niyo na akooooooooo. Espiritu ng kalandian, please parang awa mo na, umalis ka sa katawang lupa ko!

So after ng ilang minuto, di ko namalayan na pumasok na pala kami sa isang exclusive subdivision. I saw these great and big houses and they really look pretty awesome hanggang sa huminto kami sa isang bahay which I assumed na kina Leus to. Among all those great looking houses that I saw, this one would be my favourite. It is huge.

Lumabas na kami and viola! Hangin palang dito amoy pera na. NKKLK

"Well, welcome to our humble abode. Let's go inside" sabi ni Leus sabay hila sakin papasok ng kanilang bahay. Humble pa ba to? Jusq.

Pagpasok namin, edi ayon. Nganga ako. Jusko bes, ang laki ng bahay, kabog ang Malacañang.

"Leus?"

"Yup?"

"Magtapat ka nga sakin, bahay pa ba to?"

"Uhm well, meron namang living area, dining room, may mga rooms, may kitchen, may mga cr, yeah I think bahay to"

"Alam mo, ang yaman-yaman niyo pero ang gulo mo ding kausap eh no?!"

"Alam mo din ikaw Lorde, halatang bahay nagtatanong ka pa!"

"Sinisiguro ko nga lang eh kong totoo bang bahay to o city hall"

"Talaga? Oh baka naman sinadya mo yun kasi gusto mo lang marinig boses ko" sagot ng mokong habang nagpapa-gwapo sa harapan ko. Sarap ding upakan nito eh. Gusto ko raw siyang marinig as if benge ako. Leche to.

"Para namang di tayo nag-usap ng ilang dekada. Baliw to!"

"Asuuuus.Palusot ka pa eh. Diba dibaaa? sabi niya while slowly walking sa may likoran ko then suddenly tickles me off where talagang napasigaw ako sa kiliti.

"LEEUUUUUUSSSSSSS!!" hindi talaga ako tinitigilan ng mokong sa pangingiliti hanggang sa natapakan niya yung paa ko na kung saan na out-balanced kaming dalawa at shit! Just shit!

WE FOUND ARE OURSELVES ON THE FLOOR WHERE LEUS IS ON TOP OF ME. Ang bigat bes niya bes! At dahil nasa likoran ko siya nun, talagang muntikan ko nang mahalikan ang sahig nila habang nasa likod si Leus nakapatong sa akin at PUT'NGIN'NGGILIW FEEL NA FEEL KO YUNG PATOLA NI LEUS SA MAY PWET KO!

Tatayo na sana kami ng may nakakita sa amin ng isang babaeng maid at talagang gulat na gulat si manang!

Nagtinginan kami ni Leus sabay sabing "IT'S NOT WHAT YOU THINK!" at ayun nahimatay si ateh. Di kinaya yung dogstyle ni Leus. Hihi

Dali-dali kaming tumayo at tinulungan namin si ateng maliit.

"Ate! Ate Lalay! Ate! Gising!" sabi ni Leus habang niyuyugyog niya si Ate. Jusko naman ba't pa umabot ng ganito. Hanggang sa tuluyan ng magising si Ate Lalay at tinulungan namin siyang makatayo.

"Ate? Okay ka lang?" tanong ko sa kanya

"Kung magta-"

"Ganito kasi yun, kiniliti ko lang siya hanggang sa na out-balanced ako at ayun, yun na yung position namin ng makita mo kami" explain ni Leus kay ate na tila ba hindi na naniniwala.

"Weh?" sagot naman ni Ate Lalay

"Oo nga! Ba't ka ba di naniniwala? Sige ka mawawalan ka talaga ng trabaho"

"Oy, naniniwala naman ako sayo sir. Eh sa gwapo mong yan, sinong di maniniwala" sagot naman ni ate sabay chancing kay Leus. Hokage din itong si ate eh no.

"Kaya ikaw yung paborito ko eh! Apir nga!" at nagsi-apiran naman ang mga gunggong.

"Eh sino ba tong anghel na kasama mo?" tanong niya kay Leus

"Kaibigan ko ate. Sinusundo ka na daw niya" sabi niya kay Ate at wala anu-ano'y binatukan ito. HAHAHA gago talaga tong si Leus.

"Hi sa'yo! Anong pangalan mo hijo?" tanong ni Ate sakin

"Ako po si Lorde Jushcah. You can call me Lorde po" sagot ko habang si Ate nakatulala.

"Tama ka nga Leus. Sinusundo na talaga ako"

"Bago ka kunin ate, san ba sila?" tanong ni Leus na halatang naguguluhan kung asan ang mga tao sa bahay nila

"Nasa labas sila kumakain para daw presko ang hangin. Mabuti pa't samahan ko na kayo total kayo din lang naman yung hinihintay ko"

So ayon, sinundan lang namin sa ate. Habang papunta sa labas, nakita ko yung elevator sa loob ng bahay nila and it is really cool. Well, back in Aussie, yung bahay namin, hindi naman siya kalakihan pero sakto lang na magkasya kami at yung mga bisita if ever meron man. Medyo matagal-tagal nadin kasi yung bahay na yun and after akong mag-graduate, we are planning to sell it since gusto na rin naming bumili ng bago and we also wanted to move to Sydney na talaga para mas malapit sa business namin. I mean, we have restaurants all over Aussie as what I've said before but yung main store is nasa Sydney talaga and mom also plans to come up another business but she is still on the process in choosing what's the best to put up in Sydney.

Habang naglalakad kami at palapit ng palapit yung lugar na kung saan kumakain yung family ni Leus, parang unti-unti ring lumalabas yung puso ko sa katawan ko eh. Mas kinakabahan pa ako neto kesa nung sa Volleyball Tournament namin na kung saan nakalaban naming yung National Team ng Australia. Bugbog yung katawan namin kasi service pa lang, hirap ng ireceive. Para kaming nagre-recieve ng spike galing service line.

Hanggang sa dumating na yung oras na kinatatakutan ko. Eto na bes ang huling paghuhukom ng sanlibutan. Charot lang. So ayun, nahahagilap na ng aking mga mata ang mga maririlag na mukha ng mga kapatid at magulang ni Leus hanggang sa eto na.

"Hey!" bati niya sa pamilya niya.

"Oh My God! Here you are! Awweee, I miss my baby so much!" sabi nung magandang babae habang lumalakad papunta sa kinatatayuan namin ni Leus. Jusko Lord, pano ba to sila ginawa? Ba't ang gaganda at gu-gwapo ng lahi nila?

"Hi Ate Zin, welcome back!" bati naman ni Leus sa babae sa bigay ng hugs and kisses. Pupunta sana ako sa gilid ni Ate Lalay kaso wala na pala siya. Baka kinuha na talaga ni Lord.

"Would you mind introducing us your friend Leus? He seems so cute and charming" sabi nung babaeng putok na putok yung contour bes which I assume na mama yun ni Leus.

"Well, everyone I would like you to meet Lorde Jushcah Ambrosio, my boyfriend" says Leus without any hesitation. W T F.

Some Type Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon